Chapter 4 - Meet

2000 Words
"Sweety gising na," rinig ko ang pamilyar na boses ng babae. "A-ate Faye?" mahina kong tugon habang kinukusot ang aking mata. "Ano pong ginagawa niyo dito?" Nahagip ng mata ko ang mga damit at sapatos na nakakalat sa sa sala. "Ngayong araw  ang practice mo with B.L.U.E kyaaah!" pagtili ni kuya Dustin habang kinikilig. Mabilis akong naligo dahil nahiya naman ako sa kanila na sobrang fashionista at sobrang bango. Lumabas ako ng c.r ng naka bathrobe na pink.  "Ang cute bagay sayo yung bathrobe!!" wika ni ate Mika habang hawak yung damit na susuotin para mamaya. "Ay hehe thank you po. Pinahiram lang po sa'kin ni Ms. Nami 'to," sabay kapa ko sa malambot na tela nito.  "Ms. Parker ready na ang breakfast mo. Kain ka muna dito." wika ni Ms. Nami na naka short at t-shirt lang at may suot na apron na color yellow. "Waah thank you po!" at agad na akong dumiretso sa kainan. "Kain din po." Alok ko sa kanilang lahat pero halatang busy sila sa pagp-prepare. "Sige lang be tapos na kami," tugon ni ate Mika. "Push lang sweety diet ako e" sabay kinindatan ako ni ate Faye. "Tapos na ako Artemis. Take your time sa pagkain." Kwelang sagot ni kuya Dustin. "Anong gusto mong drinks Ms. Parker? Milk, chocolate or pineapple juice?" aniya ni Ms. Nami sa tabi ko. "Ahmm chocolate na lang po tapos malamig po sana hehe," nahihiya kong sagot. Para naman akong prinsesa sa ginagawa nila. Narinig kong tumawa si Ms. Nami. "Parehas kayo ni Lyric na mahilig sa malamig na inumin kahit umaga."  Tiningnan ko ang luto ni Ms. Nami na nakalapag sa hapag kainan at 'di ko maiwasang ma-amaze dahil ang ganda ng pagka-plating kahit simpleng sinangag with bacon , hotdog at itlog lang 'to. Mukhang inorder sa restaurant yung peg! "Thank you po Ms. Nami! Grabe po yung luto niyo parang gawa ng professional." at nagsimula na ako kumain.  "Welcome!" at nginitian niya ako. "Nasanay na kasi ako kay Lyric kapag nagpapaluto siya tuwing umaga," napansin ko agad ang pamumula ng mukha niya dahil sa maputi niyang kutis. "Yiee!" wika ni kuya Justin "Ehem! Ehem! Ehem! Ehem!" tila ba nagpapanggap na inuubo si ate Faye. "Sana all nilulutuan," bwerta ni ate Mika habang tumatawa. "Uy ano ba kayo!" sambit ni Ms. Nami na tila ba nahihiya. "By the way Ms. Parker bukas na ang schedule nang pag alis ng kuya Lyric mo." tila ba naging malungkot ang tono ng boses niya. "Hala ang bilis? Pwede po bang ihatid ko si kuya sa pag-alis niya?" tanong ko habang naka puppy eyes. Sana wala kaming need gawin bukas. "Sige pwede naman dahil wala ka namang schedule bukas. Basta need lang natin mag-ingat sa mga press." After ko mag-tootbrush ay inayusan na ako nila kuya Dustin, ate Faye at ate Mika. Inabot kami ng mahigit 2 hours. Hindi ko alam yung mga pinagggagawa nila sa'kin pero naging carbon copy na naman ako ng style ni kuya Lryic. Medyo nasanay na rin ako na short hair dahil para bang gumaan ng konti yung ulo ko. " Tadaaa! " at pakita ni ate Mika sa color white na sapatos na hawak niya. "Ito ang gagamiting mo ngayon. Pina-customize ko pa 'to para madagdagan ng ilang inches yung height mo." sabay kindat niya sa'kin. "Hala oo nga po pala! 175 cm lang po ako pero si kuya po 186cm. Pano po yun baka mahalata ng mga ka-memebers ni kuya pati ng fans!" Pagpapanic ko. "Don't worry be! Nagreready na ko ng iba pang customize shoes para lang sa iyo." sabay kindat ni ate Mika. Grabe ang dependable nila! Why am I so blessed kahit na ganito yung sitwasyon na pinasok ko? "Hmm regarding sa mga kamember ng kuya Lyric mo, since 1 year pa lang naman ang makalipas ng mabuo ang banda mukhang 'di naman ata nila mapapansin yung height difference basta nakasuot ka lang ng sapatos lagi." wika ni Ms. Nami habag nagpapalit siya ng pang managers outfit sa c.r. "True! Think positive lang tayo!"  malakas na tawa ni ate Faye habang nilalagyan ng conour yung jaw ko.. "Saka Artemis yung voice mo." biglang sabat ni kuya Dustin. " Dapat ganito manly yeaah! yeah! " sabi niya sa low voice kaya tunog lalake ang boses niya. "Hala Dustin ang ganda ng boses mo kapag panlalaki yung pitch mo!" tila bang kinikilig na sabi ni ate Mika.  "Oo nga kuya Dustin!" hindi ko mapaniwalang bulyaw! May kaboses siya na anime crush ko! Si Tamaki senpai ng Ouran Host club gosh! "Diba be?" Sabay pag apir namin sa'kin ni ate Mika habang kinikilig. "Ano ba mga sis nemen e!" wika ni kuya Dustin na balik na ulit sa p********e ang boses.  "It's time to go." wika ni Ms. Nami naka ready na. This is it pansit! ---- "Mang Kanor paki baba na lang po kami dito. " sabay turo ni Ms. Nami sa gilid habang naka-upo sa may tabi ng driver. Napansin kong marami na namang reporters at fans sa labas ng building ng  B.L.U.E. "Good luck ma'am Artemis!" wika ni Mang Kanor na nakangiti. Parang nasa forty's na siya at halatang masiyahin dahil konting kulobot niya sa pisngi. "Thank you po." naiilang kong ngiti sa kanya dahil nanginginig na naman ako sa kaba. Umiiyak na naman ng pawis yung kamay ko. "Ms. Parker kailangan mo kayanin 'to para sa kuya Lyric mo." Kita ko ang seryosong mukha ni Ms. Nami. Tama siya. Fist of all ako yung nag-agree sa set up na ganito, though ayaw ni kuya Lyric. Pero ayoko naman 'din sayangin yung effort nila kuya Dustin, ate Faye at ate Mika at Ms. Nami ( a.k.a fairygoshmothers daw itawag ko sa kanila.) Artemis! Fighting! Pagbukas pa lang ng pintuan ni Mang Kanor ay nagsimula nang magwala ang mga fans ni kuya at ang sunod-sunod na flash ng camera. "Kyaaaah!! Lyric!" "L.Y.R.I.C we love you!!"  "Paphsiii papicture pooo!!!" Nanlalamig at namamasa na ang kamay ko sa kaba. Ramdam ko ang pintig ng puso ko sa kaba dahil sa dami ng tao. Tiningnan ko kung nasa likod ko pa ba si Ms. Nami at thank God nandoon pa rin siya. Napansin kong may sinesenyas siya. Tinaas niya ang kamay niya at nag wave. Gusto niya ko kumaway sa mga fans? Iyon ba ang ibig-sabihin ng senyas niya? LUPA KAININ MO NA KO NOW NA PLEASE! The hell na sitwasyon 'to! Dahan dahan kong tinaas ang nanginig ko na kamay at pinilit na kumaway sa mga fans at sa camera at lalo silang naghuromintado dahil sa ginawa kong iyon. "Bawal mag tulakan! Bawal lumagpas sa linya!" sigaw ng mga guard sa gilid na hinaharang yung mga fans ko este ni kuya Lyric na mukhang zombies na gusto ako kainin huhu. "I can't believe na naka pasok tayo ng buhay!" Stress na stress na 'ko 'di pa nagsisimula yung practice. Umiiyak na yung kilikili ko sa kaba. "Good job!"  pagngiti ni Ms. Nami tapos sumeryoso na ulit yung mukha. Oo nga pala nagpapanggap na strict si Ms. Nami as manager kapag nasa labas. Suot na naman ulit niya ang shades na black at ang all black corporate outfit niya. May naramdaman ako kirot sa puson ko pero 'di ko na lang pinansin dahil malapit na kami lumabas sa elevator. "Nandito na tayo." pagka bukas ng elavator ay bumungad sa'kin ang dalawang member ng B.L.U.E na nakaupo sa malaki at mukhang malambot na sofa. "Hey hey hey! Whazzup Lyric!" sabay akbay sa'kin ng lalaking color blue ang buhok. Wait sino nga ulit to? "Hey Uriel!" bati ko rin sa kanya pero ginawa kong tunog lalake ang boses ko. Sana okay lang pakinggan huhu! "Erica honey saan mo gusto mag-meet mamaya? Ha? No hindi ko kasama si Steffi kagabi. " sabi nung lalake na color gray ang buhok habang nakaupo sa sofa habang nakapatong ang paa sa center table. Sa pagkakaalala ko siya si Eros. "Hi Lyric!" bati ni Eros sa 'kin habang tinakpan ang phone niya sandali at bumalik na ulit sa kausap niya. "Hey Lyric natapos ko na yung nireccommend mo sa'kin na anime last time, may iba ka pa bang pwede irrecommend?" wika ni Uriel habang nagb-browse sa cellphone niya. Hindi ko mapigilang manlaki ang mata sa pagka-excite dahil hilig ko ang manood ng anime. "Ehem!" Nireready ko muna yung throat ko para magtunog lalake ako. "Anong genre ba yung gusto mo? Fantasy, comedy , sports , romance, action?" "Hmmmm siguro gusto ko naman yung about sports." sabay pag pout ni Uriel at kamot ng ulo. "Try mo yung Haikyuu! Maganda 'yun promise! Nakaka excite yung kada episode tapos nakakaiyak yung mga character development gosh... I mean bro!" Sunod sunod kong sabi dahil sa pagka excite. Fresh pa sa mind ko 'yun dahil kakatapos ko lang panoorin iyon noong isang gabi kaya na-late ako ng update sa story ko. "Talaga? Sige 'yan yung papanoorin ko mamaya! Naeexcite na rin tuloy ako dahil sa kwento mo!" wika nito sabay tawa nang malakas. "Arghh! Ang sakit pa rin ng ulo ko!" rinig kong untas ni Eros na ngayon ay tuluyan nang nakahiga sa malambot na sofa. "Bakit hangover na naman?" wika ni Uriel. "Oo e birthday kasi kahapon ni Steffi  kaya naparami yung inom. " sabay hiloy nito sa ulo. "Yan tsk tsk tsk." Pang aasar ni Uriel. " Magpahinga ka na lang mamaya after practice." "I can't, kasi birthday mamaya ni Pinky." tugon ni Eros. GOSH PLAYBOY! Ganiyan ba talaga 'pag pogi? Well pwede ko siyang gawing reference para sa character sa new novel ko. Playboy na mahilig magparty! Pwedeng bida or side character hmm. "Bakit parang ang tahimik mo ngayon Lyric?" tanong ni Eros at nilagay niya ng kanang kamay  sa noo ko. "May lagnat ka ba?" tanong nito sa'kin. "A- W- wala! " agad akong napatayo. Grabe ang touchy naman niya! Hindi pa rin talaga ako sanay sa ganito. Kuya Lyric pagaling ka na agad please! "Bakit Lyric, may pupuntahan ka ba?" tanong ni Uriel kung bakit ako nakatayo. "Ah oo! Nakalimutan ko nauuhaw pala ako kaya need ko bumili ng ice tea. Sige bye!" sabay takbo ko paalis sa kanila. "Okay basta balik ka lang kaagad kasi parating na si kuya Blake!" sigaw ni Uriel sa akin. Tumakbo ako nang mabilis nang hindi tinitingnan yung paligid ko. "Hala nasan na ko?" mahina kong bulong. Napansin kong walang tao sa paligid ata nasa bandang hagdan ako. Kinuha ko ang cellphone ko ata agad diniall ang number ni Ms. Nami. "Hello Ms. Parker? Asan ka? Pagdating ko sa recieving area wala ka?" wika ni Ms. Nami. "Ms. Nami nawawala po ako huhu! Basta may hagdan lang po na gray dito tapos overlooking view sa labas." sabi ko na parang naiiyak. Bakit ang laki ng building na 'to? Natatakot naman ako magtanong kasi baka mahalata nila na hindi ako si kuya Lyric. "O sige pupuntahan kita. Huwag kang aalis diyan," at nag end call na. Naiiyak na ko. Ang tanga ko naman para mawala sa isang building. Mamaya nang dahil sa'kin manganib pa yung career ni kuya e! Artemis naman! Ito yung reason ko kung bakit ayaw kong lumalabas e. Sa sobrang frustrated ko sa sarili ko ay niyakap ko na lang ang tuhod ko habang nakaupo at nakasandal sa malamig na puting pader. Kuya Lyric ang hirap humarap sa tao. Nararamdaman kong umiinit ang pisngi ko dahil sa pag-iyak. Ang drama ko naman today! "Bakit ka nandito?" nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang pamilyar na mukha ng lalake na nabangga ko sa ospital. Siya si Blake ang leader , vocalist at guitarista ng banda. Gusto kong itago ang mukha ko sa kanya dahil baka maalala niya ako pero hindi ko magawa dahil seryosong nakatitig sa'kin ang brown at maypagka-chinito niyang mata. Ito ang pinaka worst case scenario! "Hindi ka dapat nandito," malamig niyang sabi sa'kin habang di pa rin inaalis ang kanyang mapanuring tingin. Nabuking na ba agad ako? TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD