A/n - Hello guys daily update ngayong December. Happy holiday to all! 3rd Person's POV Bumukas ang elevator bilang hudyat na nakarating na sila sa 30th floor. Tila nanlalamig ang kamay ni Artemis at sa bawat hakbang ay mas bumibilis ang kabog ng kanyang puso. ‘Pano kung maalala ako ni Mr. Dalton? Baka masira ko pa ng wala sa oras yung pinaghirapan na career ni kuya Lyric?’ sa loob loob ng dalaga. “Relax ka lang sis, mas lalo silang magdudududa kung mukha kang tense,” bulong ni Krista habang nagalakad. “God please help,” bulong na ani ni Artemis sa kanyang sarili. Naunang naglakad si Krista at binuksan ang malaking pinto ng conference room. Bumungad sa dalawang dalaga ang napakalawak an lugar kung saan mayroon malaking pa oblong na lamesa at maraming swivel chair na nakapalibot dito.

