A/n - Hello guys daily update ngayong December. Happy holiday to all! 3rd Person's POV Tila nalaglag ang panga ni Gray sa sinabi ni Artemis. Halata ang pagiiba ng ekspresyon nito na ngayon ay nag iiwas na ng tingin sa kanina ay minamata mata niya. 'Sh*it sh*t! Paano nangyari na siya ang founder?!' pagwawala ni Gray sa loob loob niya. 'Bakit kasi ganyan ang suot niya na mukha siyang mahirap! Kung alam ko naman na siya ang founder edi sana sumipsip ako sa kanya.' "Nice to meet you Ms. Krista," pormal na wika ni Mr. Dalton. "and I'm sorry if my employee offended you," at matalim ang titig ni Mr. Dalton kay Gray na ngayon ay kulang na lang ay mukha ng batang naiiyak. "It's fine," saad ni Krista kay Mr. Dalton at mataray na tiningnan si Gray. 'Buti na lang talaga hindi na kayo ni Josh. Jus

