Chapter 60 - Hurry

1493 Words
3RD Person’s P.O.V   “Caleb, hindi mo na naman kinain ang tanghalian mo? Hapon na ha?” saad ni Elli pagkapasok niya sa office ng hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Caleb.   “Hey Elli,” tanging tugon ni Caleb at halata sa mata nito ang pagiging mapungay. Muling binalik ng Binata ang anyang atensyon sa binabasang papel.   Lumapit si Elli sa table ni Caleb, at nanlaki ang mata nito sa dami ng papeles na nakaptong dito. “Caleb, you need to rest. Mamaya ikaw naman ang ma-ospital sunod sa Dad mo,”  kunot ang noo ni Elli.   “You know I can’t do that. Not now na naospital si Dad. Walang gagawa ng trabaho,” hinilot ni Caleb ang kanyang sentido at may diniall sa telepono sa gilid niya. “Please bring me coffee again,” aniya nito sa kabilang linya, “make it strong and add a teaspoon of sugar.”   Umupo si Elli sa swivel chair na kaharap ng malaking table ni Caleb. “Kasalanan talaga ‘to ng Tito mo e. Kung hindi niya pinangkasino ang pera ng hotel chain niyo, hindi sana magkakaganito,” iritableng tugon ni Elli.   Bumuntong hininga si Caleb. “What’s done is done,” sagot ng Binata at muli nang binasa ang mga papeles sa harap niya.   “Problema sa’yo masyado kang mabait,” prenteng umupo si Elli at inikot ikot ang swivel chair. “1 billion ang nawala sa hotel business niyo bro,” nanghihinayang ang mukha ni Elli, “1 freaking Billion, not just million. Kung ako sa inyo dapat ipakulong niyo ang tito niyo.”   Tianaggal ni Caleb ang reading glass na suot niya at hinilot ang bridge ng ilong niya kung saan bumakat na ang bigat ng salamin. “We can’t do that. Alam mo namang  siya lang ang nag-iisang kapatid ni Dad.”   May narinig silang kumatok sa pintuan ng office. “Yes come in,” tugon ni Caleb.   Pumasok ang magandang babae na nakamaiksing palda. Dala-dala nito sa tray ang baso ng kape. Napaayos ng upo si Elli nang makita ang Dalaga. “Sir Caleb, ito po ang coffee,” manipis ang tinig ng babae at nakabukas pa ang butones ng dibdib nito nang nilagay niya ang kape sa table.   ‘Those cleavage ‘tho!’ sa isip-isip ni Elli   “Thank you,” sambit ni Caleb nang ‘di man lang tiningnan ang Babae sa gilid. Bagsak ang mukha ng Babae na lumabas sa office.   “What the hell bro!” kumportableng saad ni Elli sa seryosong nagbabasa na Binata. “Binigyan ka ng magandang babae ng kape tapos hindi mo lang tiningnan?” nakataas ang kilay ni Elli. "and those boobs? Show some appreciation man."   “Ha?” nagtataka ang mukha ni Caleb, “saang maganda?” at napailing na lang si Calebs a kanyang kaibigan.   Nalaglag ang panga ni Elli, “You’re hopeless bro,” at tumayo ang Binata at tiningnan ang full glass window na nasa likuran ni Caleb. “by the way, about ulit ‘dun sa tito mo. Bakit hindi siya ang magpakahirap na ayusin ‘tong problema. Bakit ikaw na naman?”   “I don’t really have a choice,” wika ni Caleb at humigop ito sa mainit niya na kape, “wala ng tiwala sa kanya si Dad. Mababankrupt naman ang business namin kapag ‘di ko maayos ang problema na ‘to,” at nilapag ng Binata ang tasa sa lamesa.   “What the hell, that’s a big responsibility bro. Hirap talaga ng only child. “   Tiningnan ni Caleb ang cellphone niya. Pagbukas niya nito ay hindi pa rin nababasa ni Artemis ang sinend niyang message simula kaninang tanghali.   From: Caleb – Baby? Still busy?   ‘Am I being clingy? I miss her..’   “Trending na naman si Lyric sa twitter ngayon bro,” tamad na wika ni Elli.   “Yan ba yung about sa commercial niya?,” curious na tanong ni Caleb. Tila ba nabuhayan ang Binata  kapag tungkol kay Artemis ang usapan, “ina-annouce na ba sa media?”   “Hmm I don’t know, check ko mun—” napatigil sa pagsasalita si Elli at nanlaki ang mata nito. “Sinugod daw sa ospital si Lyric!” bulalas ng Binata at mabilis na nag-scroll down sa kanyang cellphone ito.   Agad napatayo si Caleb at kinuha ang cellphone ni Elli. Nakita ng Binata ang malabong litrato na kalat na sa twitter, kung saan nakahiga si Artemis sa isang wheeled stretcher at may dalawang doctor na nakahawak dito.   “Wait lang bro," muling tingin ni Elli sa litrato, "mamaya fake news to, at saka tingnan mo blurred yung picture,” sambit ng Binata.   Ang bilis ng t***k ng puso ni Caleb sa kaba. Nanginginig ang kamay ng Binata habang kinukuha ang cellphone niya at diniall ang number ni Artemis. “Please answer, please answer,” he mumbled, ngunit walang sumagot.   “E-elli, please prepare the car in the parking lot.”   “Bakit, saan ka pupunta?” takang tanong ni Elli.   “I don’t know yet. Just prepare it,” napahawak sa ulo si Caleb nang makaramdam siya ng hilo. “Please.”   “Okay, okay,” at lumabas na ng office si Elli.   Sa pang apat na diall ni Caleb ay biglang may sumagot. “L-lilian? Are you okay?”   “Hello?” si Nami ang sumagot sa kabilang linya.   “Sino ‘to? Nasaan si Lilian?” nagmamadaling tanong ni Caleb.   “I’m the manager of Lyric, sinong Lilian?”   “I mean si Artemis asan?” iritableng sabit nito. “Why are you the one answering her phone? Is she okay? Where is she?”   “She’s in the hospital now,” bumuntong hininga si Nami.   Parang binuhusan ng malamig na tubig ang Binata dahil sa narinig niya. “Just send me the address of the hospital,” tugon ni Caleb habang naglalakad papunta sa parking lot. “I will go there now.”   Pinaharurot ni Elli ang sasakyan papuntang ospital. Pagdating nila sa entrance ay ang daming fans na nakaabang sa labas at may mga media reporter pang naka-bantay.   “Sh*t,” untas ni Caleb nang makita iyon. “Elli, sa likod na entrance tayo,” at inikot ni Elli ang ospital.   “Dyan sa likod na upuan," aniya ni Elli. "nandyan yung mga pang-disguise mo,”    Kinuha ni Caleb ang bag, at sinuot niya ang nakita niyang black na wig, at makapal na pabilog na salamin. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay mabilis na bumaba si Caleb at nagmadaling pumasok sa ospital.   Naka itim na suit and tie pa rin ang suot ng Binata habang bumagay naman ang black na wig, at pabilog na salamin sa kanya. Pagpasok ni Caleb sa room ni Artemis ay nanlaki ang mata nila Mika, Krista, Faye at Dustin.   “C-caleb D-del Rio?” hindi makapaniwalang sambit ni Mika na halos lumuwa na ang mata niya. ‘O gosh kanina pa ako nakakakita nang mala dyosang sobrang gwapo na nilalang. Mamatay na ba ko?’   Dali-daling dumiretso si Caleb sa tabi ni Artemis at hinawakan ang maliit na kamay ng Dalaga. “Is she okay now? What happened to her?” kunot ang noo ng Binata.   “She’s fine now,” sagot ni Nami, “she had Anaphylaxis,” at pinaliwanag ni Nami ang buong nangyari.   ‘Baby,’ halos madurog ang puso ni Caleb habang tinitingnan ang walang malay na si Artemis, ‘I’m sorry I wasn’t there to protect you,’   “Guys labas muna tayo,” aya ni Dustin at tumayo, “let’s give them some privacy.”   “Okay, labas muna,” sambit ni Krista at muling tiningnan ang kaibigan.   “Bilhan na rin natin ng mga prutas si Ms. Parker sa baba,” tugon ni Ms. Nami at umalis na sila. Tanging si Caleb at si Artemis na lang ang naiwan sa kwarto.   “Baby I’m here,” malumunay ang tinig ni Caleb habang inaayos ang buhok na nakakalat sa mukha ni Artemis. “Please wake up,” habang hawak-hawak ng Binata ang kamay ni Artemis, "baby"   Nagulat si Caleb nang makaramdam siya nang paggalaw sa kamay ni Artemis, “Yes baby, I’m here.”   Dahan-dahang minulat ni Artemis ang mata niya. Nakaramdam ang Dalaga ng mainit na palad na nakahawak sa kanyang kamay. Malabo ang paningin ni Artemis at ramdam niya ang sakit ng kanyang ulo. May naaninag si Artemis na itim na buhok at malaking katawan na lalaki.   Malaki ang ngiti ni Caleb nang makita na dumilat na ang mata ni Artemis, “Baby, how are you feeling?” hawak-hawak nito ang kamay ng Dalaga. “Can you see me baby?”   “B-blake?” mahinang ani ni Artemis, "I-is that you?"     TO BE CONTINUED"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD