Chapter 59 - Founder

2330 Words
3rd Person’s P.O.V   Mabilis ang patakbo ni Bert ng sasakyan at inapakan nito ang brake nang nasa tapat na sila ng ospital.   “Sunod na lang po ako sa taas Ma’am Nami, matapos ko po i-park ang sasakyan.”   “Sige,” sambit ng Dalaga, at nagmadali nang bumaba ang lahat sa van.   Pagkapasok nila sa loob ng emergency room ay sobrang busy ng mga tao. Nakita ni Nami si Dustin na isa-isang tinitingnan ang mga pasyenteng nakahiga sa higaan. “Wala dito Nami,” saad ng Binata.   “Hello Krista?” wika ni Nami sa telepono. “Nandito na kami sa emergency room, asan na kayo?”   “Hello Ms. Nami," sagot ng Dalaga, "dinala kami dito sa V.I.P room sa bandang 5th floor, room A.”   “O sige, papunta na kami dyan,” at pinatay na ni Nami ang tawag. “Guys nasa 5th floor daw si Artemis,” tugon ni Nami at mabilis na pinindot ang elevator pataas.   Pagdating nila sa 5th floor ay dali-dali silang dumiretso sa nasabing room at pumasok. Bumungad sa kanila ang malaking kwarto, at halata na pang mayaman ang gumagamit nito. Nakita ni Nami si Artemis na nakahiga sa kama at may nakakabit na dextrose sa kamay ng Dalaga.   “Oh my gosh Artemis!” daing ni Mika nang makita ang mga pantal sa braso ng Dalaga.   Napatingin naman si Krista na ngayon ay namamaga ang mata habang nakaupo sa gilid ng kama ni Artemis. “You’re here guys,” malungkot na sambit nito sa mga nagdatingan.   Nagulat ang lahat nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang nasa thirties na lalaki na nakasuot ng puting uniporme. Lumapit ito sa gilid ni Artemis at may tiningnan sa papel na hawak niya.   “Doc, kumusta na po ang kalagayan niya?” nag-aalalang sambit ni Dustin.   “Maayos na naman ang lagay ng pasyente ngayon. Buti na lang ay napaaga ang dating sa kanya dito kung hinndi ay maari siyang ma-coma, cardiac or magkaroon ng respiratory failure,” paliwanag ng Doctor.   Halos malaglaga ng panga ng mga kaibigan ni Artemis. “Ganun kalala ang nangyari?! Grabe talaga,” nanlulumo na daing ni Faye habang nakahawak sa higaan ni Artemis.   “Ano po bang sakit niya? Allergy po ba?” tanong ni Mika.   “Yes, meron siyang Anaphylaxis or Spice Allergy,” paliwanag ng Doctor, “Ang sintomas nito ay ang rashes sa braso niya, as well as chest tightness, Nausea and vomiting, Rapid and weak heartbeat, pati na rin Dizziness or fainting,” tugon ng Doctor at may kung anong in-enject sa dextrose ni Artemis.   “Pero mabuti na naman po ang kalagayan niya diba doc?” despiradong tugon ni Nami.   “Yes maayos naman na.” Tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang mga kaibigan ni Artemis nang marinig ang sabi ni Doc.   “Kailangan niya na lang na magpahinga for at least three days para sa total recovery,” aniya ng Doctor habang may sinusulat sa hawak niyang chart. “and make sure na hindi na ulit siya kumain ng pagkain na bawal sa kanya.”   “Noted po Doc,” sambit ni Krista.   “Others can wait outside for a moment, dahil kailangan palitan ng hospital gown ni,” wika ni Doc at may binasa sa hawak niyang chart, “Ms. Parker.”   Nanlaki ang mata nilang lahat. “D-doc wait lang po,” at nilapitan ni Nami ang paalis na doctor.   “Yes, what is it?” pormal na sambit ng Doctor.   “Pwede po bang huwag ipaalam sa iba na babae po si Ms. Parker?”   Kumunot ang noo ng Doctor at mabilis din na naka-recover ito. “Don’t worry ma’am, confidential po ang lahat ng file ng pasyente sa ospital na ‘to. Lalo na at nasa VIP section kayo.”   “So wala naman pong ibang makakakita ng files? Right doc?” paninigurado ni Nami.   “Wala namang pwedeng maka-access sa file ni Ms. Parker bukod sa guardian niya,” tila napa-isip si Doc at inayos ang makapal na salamin na suot nito, “at tanging head doctors lang ng ospital na ‘to ang may rights tumingin. Pero ‘don’t worry, hindi nila ginagawa ‘yun dahil busy sila.”   Nakahinga ng maluwag si Nami. “Sige po Doc, thank you po.” Pumasok na muli paloob ang Dalaga.   “Good afternoon ma’am, bibihisan ko na po ang pasyente,” sambit ng babaeng nurse habang hawak-hawak ang pink na hospital gown.   Nang makita ni Dustin na hinihubaran na si Artemis ay agad tumayo ang Binata at tumungin sa malayo. “Puntahan ko na lang muna si Bert sa baba,” wika ni Dustin, “baka naligaw na paakyat ‘yun.”   “Sige girl,” saad ni Mika, at sinara na ni Dustin ang pintuan.   Nang hubarin ng nurse ang panlalaking polo na suot ni Artemis ay nanlaki ang mata nito ng makitang nakabalot ng tela ang dibdib nito. Tumikhim lang ang nurse at nagpatuloy na isuot kay Artemis ang gown.   “Nurse wala ba kayong ibang kulay na hospital gown?” tugon ni Nami.   “Kahit color white na lang sana yung kulay Nurse,” gatong ni Krista.   “Pasensya na po ma’am. Ganito po ang mga kulay talaga ng hospital gown namin,” at nagtungo na palabas ang nurse.   “Oh no, dahil walang padding ang hospital gown sa bandang balikat, hindi natin mapag mumukhang malaki ang katawan ni Artemis,” sambit ni Mika habang inaayos ang damit ni Artemis.   Marahas na bumukas ang pinto kaya napalingons silang lahat, at bumungad ang hingal na hingal na mukha ni Bert at ni Dustin.   “Guys prepare na kayo! Nakita namin yung Founder at si Eion na pasakay ng elevator ngayon lang,” tugon ni Dustin na hinahabol ang hininga.   “Don’t tell me naghagdan kayo mula first floor?” 'di makapaniwala si Mika.   “Yes,” sagot ni Dustin at uminom ito ng mineral water na nasa table.   “Hala nabura na ang eye make-up ni Artemis. Masaydo ng soft tingnan ang mata niya," mungkahi ni Mika, "Faye!” pagpa-panic ni Mika.   Agad namang kinuha ni Faye ang make up at ginawa niya na muling mukhang rough ang feature ng mata ni Artemis. Nilagyan din ng contour ni Faye ang panga ni Artemis para magaya ang kay Lyric.   Nakarinig sila ng tatlong katok sa pintuan.   Mabilis na tinago ni Faye ang make-up at umupo sa couch sa bandang gilid ng kwarto, kasama ni Dustin at Mika. Nanatili namang nasa tabi ni Artemis si Krista at Nami.   Binuksan ni Bert ang pintuan, bago lumabas ang Binata.   “How is he?” malalim ang boses ni Mr. Vazques at lumapit ito sa tabi ni Artemis, kasama si Eion na nasa likod niya.   “Okay na daw po ang lagay ni Mr. Lyric, sabi ng Doctor,” pormal na saad ni Nami.   “Anong findings?” hindi mapigilang ma-amaze nila Mika at Faye sa green na mata ng Founder na kaparehas ng mata ni Eion. 'Wow, I will be so bless kapag malahian ako ni Eion. That genes d*amn,' muni-muni ni Mika.   “Anaphylaxis daw po ang sabi ng Doctor," sagot ni Nami.   “Anaphylaxis?” pag-uulit ni Eion. “ ‘Lo parehas sila nila Lola.” Tiningnan lang ni Mr. Vazques si Eion, at muli nang pinagmasdan si Lyric.   ‘Bakit ang payat niya tingnan? He looks so small ngayong nakahiga na siya.’ sa isip-isip ng Founder. ‘He looks exactly like Rea.’   “Mr. Vazques, about po sa commercial..,” panimula ni Nami.   “Don’t worry, I’m not firing him,” at sinamaan ng tingin ni Mr. Vazques si Eion, nag-iwas lang nang tingin ang Binata. “They can resume the shoot, kapag okay na si Lyric. Is one week rest enough?”   “T-thank you po, Mr. Vazques. Yes po okay na po 'yun.”   Biglang kinilabutan si Eion, kaya naman napahawak ang Binata sa braso niya. Napatingin si Eion sa gilid ni Artemis kung saan masama ang titig ni Krista sa Binata. 'You b*tch, it's your fault kaya nagkaganito si Artemis!' gigil na gigil ang Dalaga sa kanyang isip.   “Ako na ang magbabayad sa hospital bills ni Lyric,” sambit ni Mr. Vazques, “tawagan niyo lang din ako kapag may iba pang kailangan si Lyric,” saad ng Founder at inaabot niya ang calling card niya kay Nami.   ‘In fairness ang bait ng founder.’ sa loob-loob ni Krista. ‘Hindi tulad nitong apo niya! Jusko gusto ko siyang sakalin ng buhay talaga!’   “Thank you very much po, Mr. Vazques,” nakangiting sambit ni Nami.   “O siya, hindi na kami magtatagal pa. Pupuntahan pa namin sa kulungan ang may gawa nito kay Lyric,” saad ng Founder.   “S-sino po ang may kagagawan nito?” singit ni Krista. Halata din sa mukha nila Dustin ang pagka-curious.   “Isa sa mga staff kanina. Don’t worry sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ‘yun.”   “Dapat lang sa kanya ‘yun,” aniya ni Mika sa gilid.   “Sabi ng Doctor kung hindi daw napaaga ang dating ni Mr. Lyric dito, ay pwede siyang ma-coma or worse mamatay,” nanlaki naman ang mata ni Mr. Vazques at ni Eion nang marinig ang tugon ni Faye. “Let the culprit rot in jail.”   “Seryoso?” hindi makapaniwala si Eion, “ganun kalala?”   Krista rolled her eyes at nakita iyon ni Eion. “Tss plastic,” pagtikhim ni Krista sa Binata.   “Anong sabi mo?” sabat ni Eion ngunit sinamaan siya ng tingin ng lolo niya.   “Bakit natamaan ka?” palaban na wika ni Krista, mabilis naman siyang hinawakan ni Nami sa balikat.   “Sige mauna na kami,” paalam ng Founder bago nila isara ang pinto. Masama ang titig ni Krista kahit na palabas na si Eion.   Pinindot ni Eion ang elevator ngunit nasa pinaka top floor pa ito.   “S-sir excuse me po?” nanginginig ang boses ni Bert.   “Who are you?” masungit na saad ni Eion.   “A-ako po ang driver ni Mr. L-lyric,” kabadong tugon ni Bert, “Ako po talaga ang may kasalanan kung bakit na-late kami ng dating sa studio po,” napapikit si Bert nang magtama ang tingin nila ng Founder. 'Sino ako para kausapin ang mayayaman na nilalang na'to,'   “Ma’am ano po ba ang nangyari kanina?” nag-aalalang wika ni Bert habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan pa-ospital.   “’Yun nga kasi,” saad ni Mika, “Galit na galit si Eion kasi nabugahan siya ng alak ni Artemis, tapos nabastusan daw siya kasi late din tayo dumating kanina, kaya yun sabi ni Eion tanggal na daw sa trabhao si Artemis.” kwinento ni Mika ang lahat ng alam niya mula umpisa sa Binata habang papuntang ospital.   ‘Kasalanan ‘ko to kung bakit natanggal sa trabaho si ma’am Artemis,’ sa isip ng Binata. 'Pasensya na po talaga ma'am Artemis.'   “Please po, huwag niyo po tanggalin sa trabhao si Mr. L-lyric,” lahat ng tapang sa katawan ni Bert ay nilabas niya na para lang magawang titigan ang dalawang mayaman na lalaki na kaharap niya.   “Don’t worry hijo, hindi namin tinanggal si Lyric,” sambit ni Mr. Vazques at saktong tumunog na ang elevator at pumasok na sila paloob.   ‘Mukhang mabubuting tao ang nakapalibot kay Lyric,’ sa isip ng Founder at tipid na napangiti. Nagulat si Bert sa sagot sa kanya ng Founder. 'Inexpect ko na sisigawan niya ko...' Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Bert dahil sa narinig niya at pumasok na sa room ni Artemis.   Napapatingin ang mga tao sa ospital dahil sa dami ng guards na nakapalibot kay Mr. Vazques at Eion. Sumakay sa mamahaling sasaakyan ang dalawa at pinaandar na ng driver ang sasakyan. Tahimik lang ang buong biyahe. Hindi matanggal sa isip ni Mr. Vazques ang payat na itsura ni Artemis kanina habang nakahiga.   ‘May kinakain pa ba siya?’ sa isip ng Founder at napatingin sa katabi niyang si Eion. ‘Magkasing edad lang sila ni Eion pero parang ang liit ng katawan ni Lyric kumpara dito? Malnourished ba siya o may sakit na hindi ko alam?’   Kinuha ng Founder ang kanyang mamahalin na telepono at may dinaiall ito. “Hello Dr. Ramos?”   “Mr. Vazques! Hello po, buti po napatawag kayo,” halos napatayo pa ang may katandaan na doctor sa kanyang pagkakaupo, habang nasa loob siya ng maganda at malaki niyang office, nang makitang si Mr. Vazques ang tumawag.   “I need you to look for some patient’s file in your hospital,” saad ng Founder.   “Sige po Mr. Vazques, kahit ano pong utos niyo. Utang na loob ko po sa inyo kung bakit ko napatayo ang ospital na ito,” masayang ani ng doctor.   “I will text you the name.”   “Sige po Mr. Vazques. Ise-send ko rin po agad ang pinapahanap niyo.” Pinatay na ng Founder ang tawag at may tinipa sa kanyang cellphone.   From: Mr. Vazques - Look for Lyric Appolo Parker’s patient record.   Wala pang tatlong minuto ay nag-reply na ang doctor.   From: Head Dr. - Mr. Vazques, wala pong patient sa ospital namin ngayon na ganyan ang pangalan. Meron pong same apilido na Parker din. Please see the attachment below.   Kumunot ang noo ni Mr. Vazques nang mabasa ang text. ‘Anong wala? Kagagaling lang namin doon kanina.’ sa isip nito.   Pinindot ni Mr. Vazues ang PDF file na sinend ng Doctor at halos manlaki ang mata niya sa nakita niya. Nabitawan ng Founder ang hawak niya na cellphone.   “Lolo what happened? Are you okay?” nagaalalang saad ni Eion sa hindi maipintang mukha ng Founder.   TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD