Chapter 58 - Jail

1495 Words
  3rd Person’s P.O.V     Nanlaki ang mata ni Ana nang makita niyang bumagsak si Lyric sa sahig. “Oh no, no. Naglagay lang naman ako ng sili ‘dun para asarin siya. Bakit siya nahimatay?” Nanginginig ang kamay ni Ana nang makita ang maputlang itsura ni Lyric. "He's just acting right? Since tinanggal siya sa trabaho. Right?" nanagatog na  bulong ni Ana sa kanyang sarili habang kagat-kagat ang daliri.   “Call the police at ilagay niyo sa isang kwarto lahat ng staff na nandito ngayon,” rinig sa boses ng Founder ang pagiging makapangyarihan.   Agad naestatwa si Ana sa kinatatayuan niya nang marinig ang sinambit ng Founder. Patakbong pumunta ng kusina ang Dalaga at mabilis na tinapon sa basurahana ng kutsilo at kutsara na pinangdikdik niya ng sili.   “I’m j-just joking. B-bakit naman g-ganun,” Hindi na alam ni Ana ang gagawina niya at nagtungo ang dalaga sa lavatory at binuhusan niya ng sabon ang kanyang kamay. “It’s not my fault. It’s not my fault. It’s not my fault,” sambit ni Ana habang tumutulo ang malalamig na pawis sa kanyang mukha. "Yes, wala kong ginawang masama."   Pagalabas ni Ana ng CR ay nagulat siya nang nagkalat na ang mga pulis sa studio at nakita niya ang lahat ng staff na na nagkumpulan doon.   “Saan ka pupunta?” striktong saad ng lalaking guard.   “U-uwi na po ako hehe,” kabadong tugon ni Ana. “m-masama po kasi ang pakiramdam ko e.”   “Hindi pwede, utos ng founder na pagsama-samahin ang lahat ng staff,” at dinala ng guard si Ana sa studio at pilit na pinaupo.   “Kumpleto na ba lahat ng staff?” tanong ng isang pulis at nagtanguan naman ang mga guards.   “Sino ang nag-prepare ng baso ng dalawa?” madilim ang mukha ng Mr. Vazques habang nasa harap ng mga staff.   “F-founder si Jesi po ang inutusan ko na mag-prepare ng drinks k-kanina,” nanginginig na sambit ng Director dahil may pulis sa harapan nila.   “Direc hindi ako!” sigaw ng Jesi.   “Huwag ka nang mag-deny! Sa’yo ko inutos ang paglalagay ng drinks kanina diba?”   “Oo, ako ang inutasan mo,” halata ang  takot sa mukha ni Jesi, “pero sobrang busy ko kanina! Pinakiusapan ko si Ana na siya ang gumawa ‘nun.”   Agad napatingin ang mga staff sa likuran kung saan nakaupo si Ana. halos mangatog ang tuhod ng Dalaga.   “Chief!” sigaw ng isang pulis habang dala-dala ang itim na plastik na basurahan sa pantry area. Nanlaki ang mata ni Ana nang makita iyon.  Halos lumabas na ang puso ni Ana sa sobrang kaba. “May nakita kaming kutsilyo, kutsra, at mga hiwang sili sa basurahan, Chief.”   “Okay, dadalhin natin yang ebidensya sa headquarters,” sambit ng Chief police na katabi ng founder.   “Bring those two here,” isang salita lang ni Mr. Vazques ay dinampot na patayo ng mga guards ang dalawang babae.   “Direc! F-founder please believe me! Hindi talaga ako!” pagwawala ng iyak ni Jesi habang hawak-hawak siya ng malaking guard. “Ayokong makulong please lang! Wala po akong kasalanan.”   Nanatiling tahimik si Ana at sumunod lang sa guard. ‘What should I do? Anong pwede kong idahilan! Kasalanan ‘to lahat ni Lyric! Sigurado akong umaarte lang ‘yun na nahimatay siya!’ halos dumugo na ang labi ni Ana sa pagkagat niya dito.   “Don’t we have a CCTV here in the studio?” sambit ni Mr. Vazques.   “Yes sir. Inutusan ko na ang mga bata ko na kunin iyon,” tugon ng Chief police.   “Chief nakuha ko po ang kopya ng CCTV, sa guard area,” agad na lumapit ang isang pulis at nilahad ang usb sa Chief. “We need a laptop to play this.”   “Ako na po sir! Laptop ko po ang gamitin niyo,” kinuha ni Direc ang macbook niya at nilagay ito sa isang table.   Tanging ang Chief at si Mr. Vazues ang nakatingin sa laptop. Habang hawak ng police ang dalawang babae na pinaghihinalaan.  Tumabi si Eion sa kanyang lolo at nakisilip sa laptop. May kung anong pinindot ang Chief at nakita na nila ang eksena ni Ana habang dinidikdik ang sili sa pantry Area.   “Bitawan niyo na yan,” at tinuro ng Chief ang police na may hawak kay Jesi.   “I told you all, hindi ako e!” halos maiyak si Jesi sa takot. “Ana how can you do this?!” pagtingin ni Jesi kay Ana na halos tulala.   “Posasan niyo na ang babaeng yan,” utos ng chief sa police na katabi ni Ana.   “W-wait! it’s not my fault! It’s not my fault!” pagpupumiglas ni Ana nang poposasan na siya.   “Mag-dedeny ka pa e kitang kita ka sa video,” magkasalubong na kilay ng Chief.   “Siguraduhin niyong mabubulok yan sa kulungan,” masama ang titig ni Mr. Vazques kay Ana.   “N-no please hear me!” pagwawala ni Ana kaya naman dalawang guard na ang nakahawak sa kanya “I did it for you Mr. Eion! Kasalanan ‘to lahat ng Lyric na ‘yon!”   “What are you talking about?” nagtatakang saad ni Eion. “You’re crazy!”   “I didn’t know na ganun ang mangyayari kay Lyric! I’m just pranking him for shouting at Mr. Eion!” halos kita na ang mga ugat sa leeg ni Ana sa pagsisigaw niya.   “Lock her up!” aniya ni Mr. Vazques.   “I did it all for you because you are my bias! Ayokong sinisigawan o inaaway ka ng kung sino man!” halos mapaos na sigaw ni Ana habang umiiyak na nakatingin kay Eion.   “You’re crazy!” untas ni Eion. “I don’t even know you,” at tiningnan nang nakakadiri ng Binata si Ana. Halos gumuho ang mundo ng Dalaga dahil doon.   ‘I still remember that time last 5 year ago.   “Ang taba taba mo! Baboy!” sabay-sabay ang tawanan ng mga lalaki. “Sa tingin mo ba ay magugustuhan kita? Mahiya ka naman!” sigaw ng lalaki habang hawak ang box ng regalo na binigay ko sa kanya.   “Say hi to the video!” tawang-tawa na tugon ng isa pang lalaki habang nilalapit ang cellphone niya sa mukha ko. “Look who’s here? It’s Chubyta everyone!” halos mag-echo ang tawanan ng lahat.   “Please don’t appear in my face again.” nandidiri akong tiningnan ng crush ko. “Dahil sa’yo pinagtatawanan ako sa campus e!” at binato ng lalaki ang box ng regalo sa bandang paanan ko.   Iniwan nila ako nang nagtatawanan sila. Yumuko ako habang sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Pinulot ko ang cake na binake ko, at tatlong buwan kong pinag-practice-an para matutunan ito. Tinapon ko sa basurahan ang cake at naglakad na parang bagkay sa hall way.   Ang labo ng mata ko dahil sa luha at tanging mga ilaw ng sasakyan na lang ang nakikita ko. Napatingin ako sa stoplight at nakitang green light ito.   I want to die. I don’t want to live anymore. Bakit ba akong pinanganak na pangit? Bakit ba kahit halos isang beses na lang akong kumakain sa isang araw ay mataba pa rin ako? I want to end all of this. Wala namang malulungkot kahit mawala na ko. No one even cares for me.   Nang igagalaw ko na ang paa ko para tumawid sa kalsada kahit green light, ay biglang umilaw ang malaking screen ng building sa kabilang kalsada, at lumabas dito ang isang gwapong lalaki na may magandang green na mata.   “Krissa please. Don’t end your life again,” halata ang sensiridad sa mukha ni Eion habang hawak-hawak ang pisngi ng katambal na babae. “Isipin mo na lang ang mga bagay na pwede pang mangyari sa hinaharap. Kung hindi ka nakaligtas last time, hindi tayo magkikita ngayon. So please,” nagsusumamo ang boses ni Eion.   “Pero, hirap na hirap na ‘ko sa buhay ko. I’m tired,” paghagulgol ng babaeng artista.   “Don’t leave me Krissa, Let’s face this problem together. You,” hinawakan ni Eion ang kamay ni Krissa, “and me. Let us face this fvck up life together,” at natapos na ang commercial.   Tila naestatwa ako sa kinatayuan ko at naisipang hindi na magpakamatay sa araw na iyon.   Halos mag-echo sa utak ko ang boses ni Eion. “Let us face this fvck up life together.”   Starting that day ay naging die hard fan na ko ni Eion. Lahat ng drama at event niya sa buhay ay naging updated ako. Pinilit ko ding maging staff dito para ma-tyempuhan siya at makita nang personal. You save me from suicide. You are my bias at isa lang ako sa milyon milyon mong fans. Why did I became dillusional?’   “I’m sorry Mr. Eion,” tanging sambit ni Ana nang lumuluha habang hinila siya palayo ng pulis.   TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD