Chapter 57 - Emergency

1641 Words
3rd Person’s P.O.V   Tila wala na sa sarili si Artemis habang sinisigawan siya ni Eion. ‘I feel so dizzy. I can’t understand what he’s saying. Parang gusto kong sumuka na hindi ko maintindihan.’ sa isip-isip ni Artemis.   “because YOU ARE NOW FIRED!” malakas na sigaw ni Eion sa mukha ng Dalaga habang mas hinigpitan pa nito ang hawak ni Eion sa kwelyo ng Dalaga.   Tila ba bumalik sa reyalidad si Artemis dahil sa narinig niya. “W-what do you mean?” nanghihinang tugon ng Dalaga habang nahihirapan nang huminga. Nagsisimula nang lumabo ang paningin niya at dalawang Eion na ang nakikita niya sa kanyang harapan.   “You didn’t hear me?” ang buong atensyon ni Artemis ay naka-focus sa mata ni Eion. “You, are, fired, and that’s final,” sigaw ng Binata habang dinuduro ang mukha ng Dalaga.   ‘Hindi ko mapigilang maalala ang maamo at puno ng pagmamahal na mata ni mama. They have the same eye color, pero sobrang magkaiba ng ugali nila. ‘Ma I screwed up. Please save me. I don’t want to ruin kuya Lyric's career by making this mess,’ Hindi na napigilan ni Artemis ang pagbagsak ng luha niya.   Halata ang pagkagulat sa mukha ni Eion nang mapansin niya ang luha sa mata ni Artemis. “W-what on earth? W-why areyou cryi-”   “WHAT ARE YOU DOING EION VAZQUES?” Dumagundong sa loob ng set ang boses ng matandang lalaki. Lahat ng nasa loob ay napatingin sa matandang lalaki na may tungkod na kakapasok lang sa studio.   “F-founder!” sigaw ng Director at nilapitan ang matanda. “S-sana po nagsabi kayo na bibisita po kayo, para nag-prepare po kami.”   “ I own all of this. Sino ka para magpaalam ako sa’yo,” at nilagpasan ng Founder ang Director na tila naestatwa na sa kinatatayuan niya habang nakaawang ang panga.   “Oh my, siya pala ang Founder,” bulungan ng mga staff sa gilid.   “Hindi ko akalaing ma-me-meet natin ang billioner owner ng TheBrandee,” saad ng isang staff.   “L-lolo? W-what are you doing here?” gulantang na saad ni Eion sa mukhang striktong Matanda. Naglakad papalapit ang founder sa kinalalagyan ni Eion at ni Artemis, kaya naman agad na binitawan ng Binata ang pagkahawak niya sa kwelyo ni Artemis.   Matalim ang titig ng green na mata ng Founder kay Eion. “What’s the commotion here?” malalim ang boses nito at halata ang pagiging strikto nito.   “N-nothing ‘Lo, there’s no commotion here hehe,” sagot ni Eion habang pinagpapawisan ito sa mukha.   “Anong wala?” nanliit ang mata ng Matanda at napatingin sa pwesto ni Artemis na ngayon ay nakayuko at ang itim na buhok ng Dalaga ay nakatakip sa mukha nito. Hilong-hilo na si Artemis at unti-unti nang  nagdidilim ang paningin ng Dalaga. “Who is this?” diretsang tanong ng Matanda.   “Don’t worry ‘Lo he’s nothing. I already fired him. He’s name is Lyri—” hindi pa tapos magsalita si Eion ay agad pinalo ng Matanda ng tungkod and tuhod ni Eion.   “Aray ‘Lo bakit?!” tila napatalon ang Binata sa sakit ng palo. Hinilot-hilot nito ang tuho niya. "What did I do?"   “Young man,” malumanay ang boses ng Founder at nagtungo sa pwesto ni Artemis. “Are you oka-?” pagkapatong ng kamay ng Founder sa balikat ni Artemis ay nagulat ang lahat ng bumagsak ang Dalaga sa sahig.   “L-lyric what happened?” halata sa mukha ng Founder ang pag-papanic. “What did you do Eion?!” galit na tugon ng Matanda.   “I d-didn’t do anything ‘Lo!” Nanlaki ang mata ni Eion at nagtaas pa ng kamay. “I didn’t even punch him. I swear!”   “OMAYGOSH ARTE—MR. LYRIC!” Malakas na  sinipa ni Krista sa bayag ang lalaking humaharang sakanya, halos mamulupot sa sakit ang guard at napaluhod ito. Agad namang nilapitan ni Krista ang kaibigan na nakahilata na ngayon sa sahig.   “Call 911 now!” sigaw ng Founder at halata ang pagpapanic ng mga staff sa paligid. Mabilis na lumapit ang Director sa kinalalagyan nila at agad na nag-diall sa telepono.   “H-hello, 911, please send an ambulance here in..” saad ng Director at mabilis na nagtungo sa labas.   Agad na nagsunuran sina Nami, Dustin, Faye, at Mika, at mabilis na nagtungo sa kinalalgyan ni Artemis.   “OMAYGOSH!” naluluha si Krista nang nilapitan ang walang malay na kaibigan. Nilapat ni Krista ang ulo niya sa dibdib ni Artemis. “Y-yung puso niya ang bagal ng beat!” pagwawala ng dalaga. “What should we do?!” pagwawala ng Dalaga.   “What have you’ve done?!” nanlilisik ang mata ni Krista kay Eion habang hawak ang kamay ni Artemis.   “P-promise I d-didn’t—” sagot ni Eion.   “Krista what happened?” paglapit ni Nami at nanlaki ang mata niya nang makita ang itsura ni Artemis. “Bakit ang dami niyang pantal braso at namamaga ang kamay niya?” tugon nito at pinahiga niya sa lap niya ang ulo ni Artemis.   “I think it’s allergy guys!” sigaw ni Mika. “My sister had the same symptoms kapag inaatake siya ng allergy! We need to get her to the hospital now! Asap.”   “A-allergy?” sambit ni Krista, at may pilit na inaalala ang Dalaga habang mahigpit ang hawak niya sa kamay ng kaibigan.  "Sis tada! I brought you a sisig!" bati ni Krista sa naka college uniform na si Artemis habang may suot na makapal na salamin ito. "Yey! 'di pa din ako kumakain e!" excited na tugon ng dalaga at pagbukas niya ng lalagyanan ay tila naglaho ang ngiti nito. "Bakit sis? Ayaw mo ng sisig na may itlog on top?"  "G-gusto sis," alanganing sagot ni Artemis at tinuro ang hiwang sili na nakahalo sa ulam. "kaya lang allergic ako sa sili e. Sorry Krista." “Allergic siya sa sili!” Napatingin ang lahat kay Krista pati na rin ang Founder.   “Sili..” mahinang sambit ng Founder. ‘They are really the same-‘ sa isip ng Matanda.   “Anong pinakain mo sa kanya ha?” kunot ang noo na tugon ni Krista kay Eion.   “Nothing! He didn’t even eat anything in the room earlier!” sagot ng Binata. “We just drank alcohol.”   “Eion, kunin mo ang baso niyo na nasa table,” utos ng Lolo niya at mabiils na sumunod ang Binata.   “ ‘Lo ito po,” magalang na saad ni Eion habanag hawak ang dalawang baso.   Isa-isang inamoy ng Matanda ang alak at may kakaiba siyang naamoy sa isang baso. Tinikman ito ng kaunti ng Founder. “Ackk!” halos masuka ang matanda ng malasahan niya ito. “SINONG NAGLAGAY NG SILI SA ALAK NA ‘TO?” umalingawngaw ang sigaw ng Founder.   Nanlaki ang mata ni Eion at mabilis na tinikman ang baso ni Artemis at halos maduwal ang binata. Rinig ang mga bulungan ng mga staff na nakapalibot ngayon. Halata naman ang pag-aalala sa mga kaibigan ni Artemis na ngayon ay nakaalalay sa Dalaga.   “Guards!” sambit ng Founder at mabilis na lumapit ang sampung armadong may malalaking katawan na lalaki sa harap nito.   “Yes sir,” sabay-sabay na wika nila.   “Call the police at ilagay niyo sa isang kwarto lahat ng staff na nandito ngayon,” rinig sa boses ng Founder ang pagiging makapangyarihan.   “Yes sir,” at mabilis na kumilos ang mga guards.   Nagsalita ang Founder at tumingin ng diretso sa mata ng Binata,“Eion ikaw ba ang mat ga-“   “ ‘Lo promise hindi ako!" pagsabat ng Binata. "Siguro kwinelyuhan ko siya, ayon inaamin ko. Pero hindi ako ang may kagagawan sa drink ‘Lo. Believe me,” nakita nang Founder ang sensiridad sa mata ni Eion. Napabuntong hininga na lang ang matanda.   “The doctor is here!”sigaw ng Director at mabilis ang pagkilos ng mga lalaking naka-suot ng puting uniporme. Maingat nila na nilgay si Artemis sa wheeled stretcher at ipinasok sa loob ng ambulansya.   “Isang guardian lang po ang pwedeng sumakay dito sa ambulance,” saad ng doctor.   “Ako na lang po,” aniya ni Krista at mabilis na pumasok sa loob kung san nakahiga si Artemis.   “Krista susunod din agad kami sa ospital,” seryosong sambit ni Dustin bago tuluyang isara ng doctor ang pintuan ng ambulansya, at tuluyan nang umalis.   “Oh God please help Artemis,” pabulong na saad ni Nami habang tinitingnan ang pag-alis ng sasakyan. ‘Ano na lang sasabihin ko kay Lyric, kapag may masamang mangyari sa kapatid niya!’ naiiyak na si Nami sa loob loob niya. ‘Lyric will be so disappointed in me.’   “Ikaw ba ang manager ni Lyric?” tanong ng Founder habang nasa gilid niya si Eion.   “Yes po,” pormal na saad ni Nami.   “Pasensya na sa nangyari ngayon. Don’t worry, sisiguraduhin kong makukulong ang may gawa nito kay Lyric,” nakatakot ang titig ng Founder.   “M-maraming salamat po Mr. Vazques,” sagot ni Nami, “mauna na po muna kami need na po kasi namin pumunta sa ospital ngayon,” saad ng Dalaga nang makita nilang huminto na sa harap nila ang van at nakita ang nag-aalala na mukha ni Bert.   “Siga mauna na kayo. Bibista din kami sa ospital matapos kong malaman kung sino ang may kagagawan nito.”   Mabilis na pinaharurot ni Bert ang sasakyan nang malaman niyang na-ospital si Artemis. Pagkaalis nila sa gate ng Studio ay nakasalubong nila ang mga sasakyan ng police.   ‘Sisiguradin kong mabubulok ka sa kulungan. You who dare to hurt Lyric….’ galit na tugon ng Founder sa isip nito.   TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD