ILANG araw ng hindi man lang sinasagot ni Wesley ang mga text messages at tawag ko sa kanya. Mukhang nagtatampo talaga siya sa akin. Iniisip ko tuloy kung tama bang nagmatigas ako sa kanya. Tama din naman siya. Ilang buwan na rin kaming magkasintahan at bilang girlfriend niya ay may responsibilidad ako sa kanya. “Ellie, umagang-umaga ay tulala ka nanaman dyan. May problema ka bang bata ka? Aba’y ilang araw ka ng parang wala sa sarili mo…” tanong sa akin ni Manang Lori ng mapansin na parang wala ako sa sarili habang naghuhugas ng mga pinggan sa lababo. “Pasensya na po… May iniisip lang po ako.” “Nag-away ba kayo ng nobyo mo? Aba e mula noong day off mo at nagkita kayo ng boyfriend mo ay ganyan ka na. Napansin ko rin na namumugto ang mga mata mo noong umuwi ka. Hindi ko lang maitanong s

