bc

In The Arms Of A Beautiful Beast (SPG)

book_age18+
6.9K
FOLLOW
94.7K
READ
billionaire
revenge
possessive
sex
contract marriage
escape while being pregnant
love after marriage
beast
bxg
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

#towritingcontestGirlPower

Elenita “Ellie” Capras is a “promdi girl”.

Wanting to help her family, and with the help of her friend, she was able to find a job in a wealthy family’s mansion as one of the housemaids.

When she thought everything was going smoothly according to her plan.

Ellie was sent to Manila to serve the most BEAUTIFUL BEAST she had ever seen, Alexander “Xander” Altmann. A real-estate business tycoon.

When an accidental one night with her billionaire boss occurred, her plain and insignificant existence changed as she became the beautiful beast’s unwanted wife.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BAGO ang lahat ay gusto ko munang ipakilala ang aking sarili. Ako nga pala si Elenita Capras. Itang ang palayaw sa akin ng mga tao dito sa probinsya namin. Paano ay maliban sa sunog sa araw ang aking balat sa maghapon na paglalako ng isda at gulay ay kulot na kulot din ang aking itim na buhok. Noong maliit pa nga ako ay Kirara ang tukso ng mga kalaro ko sa akin. Tapos ng magdalaga na ako ay napalitan ng Itang. Paano ay iyong kapatid ko na si Rochel ay hindi mabigkas ang salitang ate Elenita kaya nagiging “Ate Eta” tapos natuloy sa Itang. Sabi ng mga kaibigan ko, ang buhay ko daw ay parang istorya ng makabagong Cinderella. Ang pagkakaiba lang daw namin ni Cinderella ay wala akong witch step sisters ang mayroon lang ako ay isang witch stepmother at sobrang makulit na mga kapatid. Si Rose Ann na walong taon gulang, si Rochel na anim na taong gulang at ang bunso at nag-iisang lalaki sa min na si Ryan, apat na taong gulang. Pumanaw sa isang malalang karamdaman si Mama noong ako ay siyam na taong gulang pa lamang. Sobrang lungkot ko noon. Paano naman si Mama na ngalang ang nag-iisang naniniwala na maganda ako eh kinuha pa siya sa amin agad ng Panginoon. Makalipas ang isang taon ay nag-asawa ulit si Papa at inuwi niya sa bahay si tita Rose, ang aking evil stepmother… este ang ina ng aking tatlong mga kapatid na sina Rose Ann, Rochel at Ryan. Noong una ay maayos naman si Tita Rose. Pero may pagka maluho at magastos siya. Sugapa din siya sa sugal. Lagi niyang sinusumbat kay papa ang magandang buhay daw na pinangako nito sa kanya. Sinikap ibigay ay tuparin ni Papa ang mga pinangako nito kay Tita Rose. Ang hindi ko alam ay nagsasakripisyo at napapabayaan na pala ni Papa ang aming piggery at palaisdaan na magkatuwang nilang naipundar ni Mama noon. Unti-unti iyong bumagsak at tuluyang nawala sa amin. Ang tanging natira ay ang maliit na parte ng lupa na siyang kinatitirikan ng aming bahay at maliit na bukurin. Dahil nawala sa amin ang kabuhayan ng pamilya ay tuluyan na rin kaming naludlod sa kahirapan. Napilitan akong tumigil sa pag-aaral kaya hanggang high school graduate lang ako. Dahil nga kapos kami sa buhay at hindi sapat ang kinikita ni Papa sa palaisdaan nila Mang Kanor ay nag presenta na rin akong tumulong na magtrabaho. Naglalako ako ng isda at iba’t ibang klase ng sariwang gulay. Ngunit kamakailan lang ay muli na naman hinagupit ng mapait na kapalaran ang aming pamilya. Nagkasakit si Papa at magdadalawang linggo na siya sa ospital. Kasalukuyan akong nagpapakain sa aking mga nakababatang kapatid ng dumating si Tita Rose. Hindi manlang nito binati ang mga anak niya na ilang araw niya rin na hindi nakita. Diretso itong naupo pasalampak sa kawayan na sofa at mukhang hapong-hapo. “Tita Rose, bakit po kayo umuwi? Sino po ang bantay kay papa sa ospital?” tanong ko dito. “Iniwan ko muna tutal ay natutulog pa naman siya. Tsaka hindi naman yun mawawala doon eh maski nga tumayo at maglakad ay hindi magawa mag-isa.” Hindi ko nalang pinansin ang pabalang niyang sagot sa simple kong tanong. Inisip ko nalang na baka pagod lang talaga siya sa pagbabantay kay papa sa ospital. “Kamusta na po si Papa? Sinabi na po ba ng doctor kung kailan siya pwede nang lumabas ng ospital?” Hindi niya ako sinagot. Hindi ko alam kung narinig niya ba ako o talagang malalim lang ang iniisip niya at hindi niya ako narinig. Maya-maya ay parang may bigla siyang naisip. Umayos siya ng upo tapos ay humarap sa akin. “Itang, umikot ka nga.” “Po? Bakit po? May dumi po ba ako?” “Ang daming tanong… Bilis na, umikot ka sabi eh,” ulit na utos niya sa akin. Nahinto ako sa pagsusubo ng pagkain kay Ryan at sinunod ko ang utos ni tita Rose sa akin. “Paano pong ikot? Ganito po ba?” Mukhang hindi nasiyahan si Tita Rose at lumapit ito sa akin at hinila ako paikot ulit. Pakiramdam ko ay para akong paninda kong tilapia na kinikilatis nito kung sariwa at mataba ba o bilasa na. Kahit naguguluhan ako ay sumunod nalang ako sa kanya at umikot ayon sa gusto niya habang hawak ko pa rin ang kutsara sa isang kamay. “Ilang taon ka na nga ulit?” “Lalabing pitong taon po.” “Labing pitong taon ka palang? Sigurado ka ba?” “Opo, tita Rose. Labing pito, limang buwan at anim na araw,” eksaktong sagot ko sa kanya. “Lentik naman oh,” inis na turan ni Tita Rose at mukhang hindi nagustuhan ang sagot ko. “Huwag po kayong mag-alala, tita. Medyo matagal pa naman po ang debu ko. Sigurado hanggang sa debu ko ay magaling na noon si papa. Siguradong maisasayaw ko siya bilang isa sa 18th roses ko,” may bahagyang ngiti sa mga labi kong turan. Naalala ko kasi noong labing walong kaarawan noong anak ng kapit bahay namin na si Lucy napakaraming handa at kay saya. Mukha itong prinsesa sa suot nitong kulay rosas na damit at may korona pa ngang suot. Nakita siguro ng papa ko noon na medyo may konteng inggit akong nararamdaman habang pinapanood ang kaibigan ko kaya pinangako sa akin ni papa na kapag ako naman ang nag debu ay paghahandaan nito ang araw na iyon. “Anong pinagsasabi mo? 18th Roses… asa ka pang mangyayari yun. Lalo na ngayong lubog na lubog na tayo sa utang dahil sa sakit ng papa niyo.” Napapahiyang napakagat labi nalang ako. Alam ko naman na malabong mangyari ang pangarap kong iyon pero kahit ba naman ang mangarap ay hindi rin pwede? Muling sinipat ni tita Rose ang kabuuhan ko. “May kalusugan ang dibdib mo, maganda rin ang umbok ng pang-upo mo at balingkinitan ang baywang mo. Pwede na ‘yan. Hindi na siguro sila magdududa sa edad mo.” “Sinong sila po?” Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkos ay muli siyang nagtanong sa akin. “Nagka boyfriend ka na ba?” “Ho? Nako hindi pa po,” naeskandalo kong sagot. “Ibig bang sabihin niyan ay wala pang lalaking nakakagalaw sayo at birhen ka pa?” Lalo naman nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Nilingon ko ang mga kapatid ko sa pag-iisip na baka narinig nila ang tanong na iyon ni tita Rose. Mabuti nalang at mukhang hindi naman. Patuloy lang ang mga ito sa pagkain dahil siguro sa takot ang mga ito na mapagalitan ni Tita Rose. “B-Bakit niyo naman po naitanong?” “Bakit ang dami mong tanong at hindi mo nalang sagutin ang tanong ko sayo? Ano, birhen ka pa o lumalandi ka na ng hindi namin alam?” “B-Birhen pa po…” “Sigurado ka?” “Opo.” “Magbihis ka at may pupuntahan tayo.” “Saan po tayo pupunta, Tita?” “Huwag nang maraming tanong sabi eh at sumunod ka nalang. Magbihis ka at isuot mo ang pinaka sexy at maayos mong damit. Maglagay ka rin ng konting make-up.” “Make-up po? May party po ba tayong pupuntahan?” “Ano ba. Hindi ba’t sinabi ko na sayong huwag ka nang maraming tanong? Sige na at gawin mo na ang inutos ko sayo. Hinihintay na ako ng Papa mo at kailangan kong makabalik sa ospital agad.” “Pero wala naman po akong make-up, Tita. Iyong nga pong pulbos ko na binili kong tag bente pesos ay ubos na rin,” sagot ko sa kanya. Pumasok si tita Rose sa loob ng kwarto nila ni papa at kinuha ang bag niya ng mga make-up. “Ito gamitin mo pero ingatan mong hindi masira ha! Tsaka bilisan mo ang kilos… May pupuntahan lang ako at babalik ako agad.” Sinipat ko ang bag. Puro nga make-up ang laman niyon. Tsk. Marami pala siyang make up bakit noong JS prom ko at graduation ay ipinanghirap pa ako ni Lola sa kapitbahay namin gayong marami naman palang make up si tita Rose. Ang damot talaga nito! “Ano na? Tatanga ka nalang ba diyan? Diba nga’t sinabi ko sayong bilisan mo at nagmamadali ako?” sikmat nito sa akin na halot ikinatalon ko sa kinatatayuan ko. “Opo, ito na nga po nagmamadali na…” “Mga bata, halikayo at doon muna kayo sa Lola Carmen ninyo matulog at may pupuntahan kami ng Ate Itang niyo,” narinig kong tawag ni Tita Rose sa tatlo kong mga kapatid noong naghahanap na ako ng damit na maisusuot. Bagaman at hindi ko alam kung saang kami pupunta ay sinunod ko nalang ang utos sa akin ni tita Rose na magbihis at mag-ayos at baka mapagalitan na naman ako nito. 1-3 lang ang ginawa kong pagligo para mabilis akong matapo. Kaya pagbalik ni Tita Rose ay nakabihis na rin ako. Nagpulbos lang ako at naglagay ng manipis na lipstick dahil hindi naman ako marunong mag make eh. Baka tuloy magmukha pa akong clown. “Itang, tapos ka na ba diyan?” Katok ni tita Rose sa pinto ng kwarto ko. “Opo tapos na po.” Sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin. Mukha naman na akong tao sa paningin ko. Iba talaga ang nagagawa ng pagligo. Maaraw-araw nga at baka sakaling gumanda na talaga ako. Paglabas ko ng pinto ng kwarto ko at makita ni Tita Rose ang ayos ko ay hindi siya natuwa. “Ano ‘yang suot mo? Itang naman… Hindi ba’t sinabi ko sayong isuot mo ang pinaka sexy at maayos mong damit? Bakit iyan ang sinuot mo?” Niyuko ko ang sarili ko. Maayos naman ang itsura ko sa simpleng t-shirt at kupas na pantalon ah. Diba nga’t sa tingin ko ay mukha na akong tao? Pero sa kanya ay hindi pala iyon sapat. “Eh, Tita Rose… Ito na po kasi ang pinaka maayos na damit na mayroon ako.” Totoo naman kasi na iyon na ang pinakamaayos kong damit. Paano naman ay kahit kumikita na ako ng sariling pera sa paglalako ng isda ay wala rin naman akong nabibili para sa sarili ko kasi mas inuuna ko ang mga pangangailangan sa bahay at ng mga kapatid ko. Lalo na at bago pa man naospital si papa ay ilang buwan na siyang hindi makakapagtrabaho dahil sa sakit niya kaya ako ang mag-isang kumakayod para sa pamilya namin. Paano si Tita Rose ay wala naman alam na trabaho. Maski nga ang paglalaba ng sarili niyang panty ay inaasa niya pa sa akin eh. “Magbihis ka.” Pumasok ulit si tita Rose sa kwarto at pumili sa mga bestida nito na kakasya sa akin. “Itong isuot mo para magmukha ka namang tao kahit paano.” “Ipapahiram niyo po sa akin ang damit mo?” nabibigla kong tanong. Kahit kailang kasi ay hindi pa siya nagpahiram ng damit sa akin. Minsan pinakialaman ko ang damit niya para isuot sa christmas party namin noong high school ako ay sabunot ang napala ko noong pag-uwi ko. “Sige na bilisan mo na. Ang dami mo pang tanong diyan.” Kinuha ko ang itim na bestida na inabot niya at isinuot iyon. Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay nakarating din kami sa pinaka siyudad ng probinsya namin. Ngayon lang ulit ako nakapunta dito. Siguro ang huli kong punta ay noong buhay pa si Mama dahil sa malaking mall dito nila ako binibilhan ni Papa ng mga bagong damit noon. “Ano ba. Bilisan mo naman ang lakad. Abay daig mo pa ang pagong sa paglalakad ah.” “Tita Rose, hindi po ako sanay sa sapatos na may takong eh. Tsaka bakit ganito naman po ang damit na pinasuot niyo sa akin? Eh malapit na po masilip ang singit ko dito eh.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook