Chapter 2

1491 Words
HINDI niya ako sinagot at hinila niya ako sa kamay habang tumatawid kami sa kalsada noong maging green ang stoplight para sa amin. “Itang, makinig ka. Kapag may nagtanong kung ilang taon ka na ang isasagot mo palagi ay labing walang taon ka na at ang pangalan mo ay Lucy Dizon. Naiintindihan mo ba ako?” bilin ni Tita Rose noong naglalakad na kami sa kalsada ng syudad papunta sa kung saan. “Po? Pero bakit po pangalan ni Lucy ang ibibigay kong pangalan, Tita Rose?” tanong ko habang iniikot ang paningin sa syudad. Ibang-iba ang lugar na ito kaysa sa naalala ko. Ang daming nightclubs na palang nagsulputan dito. Sa tabi ng kalsada sa tabi ng mga nadadaanan naming night clubs ay may mga babae akong nakikita na hindi nalalayo ang mga suot sa suot ko. Nagtatawag sila ng mga foreigners na dumadaan ang iba pa nga ay agad nilang nililingkisan na parang mga ahas. Putok na putok ang mga mukha nito sa makakapal na makeup. Kung mataas ang takong ng sapatos ko ay mas mataas naman ang sa kanila. Hindi ko nga alam kung paano pa nilang nagagawang makalakad sa mga sapatos nila samantalang ako ay pakiramdam ko sugat-sugat na ang mga paa ko at malapit na mabali ang mga daliri ko sa paa. Humento si Tita Rose sa paglalakad sa may gilid ng Phoenix nightclub may kalayuan sa mga tao. “Makinig kang mabuti, Itang. Malaki na ang bayaran natin sa ospital at napakarami rin ng mga resitang gamot na kailangan bilhin ngunit hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng perang ipambibili at ipangtutustos sa pagpapagamot ng Papa niyo. Kung hindi natin mabibili ang mga neresitang gamot ng doctor ay baka hindi na makauwi pa ng buhay ang Papa mo sa atin. Kaya tulungan mo ako, Itang! Ikaw nalang ang nakikita kong pag-asa… Maliliit pa ang mga kapatid mo at hindi ko sila kakayanin buhayin ng wala si Ernesto.” Kinakabahan na ako. Parang may hinala na kasi ako kung bakit talaga kami nandito. Ngunit ayaw iyon tanggapin ng isip ko dahil kahit hindi man ganoon kabuti sa akin si Tita Rose, kahit papano ay ina na rin ang turing ko sa kanya at naniniwala akong hindi niya magagawa ang kung anuman ang tumatakbo ngayon sa isip ko. “Tita Rose, ano po ba talaga ang gusto niyong sabihin sa akin? Ano po ba talaga ang ginagawa natin dito?” sunod-sunod kong tanong habang hinihila pababa ang suot kong bestida dahil sobrang eksi niyo at halos makita na ang kuyukot ko. Hapit na hapit din ito sa katawan ko at bakas ang bawat kurba ng katawan ko. Bago pa masagot ni tita Rose ang tanong ko ay tumunog na ang mumurahin nitong cellphone. “Hello, Mommy… Opo, opo nandito na po kami sa labas. Sige po hihintayin ka namin,” wika nito sa kausap. Matapos makipag-usap ay muli siyang humarap sa akin. “Itang, tandaan mo ang lahat ng sinabi ko kung gusto mo pang makauwi sa atin ng buhay ang papa niyo!” “P-Pero, Tita Rose…” “Ano ka ba naman, Itang. Konteng sakripisyo lang ang hinihiling ko sayo. Hindi mo manlang ba ako matutulungan? Isa pa hindi naman ito para sa akin ah. Para ito sa Papa at mga kapatid mo,” wika niya sa akin na para bang wala akong ginagawa para makatulong sa pamilya namin. Samantalang mukha na nga akong uling dahil sa kakalako ko ng isda at gulay maitaguyod ko lang ang pamilya namin. Si Tita Rose ay hindi naman ito magtitiis na mabilad sa araw maghapon katulad ng ginagawa ko. “Tita Rose, gagawin ko po ang lahat. Maski doblehin ko pa ang pagtitinda ko ng isda ay gagawin ko pero huwag naman po dito… Huwag niyo naman po akong ibenta sa mga foreigners. Balita ko pa malalaki po ang mga kargada niyan eh. Baka po malumpo ako sa mga ‘yan…” maluha-luha ko nang pakiusap sa kanya. Naalala ko kasi iyong kwento ng isa kong kaklase noong high school. Iyong kapitbahay daw nila ay nagalaw ng isang n***o. Ayon halos isang buwan daw hindi makalakad ng tuwid. “Ano ka ba naman, Itang. Hindi mo ba ako narinig? Malaki ang perang kailangan natin sa pagpapagamot sa papa mo. Baon na baon na rin tayo sa utang. Ito nalang ang nakikita kong paraan…” “Pero, Tita Rose, ayaw ko po….” Ilang sandali ay may matabang babae akong nakita na lumabas mula sa pinto ng nightclub. Agad akong pinandilatan ng mata ni Tita Rose. “Umayos ka! Huwag mo akong ipapahiya kundi malilintikan ka talaga sa akin!” banta nito sa akin tapos ay hinila ako palapit sa babaeng mataba. “Siya ba ang sinasabi mo?” “Upo, Mommy Claire. Ito po si Lucy…” Tiningnan ako ng babae na tinawag ni tita Rose na Mommy Claire mula ulo hanggang paa. “May itsura ka, iha. Maganda rin ang hubog ng pangangatawan mo. Siguradong magugustuhan ka ng mga parokyano naming mga foreigners dahil sa kutis mong pinay na pinay at exotic beauty.” Hindi ko alam kung papuri ba ang sinabi niya o insulto. Pero wala na akong pakialam doon. Nakayuko lang ako at pinipigil na umiyak. Nanginginig din ang buong katawan ko sa takot na pwedeng mangyari sa akin sa kamay ng mga parokyano na sinasabi ng matabang balyena sa harap ko. “Sigurado ka bang dese otso na ‘tong si Lucy? Alam mo namang mahigpit na ngayon. Baka mapahamak ako ng wala sa oras…” tanong nito kay Tita Rose. “Ay nako Mommy, huwag po kayong mag-alala. Totoong dese otso na po talaga itong si Lucy.” May kinuha sa bag nito si Tita Rose at binigay sa balyena este kay Mommy Claire pala. “Ito po Mommy ang birth certificate niya. Dese otso na po talaga siya.” Nagulat ako ng makita ko ang birth certificate ng kaibigan kong si Lucy. Hindi ko alam kung paanong napunta iyon kay Tita Rose. Pero ngayon ay nasagot na kung bakit gusto niya akong magpakilala bilang Lucy. “Okay, okay… Pwede na ‘to,” tumatango-tango na turan ni Mommy Claire. “Eh Mommy, paano po iyong napag-usapan natin?” tanong ni tita Rose. “Sigurado ka bang birhen pa talaga itong, anak-anakan mo, Lovely?” Nagulat ako. Bakit Lovely ang tawag ni Mommy Claire kay Tita Rose? “Ahem.” Tikhim ni Tita Rose na nag-iwas ng tingin sa akin. “Mommy, birhen pa po talaga itong si Lucy. Hindi pa nga po ‘yan nagkaka boyfriend eh.” “Siya sige. Ako na ang bahala sa kanya… Ito na ang halagang napag-usapan natin kanina.” Abot nito ng isang puting sobre kay Tita Rose. Agad naman iyong tinanggap ni Tita Rose at binilang ang iilang libong pera na laman ng sobre. “Mommy, baka naman pwedeng dagdagan mo pa kahit limang libo lang. Kailangan lang talaga para sa gamot ng asawa ko sa ospital.” “Ikaw naman kasi, Lovely… Kung bakit kasi titibok na rin lang iyang puso mo ay sa isang mahirap pa gayong marami namang mga parokyanong puti ang nagkakagusto sayo dati.” Ah, gets ko na. Siguro ay dito nagtatrabaho si Tita Rose bago siya nakilala ni Papa noon. “Mommy, sige na po. Dagdagan niyo na kahit magkano lang… Sigurado naman akong malaki ang kikitain mo kay Lucy eh. Mataas magbigay ang mga puti kapag berhin. Maliit na diyan ang singkwenta mil...” pakikipagtawaran ni tita Rose na para bang isa lang akong sariwang tilapia sa palengke. “Sige na nga.” Kumuha pa ulit ng iilang libo sa pitaka nito si Mommy Claire. “Ayan trenta mil na ‘yan. Pero katulad ng napag-usapan natin, dito na muna titira sa akin si Lucy hangga’t hindi niya nababayaran ang perang kinuha mo sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo, Lovely?” “Wala pong problema. Sige na, Lucy. Sumama ka na kay Mommy sa loob at kailangan ko nang balikan ang papa mo sa ospital.” Kumapit ako kay Tita Rose at muling nagmakaawa. “Tita, parang awa mo na… Huwag niyo po akong iwan dito!” Ngunit tinabig lang ni Tita Rose ang kamay ko. “Umayos ka! Huwag mo akong ipapapahiya. Isipin mo nalang na ang gagawin mong ito ay isang maliit na sakripisyo para sa buhay ng Papa at mga kapatid mo,” pag-uulit nito sa sinabi na nito sa akin kanina. Tapos ay nagpaalam na ito kay Mommy Claire. “Tita…” umiiyak kong tawag dito. Hinawakan kasi ako ng Balyena kaya hindi ako nakahabol kay Tita Rose. “Halika, sumunod ka sa akin,” utos sa akin ni Mommy Claire. Gusto ko sanang tumakbo at takasan si Mommy Claire ngunit hindi naman ako tanga para maghanap ng sakit ng katawan. Ang lalaki kaya ng katawan ng tatlong doorman at siguradong hindi pa ako nakakalayo ay mahuhuli na nila ako agad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD