SA dressing room ng Phoenix Nightclub ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ang ingay ng lugar at puno ng mga naggagandahang kababaihan na nakasuot lamang ng two piece bikini. Ang iba ay naka T-back pa nga at nakalantad ang mga pisngi ng mga pang upo ng mga ito at halos wala nang tinakpan.
“Lucy…” tawag sa akin ni Mommy Claire.
Hindi ko siya narinig o sadyang ginusto kong magbingibingihan.
“Lucy, ano ka bang bata ka. Mukhang nagkamali pa yata ako sa pagbibigay ng malaking halaga kay Lovely ah. Mukhang tatanga-tanga ka pa yata at malulugi lang ako sayo!” pang-iinsulto niya sa akin. Pero hindi ko iyon dinamdam dahil mas nag-aalala ako sa kung ano ang susunod na mangyayari sa akin. Humingi nalang tuloy ako ng paumanhin.
“Pa-Pasensya na po.”
Umismed si Mommy Claire. “Isuot mo ito,” abot nito ng two piece red bikini sa akin na katulad din ng mga suot ng ibang mga babaeng naroon.
Napatunog ako ng wala sa oras. Pakiramdam ko kasi ay parang nagbara ang lalamunan ko at nagsikip ang dibdib ko sa kasuotan na yun.
“I-Ito po ang isusuot ko?”
“Malamang! Tayka, marunong ka bang sumayaw?”
“Sayaw po? Noong nag-aaral po ako sumasayaw po ako kapag may program po sa eskwelahan namin. Marunong po ako magtinikling at pandanggo sa ilaw. Nakapagsayaw na rin po ako ng itik-itik at singkil noong elementary po ako,” seryuso kong sagot sa kanya. Abay kung sayawan lang din naman pala ang labanan dito ay magaling akong sumayaw. Lagi kaya akong sumasayaw noon kapag may progran sa eskwelahan namin.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagtawanan ang mga babaeng nakarinig sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? Parang wala naman ah.
“Mommy, bakit hindi niyo siya pasayawin ng itik-itik mamaya para maiba naman,” kantiyak sa akin ng isang babae na abala sa pagdadagdag ng makapal na nitong makeup. Kulang nalang magmukha na siyang clown.
“Oo nga, Mommy. Malay niyo magustuhan ng mga foreigners nating customers,” sabat din noong isa na nakipag high five pa doon sa nauna.
Mas lalo naman nagtawanan ang iba pa. Pero ako ay hindi ko parin talaga maintindihan kung bakit siya nagtatawanan. Bahala sila sa mga buhay nila ang babaw ng mga kaligayahan nila.
Mas pinagtuunan ko ng pansin ang bikini na pinapasuot sa akin ni Mommy Claire. Bakit ako magsusuot ng ganito kaliit na bikini kung magsasayaw lang naman pala kami?
“Hala, sige na. Magsipag handa na kayo… Lucy, magpa make-up ka kay Barbie. At sumama ka sa grupo nila Grace mamaya sa pag-akyat sa entablado. Malaki ang perang binitawan ko sayo kaya dapat ngayon palang ay pag trabahuan mo na. Madali lang naman ang gagawin mo sa stage eh… Sasayaw kalang naman ayon sa tugtog habang isa-isang hinuhubad ang mga kasuotan mo hanggang walang matira. Tayka nakapag-shave ka ba ng Pechay mo?”
Pinanlakihan ako ng mga mata sa narinig ko. “M-Maghuhubad po ako habang nagsasayaw? Pero--- pero po ang dami ng mga lalaking nanonood sa labas…”
“Ay boba. Kaya ka nga magsasayaw at maghuhubad ay para akitin ang mga lalaking nanonood sayo na nasa labas. Para mabenta iyang petchay mo...” kitang kita ko ang pagkapikon sa mukha niya.
“Hindi ko po kayang gawin yun, Mommy… Uuwi nalang po ako,” tumayo ako at anyong aalis ng harangin ako ni Mommy Claire.
“Oppsss. Saan ka sa tingin mo pupunta? Nakalimutan mo bang benenta ka sa akin ng tita mo? At makakaalis ka lang sa puder ko kapag babayaran mo ng doble ang pera na binayad ko kay Lovely.”
“Ano? Doble po?” nabibigla kong tanong. Abay matindi pa pala ito sa bombay dahil ang mga bombay ay 5-6 ang babayaran ko kapag umutang ako. Samantalang itong si Mommy Claire ay doble ang gustong kabayaran at hindi lang basta 5-6.
“Oo. Aba’y trenta mil din yun. Kaya ibig sabihin ay sixty thousand ang kailangan mong bayaran sa akin. Kaya galingan mo agad sa paggiling mamaya. Tamang-tama at sabado, marami tayong mga parokyano ngayon. Balita ko ay may VIP daw na bisita si boss… Malay mo ikaw pa ang magustuhan. Tsaka pala kapag may nag-alok sayong i-pop ang cherry mo ay matoto kang makipagtawaran para mabayaran mo agad ang utang ni Lovely sa akin."
“Ano po ba ang cherry?” tanong ko habang niyuyuko ang dalawang magkabilang dibdib ko. Iniisip ko na ang dalawang dünggot sa diddib ko ang tinutukoy ni Mommy Claire.
“Hindi ‘yan kundi iyang nasa pagitan ng mga binti mo, boba! Kapag sinabing cherry ang ibig sabihin ay birhen ka pa. At malaki ang kikitain mo diyan. Karaniwan nang bayad ng mga parokyano kapag birhen ay singkwenta mil at depende pa ‘yan kung gaano kagalante ang customer na magkakagusto sayo. Oh diba, kaysa naman ibigay niyo lang ‘yan sa mga boyfriend niyo ng libre pagkatapos ay bubuntisin lang din naman kayo at iiwanan. Mas maganda nang ibenta niyo ‘yan at kikita pa kayo ng malaki, nagkakaintindihan ba tayo, Lucy at Grace?” tukoy nito sa isang babae na abala sa pagbibihis.
“Opo, Mommy,” sagot noong tinawag niyang Grace.
Muling kong inikot ang paningin ko sa mga babae sa paligid ko. Parang wala lang sa mga ito ang nangyayari. Maski nga iyong Grace na birhen din pala na katulad ko ay parang hindi naman nahihiya maghubad sa harap naming lahat habang nagbibihis ng uniporme na bikini na katulad din ng inabot sa akin ni Mommy Claire kanina.
Pakiramdam ko ay nanghihina yata ang mga tuhod ko at buong katawan. Saan ako kukuha ng sixty thousand na pangbayad kay Mommy Claire? Iyong mga tao nga sa isang libo ay hindi ko mga kilala kung sinu-sino ang naroon dahil sa dalang niyon bumisita sa mga kamay ko at kung minsan namang nagagawi sa mga kamay ko at sinuwerte sa paglalako ng isda ay dumadaan lang din sa mga palad ko at mabilis din na nagpapaalam para ipambili ng pagkain at iba pang mga kailangan namin sa bahay. Paano pa kaya ang sixty thousand? Mukhang malalamog yata muna ang pechay ko nito bago ko pa mabayaran ang halagang hinihingi ni Mommy Claire. Isa pa, sino namang bulag na customer ang magkakainteres sa akin gayong walang-wala ako kung ikukumpara sa mga kasamahan ko na nandito na maliban pa sa mga sanay na sanay na ay ang gaganda pa. Iyong si Grace nga ay kay kinis ng kutis at mukhang mestiza. Samantalang ako ay wala na ngang alam maski ang humalik dahil maski sa halik ay birhen din ako, kamukha ko pa si Kirara.
Ilang sandali ay lumabas na ng dressing room si Mommy Claire matapos nitong maibilin sa aming lahat ang mga dapat naming gawin mamaya.
Nilapitan ako noong Grace ang pangalan na mukha mabait naman at palakaibigan.
"Alam mo, walang mangyayari sayo kung iiyak ka lang dahil hinding hindi magpapalugi si Mommy, lalo na kapag pera na ang pinag-usapan. Masyadong gahaman ang isang yun. Kita mo nga at mukhang balyena..." pabulong nitong wika sa akin.
"H-Hindi ko talaga yata kaya eh. Maski nga lang sa harap ng mga kaibigan kong babae kapag naliligo kami sa ilog ay hindi ko magawang magpakita ng katawan kapag nagbibihis kami. Paano pa kaya ang magsayaw habang naghuhubad sa harap ng mga kalalakihan na hindi ko naman kilala?"
"Ano ka ba. Iyon nga ang advantage natin eh. Kahit anong gawin natin. Kahit mag split pa tayo at tumuwad ng walang suot na panty ay okay lang dahil hindi naman natin mga kilala ang mga taong nanonood sa atin."
"Paano mo nasasabi 'yan? Hindi ka ba natatakot o kaya nahihiya?"
"Aaminin ko noong unang gabi ay ganyan din ang naramdaman ko. Pero nasanay na ako. Iniisip ko nalang ang pamilya ko lalo na ang maliliit kong mga kapatid. Kapag nakikita kung kumakalam ang mga sikmura nila ng dahil sa gutom at wala akong magawa, iyon ang hindi ko kaya. Pero huwag kang mag-alala at sa simula lang naman 'yang hiya mo. Kapag nasanay ka na katulad namin ay mawawala rin iyang hiya mo sa katawan. Lalo na kapag kumita ka na ng ilang libo sa isang gabi. Tsaka, narinig kong nasa ospital pa pala ang papa mo?"
Tumango ako bilang sagot. "Ilang araw ko na nga siyang hindi nabibisita dahil busy ako sa paglalako ng mga paninda at may tatlo rin akong maliliit na mga kapatid na inaalagaan."
"Iyon naman pala. Eh di mas lalong kailangan mong galingan mamaya. Kung may VIP na bisita si boss ay siguradong uulan ng pera mamaya. Ang swerte ng unang gabi mo."
Nagpahid ako ng mga luha. "Paanong uulan ng pera?"
Tumawa si Grace. "Kadalasan ay mayaman ang mga bisita ni boss at mga galante. Palagi may ring the bell at naghahagis ng pera."
“Ano ba ang ring the bell?” tanong ko dito. Kong ganitong makukulong ako dito hanggang mabayaran ko ang utang kay Mommy Claire ay maigi na ang alamin ko ang mga bagay-bagay dito.
“Ang ibig sabihin ng ring the bell ay kapag pinatunog ng customer iyong maliit na kampana na nakasabit malapit sa may bartender at iyong isa na nasa VIP area, ibig sabihin ay bawat isa sa atin ay may isang inumin. At bawat isang inumin na binibigay ng customer ay may kikitain tayong one hundred fifty pesos. Oh, diba ang laki. Kapag nakasampo ka ng inumin ngayong gabi na bigay ng mga customers ay may one thousand five hundred ka na agad na kita ngayong gabi. Kaya dapat matalino ka. Kapag pinatawag ka ng customer mamaya para i-table. Dapat matuto kang makiramdam. Kapag alam mong galante at maraming pera bilisan mo ang pag-inom ng ladies drinks mo para makarami ka. Sulitin mo ang bawat pisil at hipo nila sa katawan mo,” matiyaga pagtuturo ni Grace sa akin.
Nakanunot lang ako ng noo. Wala akong kahit anong maintindihan sa mga pinapaliwanag sa akin ni Grace.
"Sige na. Magbihis ka na at baka bumalik si Mommy at hindi ka pa handa. Siguradong mapapagalitan ka."
“Tayka, pwede bang malaman kung gaano ka na katagal na nagtatrabaho dito?”
“Apat na buwan na rin ako dito,” sagot ni Grace sa akin.
“Pero bakit sabi ni Mommy ay birhen ka parin?”
Umingos si Grace. “Eh kasi wala pang customer na nag-alok sa akin na i-pop ang cherry ko sa halagang gusto ko.”
“B-Bakit, magkano ba ang gusto mo?” tanong ko ng maisip ang sinabi ni Mommy Claire kanina na kapag may costumer na nag-alok sa akin na i-pop ang cherry ko ay dapat matoto akong makipagtawaran.
Tinapos muna ni Grace ang pag-apply ng pulang lipstick sa mga labi nito bago niya ako sinagot. “Isang daan.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Isang daang libo?”
“Oo, isang daang libo. Nako ha, pinagkait ko ‘to sa boyfriend ko at inalagaan ng matagal, dapat lang na pagkakitaan ko na ng malaki, diba? Para naman kahit papaano ay hindi ko pagsisihan.”
Muling kong niyuko ang aking pechay sa pagitan ng mga hita ko. Kung si Grace nga na maganda at mestiza ay umabot na ng apat na buwan dito sa paghihintay na may costumer na magbayad sa pagkabirhen nito, paano pa kaya ako? Baka tumanda ako sa bar na ito ng wala manlang magka interes sa pechay ko. Paano na ang mga kapatid ko? May pagka pabaya pa namang ina si Rose at inaasa lang sa akin ang pag-aalaga sa mga kapatid ko. Kung si lola Carmen naman ay matanda na yun at hindi na niyon kaya ang pag-aalaga sa tatlong makukulit na mga bata.
“Sige na. Magbihis at mag-ayos ka na at magpa makeup ka daw kay Barbie. Maya-maya ay sasalang na tayo sa stage,” wika sa akin ni Grace.
Pumunta si Elenita sa may gilid kung saan medyo tago sa mga mata ng mga kasama at doon piniling magbihis. Matapos makapagbihis ay pinalapit ako noong bakla na makeup artist at Barbie nga daw ang pangalan.
Ayan ang ganda mo na, girl. Ang exotic ng beauty mo… Nako, pagkakaguluhan ka ng mga Afam mamaya. Mga ganitong exotic beauty ang mabenta sa mga Afam,” wika ni Barbie na hindi alam ko alam kung papuri ba o insulto katulad din ng sinabi ni Mommy Claire sa akin kanina.
Ilang sandali ay tinawag na ako ni Grace dahil kami na daw ang susunod na aakyat sa stage kasabay ng tatlo pang mga babae. Ibig sabihin ay lima lang kami sa grupo na sasayaw mamaya.
Nakisilip ako sa stage. Muntik na akong himatayin ng makita ko kung ano ang klase ng pagsasayaw ang ginagawa ng limang mga babaeng nauna na sa amin. Katulad ng sinabi ni Mommy Claire kanina, isa-isa ngang hinuhubad ng limang kababaihan ang mga kasuotan ng mga ito habang mapang akit na sumasayaw sa stage na kung saan ay may tatlong pole sa gitna. Ang tatlo sa mga ito ay nagpo-pole dancing habang ang dalawa naman nag-split pa at tumutuwad para ipakita ang pang-upo na tanging ang suot lang na T-back ang tanging nakatakip. Nang iikot ko ang paningin sa mga lalaking nanonood sa limang kababaihan sa stage ay lalo akong kinilabutan sa klase ng tingin na binibigay ng mga ito. May isa pa ngang lalaking customer ang nag-ipit ng isang libo sa mismong suot na T-back ng isang babaeng nagsasayaw at wala nang suot na bra. Tanging ang isang braso nalang ang pinangtatakip nito sa malulusog nitong dibdib habang marahan na gumigiling ayon sa musika.
“Hindi ko kaya, Grace,” wika ko na hindi maintindihan kung maduduwal ba o hihimatayin na sa sobrang takot na nararamdaman ko.
“Kaya mo ‘yan. Ano ka ba. Isipin mo nalang ang papa at mga kapatid mong umaasa sayo,” pagpapalakas nito ng loob ko.
Ilang sandali ay natapos na ang grupo na nasa stage. Ang babaeng inipitan kanina ng isang libo sa suot nitong T-back ay hindi na bumalik sa backstage at dumeretso nang naupo sa mesa noong lalaking nagbigay dito ng pera.
“Nakita mo, yun? Ganoon lang kadaling kumita ng pera dito…” wika sa akin ni Grace bago ito naglakad na papunta sa stage kasama na rin ang tatlo pa.
Naiwan ako na animo napako ang nanginginig na mga paa sa sahig na kinatatayuan ko. Pakiramdam ko kapag humakbang ako palabas ng stage ay iyon na ang magiging katapusan ko. Sunod-sunod din ang pag-agos ng mga luha ko sa mga mata. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman. Iniisip ko ang kalagayan ng papa ko sa ospital, ang tatlong mga kapatid ko na umaasa sa akin. Ang lola Carmen ko na dumadaing na rin ng sakit na rayuma. Tapos ngayon ay may sixty thousand pa akong utang kay Mommy Claire na dapat bayaran.