Chapter 4

3235 Words
HALOS nasa kalagitnaan na ang tugtog ngunit hindi ko pa rin magawang lumabas ng stage. Nagulat nalang ako ng marinig ko ang boses ni Mommy Claire sa may likuran ko.  “Ano ka ba naman, Lucy. Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Hala sige na lumabas ka na at nakakahiya sa mga customers natin. Isa pa nandiyan na sila boss. Ako ang malilintikan nito ng dahil sa kaartehan mo! Lintik ka. Akala mo naman kagandahan kung mag-inarte,” panglalait nito sabay tulak niya sa akin papunta sa gitna ng stage.  Noong nasa stage na ako ay para akong tanga na hindi magkandatuto kung paanong tatakpan ang katawan ko ng sarili kong mga braso.  Tamang tama naman na may pumasok na isang grupo ng kalalakihan at animo biglang nagkagulo ang buong paligid. Animo artista ang nagdatingan at ganun nalang ang reaksyon ng mga tao lalo na ang mga kababaihan na nagtatrabaho dito sa club.  Sa nanlalabo kong mga mata dahil sa mga luha ay nahagip ng paningin ko ang lalaking nakaitim na sombrero. Malaki at matikas ang pangangatawan nito. Mukha siyang foreigner na parang hindi. Siguro ay half pinoy siya at half ibang lahi. Kahit hindi ko masyado makita ang mukha niya dahil sa suot niyang sombrero ay sigurado akong gwapo siya.  “Lucy, dito ka…”  Napalingon ako ng tawagin ako ni Grace. Lumapit daw ako sa kanila. Paano ay halos nasa dulo lang ako ng stage kung saan sila nagsasayaw.  “Nandiyan na sila boss at ang mga bisita niya,” pabulong nitong turan sa  akin.  Muli ako napatingin sa grupo na ngayon ay nasa second floor na. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang boss namin kasi mukha naman silang mayayaman lahat.  “Ano ka ba? Pumunta ka nga dito sabi e… At galingan mong sumayaw para magustuhan ka ng mga bisita. Malay mo ikaw pa ang mapili at mabayaran mo na agad si Mommy,” pasimpleng kausap sa akin ni Grace.  Magaling siyang sumayaw katulad din ng tatlo pa at mas lalo pa ngang ginalingan noong magdatingan ang mga VIP na bisita. Iyong isa ay nag-umpisa nang hubarin ang bra niya. Pero ako ay nakatayo lang sa gitna ng stage habang naka takip ang mga braso ko sa dibdib. Hindi ko talaga kayang ang mga ginagawa nilang paggiling paano pa kaya ang maghubad?  Inikot ko ang paningin ko sa palid. Diyos ko po! Iyong mga lalaking customers ay  nakatingin sa amin. Mukhang tuwang-tuwa sila na naghuhubad ang mga kasamahan ko dito sa stage.  May isang foreigner na nakaupo sa mesa sa gilid ng stage. Lumapit siya sa may side ko.  "Hey, Miss… I'll buy your bra for two thousand pesos…" naglabas siya ng pera at inaabot niya sa akin.  Napaatras ako sa takot ko sa kanya. Paano ay ang laki niyang tao tapos mataba pa. Nakatirintas din ang mahaba niyang balbas sa ilalim ng baba.   Tsaka gago pala ‘to e. Bakit niya bibilhin ang bra ko? Anong akala niya, nasa mall siya at isa akong manikin at suot ko ang latest collection ng bra kaya bibilhin niya ng dalawang libo?  "Ang ibig niyang sabihin ay hubarin mo daw ang bra mo at bibigyan ka niya ng dalawang libo!" kausap sa akin ni Grace.  "Ano?"  Lalong nanlaki ang mga mata ko at lalo ko pang hinigpitan ang pagkakacross ng mga braso ko sa katawan. Hayop, yon pala ang ibig niyang sabihin.  Sunod-sunod akong umiling. "N-No, no pay," wika ko sa kanya na may kasama pang kamay. Iwan kung tama ba ang english ko pero ang ibig kong sabihin ay hindi ko ipinagbibili ang bra ko.  "Oh, come on. Show us what you got…" udyok ng foreigner na animo inaakit pa ako sa dalawang libo niya at winawagayway niya sa harap ko.  "Maghubad ka na. Sayang din ang dalawang libo. Titingnan lang naman niya ang s**o mo at hindi naman niya pwedeng hawakan dahil palalabasin siya ni boss kapag sapilitan niyang ginawa yun. Isa pa baka makita ka ni Mommy Claire mapapagalitan ka niyan," udyok ni Grace sa akin.  Hinanap ng tingin ko kung nasaan si Mommy Claire. Pero hindi ko siya makita. Nang tumingala ako sa may second floor ay nakasalubong ko ng tingin ang lalaki na naka itim ng sombrero at isa sa mga VIP daw ni boss. Nakatingin din pala siya sa akin at mukhang curious kung maghuhubad ba ako sa halagang dalawang libo na binibigay ni boy balbas.  Pakiramdam ko ay kinalibutan ako ng mga balahibo sa buong katawan noong pagtingin ko kay boy balbas ay nakatingin na pala sa bagay sa pagitan ng mga hita ko at parang manyak na napadila pa ng sariling mga labi.  "Are you a cherry girl? Hmm, I like licking the sweet juices of cherry girls…"  Hindi ko masyadong maintindihan kung ano ang ibig niyang ipakahulugan sa sinasabi niya pero may pakiramdam akong malaswa ang ibig niyang sabihin lalo na at parang takam na takam siya habang nakatitig sa p*gkababae ko na natatakpan lang ng manipis na tila.  Agad na itinakip ko ang mga kamay ko sa pagitan ng mga hita ko.  “Come on. Don’t tell me you haven’t tried it before. Should I pay your bar fine? I would love to f*ck you with my tongue,” turan ni boy balbas at parang palaka na muling inilabas pa ang dila at pinagalaw galaw na para bang may imaginary na dinidilaan ito.  Tumingin ako kay Grace ng nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ni boy balbas sa sinasabi niya sa akin.  “Gusto ka daw niyang bayaran ngayong gabi at kakainin ka lang niya…”  “Kakainin?” Lalo akong nahindik. Ano bampira ba siya at kakainin niya ako?  “Kakainin niya daw iyang pechay mo,” paliwanag ni Grace. Hindi na siya makapag-concentrate sa pagsasayaw niya ng dahil sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay boy balbas. “No, no, no. No pay, no pay. I don’t like you eat me. No eating…” kanda baluktot ang dila ko sa pag-english.  “Yes, I like to eat your p*ssy”. Lumingon si boy balbas at tinawag ang waitress. “Call the mamasan. I want to take this sweet girl out…” utos nito sa waitress.  Nakaramdam ako ng matinding takot sa kanya. Kapag tinawag ng waitress si Mommy Claire na mukhang pera ay katapusan ko na. “Huwag po. Ate, huwag niyo pong tawagin si Mommy. Ayaw ko po sumama sa manyak na ‘yan,” pakiusap ko sa waitress.  “Pasensya na pero trabaho ko ang sumunod sa utos ng customers natin,” turan naman ng waitress na tumalikod na para tawagin nga si Mommy Claire.  “Ayaw ko!” Maluha-luha kong turan at nagtatakbo pababa ng stage. Wala na akong pakialam kung saan man ako mapunta ang importante sa akin ay ang makalayo sa paningin ng bastos na boy balbas na yon at sa mga mata ng iba pang mga tayo na nanood sa amin.  Hindi ko alam na sa comfort room pala ako ng mga lalaki na punta. Ewan hindi ko na tiningnan. Basta nagkulong ako doon at doon ako umiyak ng umiyak. Bakit ba sa akin nangyayari ang lahat ng ito? Mabuti pa nga si Cinderella kahit may dalawang evil step sisters. At least ginawa lang naman siyang katulong sa sarili niyang pamamahay pero hindi siya benenta ng step mother niya sa isang gahaman na mamasan ng isang bahay aliwan.  Sa labas ay naririnig ko ang pagkakaingay ng mga tao. Ingay ng nagkakasayahan. Sunod-sunod kasi ang naririnig kong pagtunog ng kampana  at nagsisigawan ang mga tao sa tuwa. Iyon siguro ang sinasabi ni Grace kanina na ring the bell. Sana kaya kong makisaya katulad ng ginagawa nila. Pero hindi talaga ito ang pinangarap kong mundo. Mas gusto ko pang mabilad sa araw sa pagtitinda ng isda at gulay kaysa ang ibenta ko ang katawan ko katulad ng gustong mangyari ni tita Rose at ni Mommy Claire. Iniisip ko pa ngalang na hahawakan ako ng mga lalaki na katulad ni boy balbas sa masisilang parte ng katawan ko ay kinikilabutan na ako sa pandidiri. Paano pa kaya iyong kakainin daw ang pechay ko? Gusto kong masuka sa isiping nasa pagitan ng mga hita ko si boy balbas at sumisisid sa tilapia ko.  Malaking pasasalamat ko at ilang oras na rin akong nagtatago sa cr ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinupuntahan ni Mommy Claire. Siguro ay busy siya dahil nga maraming tao sa labas at sunod-sunod pa ang pagtunog ng kampana. Sabi ni Grace kanina ay simbolo iyon ng pamimigay ng customers ng inumin na may katumbas na pera.  Ngunit ang pagtatago ko ay may kataposan din dahil nahanap ako ni Mommy Claire pagkatapos ang halos tatlong oras ko yata sa cr. Ang tindi ko, diba? Anyway, kinalabog ni Mommy Claire ang pinto kung saan ako nagtatago. Sa boses nito ay halatang galit.  “Lucy, lumabas ka diyan! Ako huwag mo akong inaartihan at inuubos ang pasensiya ko dahil sinasabi ko sayo, hindi mo magugustuhan na makita akong magalit. Aba’y ilang oras ka na diyan ah! Anong plano mo sa buhay, magkulong nalang diyan? Ipapaalala ko lang sayo. Trenta mil ang kinuha sa akin ng tita mo kanina bilang kapalit ng pagtatrabaho mo dito. Abay sa lagay ba ay ganun nalang yun?” Sinubukan ko siyang kunin sa pakiusap. Nagbabakasakali na may puso pa rin siya at hindi lang puro taba at sebo.  “Mommy Claire, maawa na po kayo sa akin. Hindi ko po talaga kaya ang pinagagawa niyo sa akin e.”  “Anong kaartehan ‘yan, Lucy? Kung kaya ng mga kasama mo paanong hindi mo kaya? Eh ikaw nga itong mas nangangilangan ng pera para sa ospital ng papa mo, diba? Tapos ikaw pa itong may ganang umarte ng ganyan? Akala mo naman kagandahan ka,” litanya ni Mommy Claire.  Hindi ko siya sinagot. Bahala siyang maubusan ng hangin total ay mukhang punong puno naman siya noon eh. Yong tiyan niya nga ay parang malaking lobo at salbabida sa swimming pool sa laki. Tsaka kung makapamintas siya akala mo naman kagandahan din siya. Kamukha naman niya si Barney. Mabuti pa nga si Barney may appeal sa mga bata. Si Mommy Claire mukhang dinamitan na sebo nakakasuka ang pagmumukha. Nag-blonde pa daw ng buhok akala mo naman ikinaganda niya ang buhok niyang gupit bunot sa sahig.  “Ano lalabas ka o tatawagin ko ang mga doorman para ilabas ka diyan. Sinasabi ko sayo, kapag ako napikon sayo, ibebenta talaga kita sa matandang regular nitong bar na mahilig na mag pop ng cherry,” banta ni Mommy Claire sa akin. Bigla akong kinabahan ng marinig ko palang ang salitang matanda. Diyos ko po. Mukhang matandang amoy lupa pa yata ang makakauna sa akin. Diyos ko po, baka isumpa ko ang s*x kapag nagkataon.    Dahan-dahan akong tumayo sa pabaluktot kong pag-upo sa ibabaw ng toilet seat. s**t! Nangalay ang mga paa ko at hindi ako makatayo. Pero lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko. Alam kong magulo na ang buhok at makeup ko at mukha na akong zombie pero wala akong pakialam.  “Mommy, maawa na po kayo hindi ko po talaga kaya eh. Bigyan niyo nalang po ako ng ibang trabaho. Kahit gawin niyo po akong tagalinis dito sa bar, kahit taga laba ay okay lang po sa akin…”  “Nagpapatawa ka ba? Paano mong mababayaran ang sixty thousand kung magiging janetress ka lang dito at sasahod lang na tatlong daan sa isang gabi, aber?”  “Mommy, sige na po. Parang awa niyo na po… Hindi ko po talaga kaya ang magsayaw ng nakahubad,” halos lumuhod na ako sa harap niya.  Pinag cross ni Mommy Claire ang mga kamay nito sa tapat ng dibdib at animo hindi manlang nahahabag sa pakiusap ko sa kanya.  “Nako, huwag mo akong daanin sa mga luha mo, Lucy. Walang epekto sa akin ‘yan. Magpasalamat ka pa nga at hindi katulad ng ibang mga mamasan ay pinapahalagahan ko iyang pagkabirhen mo at binibigyan kita ng pagkakataon na ikaw ang pumili ng unang lalaking papayagan mong makagalaw sayo. Pero kung ganyan ka ng ganyan ay mabuti nang tawagan ko nalang si Don Palito. Sa kanya nalang kita ibibigay… Nako at sigurado matutuwa ang matandang yun kapag nagkataon. Makakatikim na naman siya ng sariwang tilapia…”  Ano daw? Don Palito? Diyos ko po. Eh pangalan palang mukha nang bangkay.  “Mommy, huwag po. Ayaw ko po… Maawa po kayo sa akin,” pakiusap ko muli dito.  Kinuha ni Mommy Claire ang cellphone nito sa bulsa. Mukhang tatawagan nga nito ang sinasabi nitong Don Palito. Hindi ko sigurado kung tinatakot lang ako ni Mommy Claire pero totoong takot na takot na talaga ako. Paano kung totoo ngang may Don Palito? Baka magmukha akong tinuhog na pusit nito kapag nagkataon. Tsaka sigurado ako na kung totoo man na may mga babae na itong na pop ang cherry ay malamang na hindi sa langit nakarating kundi sa impyerno.  “Ahem.” Narinig kong tikhim ng isang boses ng lalaki.  Nagulat ako na may ibang tao pa palang naroon maliban sa amin ni Mommy Claire at mas lalo kong kinagulat ng mapagsino ko ito. Siya ang lalaking gwapo na naka sumbrero ng itim at isa sa VIP na bisita daw ng boss. Suot niya pa rin ang sombrero na sadyang itinakip niya sa may mata para hindi masyadong makita ang mukha niya.  Hindi ko alam kung bakit parang tinatago niya ang mukha niya sa mga tao. Baka wanted na kriminal pala siya! Kinilabutan ako sa naisip. Pero sa tindig niya ay mukhang hindi naman. Baka sikat siyang artista? Hindi ko alam, hindi ko naman kasi kilala ang lahat ng mga artista lalo na kung ibang bansa.  Maski si Mommy Claire ay mukhang nabigla rin ng makita ang lalaki.  “Ay boss, pasensya na po. Medyo nagkakadramahan lang po kami dito,” agad na paumanhin ni Mommy Claire sa lalaki.  “I’m interested,” maikling turan ng lalaki. Seryoso ang mukha nito. Hindi ko alam kung galit ba ito o talagang ganun lang talaga siya. “Boss, interested po saan?” tanong ni Mommy Claire na katulad ko ay naguguluhan din kung ano ang ibig tukuyin ng lalaki.  “I’m interested in poping her cherry,” sagot ng lalaki na pareho naming ikinabigla ni Mommy Claire.   “Talaga po, Boss?”  “Magkano ang utang niya? Sixty thousand pesos? I’m willing to pay.”  Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat ng nangyayari. Baka nakatulog ako kanina  at kung ano na ang napanaginipan ko. Sino ba naman kasi ang maniniwala na ang lalaking kasing gwapo at kisig nito ay nakahanda na magbayad ng ganyan kalaking halaga para lang sa isang katulad ko. Eh noong masipatan ko nga ang sarili ko sa salamin dito sa cr ay mukha na nga akong aswang lalo na sa buhok ko na nagkalat na ang kulot.  Kinurot ko ang sarili ko para gisingin sa isang panaginip ngunit ang sakit. Nasaktan ako! Ibig sabihin ay totoong may ganito talaga ka gwapo na nilalang na handang magbayad ng sixty thousand para i-pop ang cherry ko? Eh sa itsura nito mukhang babae pa ang magmamakaawa dito na i-pop ang cherry nila.  Si Mommy Claire ay parang nakitaan ko ng $ sign sa ningning ng mga mata nito sa tuwa. Sino nga ba ang hindi eh ilang oras lang magiging doble na agad ang pera nito. Jackpot diba? Daig pa niya ang nagpautang ng 5-6 sa tutubuin niya kung sakali.  “Abay, opo, opo naman, boss… Sige po!” hindi magkandaugaga na pagpayag ni Mommy Claire. Hindi manlang ako nito tinanong muna kung pumapayag ba ako sa gusto nilang mangyari.  “Mommy---” kokontra sana ako. Wala lang para lang hindi naman obvious na kinikilig ang tinggil ko sa gwapong nilalang na ito sa harap namin.  “Ano, aarte ka pa ba? Diyos ko naman, Lucy. Swerte na ang lumalapit sayo. Pakakawalan mo pa ba?”  “Call me when she’s ready I’ll just settle all my bills including the sixty thousand,” turan noong lalaki at nawala na sa harap namin.  Nang mawala ang lalaki sa harap namin ay hinarap ako ni Mommy Claire. Kung kanina ay mukha itong demonya ngayon ay para itong anghel sa abot tainga na ngiti.  “Lucy, ano… Magpapakipot ka pa ba? Ang ganoon ka ganda at kayaman na lalaki ay siguradong babae ang naghahabol doon. Tsaka alam mo ba kung ilan sa mga kasamahan mo sa labas ang sumubok lumandi doon ngunit mukhang wala manlang interes? Tapos ikaw lang pala ang katapat niya? Ready pang magbayad ng ganun kalaking halaga. Oh diba, swerte? Mababayaran mo na ang utang mo sa akin at libre ka nang makakaalis dito at hindi na ako maghahabol pa sayo kung talagang ayaw mong magtrabaho dito. O baka naman magpapaka tanga at bobo ka at mas gusto mong kay Don Palito kita ibigay?” mahabang litanya ni Mommy Claire.  Sandali ako nang-isip. Mali man ito sa paningin ng iba… Pero mukhang sa nangyayari ngayon sa akin ay ito ang pinaka tama.  “M-Mommy, papayag po ako.”  “Very good! Ganyan nga, gamitin mo ang utak mo. Sige na at magbihis ka na at huwag mong paghintayin si pogi at baka mainip. Tsaka ayusin mo na rin iyang itsura mo at mukha kang aswang.”  Habang nagbibihis ako sa dressing room ay nilapitan ako ni Grace at niyakap ako nito. Mukhang alam na agad ng lahat na nagbayad ng malaking halaga ang pinakagwapo sa mga VIP guest ni boss para sa akin.  Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga babae na naabutan ko sa dressing room. Karamihan ay may inggit lalo na iyong mga babae daw na nagtangkang akitin ang lalaki kanina ngunit bigo. Samantang ako na wala naman ginawa kundi ang tumayo sa stage kanina at umiyak sa cr ay ako pa itong nakakuha ng swerte. Pero may ilan din naman na natutuwa para sa akin katulad nalang ni Grace na sa maikling oras ay naging kaibigan sa akin.  “Natutuwa ako  sa swerteng dumating sa buhay mo, Lucy. Sana rin ay gumaling na ang Papa mo sa sakit niya.” Pakiramdam ko ay nainat yata ang kulot ko. Paanong naging isang nakakatuwang bagay ang mabenta ang pagkabirhen ng isang babae, diba? Ang alam ko kasi at pangarap ko ay ibigay iyon sa taong mahal ko. Pero nasa ibang planeta nga siguro ako.  “Salamat, Grace. Sana dumating ang araw na magkita tayo ulit sa ibang pagkakataon at hindi na sa ganito.”  Dumating si Mommy Claire at may inabot itong sobre sa akin.  “Ano po ito?”  “Buksan mo.”  Nang buksan ko ang sobre ay nanlaki ang mga mata ko ng pera pala ang laman niyon at nang bilangin ko ay sampong libo ang laman niyo kasama ang birth certificate ni Lucy na ibinigay dito ni tita Rose kanina.  “Hindi naman ako ganun kasamang tao para angkinin ko ang lahat ng pera na ibinayad ni pogi para sayo,” anito.  “Salamat po. Malaking bagay po ito sa amin.”  Tumango si Mommy Claire. “Basta kapag gusto mong bumalik ay alam mo kung saan ako hahanapin.”  Tsk, asa ka pa! Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero… Ayaw ko nalang ng gulo. Ang importante sa akin ngayon  ay makakaalis na ako sa mundong ito. Hindi ito para sa akin at alam kong hindi ako nababagay dito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD