PAGDATING namin sa event ay nagulat ako kung gaano kalaki at karaming tao ang nandito. Lahat ay halatang mayayaman. May nakita pa nga akong mga sikat na artista at mga kilalang tao dito sa bansa. Lalo tuloy akong kinabahan at humigpit ang kapit ko sa braso ni Gavin. Sheeshh. Bakit ba ako nandito? “Relax, Ellie. You’re doing fine,” turan ni Gavin sa akin ng siguro ay maramdaman niya ang nerbiyos na nararamdaman ko. Marahan din niyang tinapik-tapik ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Nginitian ko siya na parang naging ngiwi. “Sorry. Ngayon lang kasi talaga ako nakapunta sa ganito ka sosyal na event. Bakit kasi ako ang naisip mong isama dito?” “Because you are my date. At may surpresa ako sayo.” “Surpresa? Anong surpresa?” “Hindi na yun surprise kung sasabihin ko ngayon sayo, d

