Nagmimistula siyang magnanakaw dah sa ginagawa niya. Kung hindi ko siya naabutan baka kung ano pa ang maisipan niya. Bakit ba hindi niya ginagamit ang telepono niya sa kwarto niya na nakakonekta dito sa kwarto ko. Pwede niya naman akong gisingin.
Hinintay ko siyang matapos sa pagkain, pero ng maihatid ko siya sa kwarto niya kagabi akala ko makakatulog na ulit ako pero hindi pala.
Hinintay ko pa siyang maunang matulog pero ang ending ako ang nakatulog imbes na siya. Paggising ko may kumot ng nakatabing sa katawan ko. Medyo sumasakit na rin ang leeg ko dahil sa naging posisyon ko sa pang isahang sofa kung saan ako nakatulog.
Mabuti nalang at maaga akong nagising. Mas nauna akong magising kesa sa kanya. Agad kong tiniklop ang kumot. Marahil sa ganitong oras ay naghahanda na ng agahan si Ate Fe para sa kanya.
Kailangan ko itong dalhin agad rito sa kwarto niya para paggising niya kakain at iinom na lamang siya ng gamot.
Tahimik akong lumabas ng silid niya. Sa kusina ako tumungo at hindi nga ako nagkakamali. Nagluluto na nga si Ate Fe ng agahan. May laman na rin ang Tray na siyang dadalhin ko sa kwarto ni Giovanni.
"Good morning po." Bati ko kay Ate Fe. Itinigil niya ang paghahalo sa sinangag saka lumingon sa gawi ko.
"O, gising ka na pala." nakangiting ani ng ginang at muling itinuon ang pansin sa niluluto.
"Pasensya na po at natagalan akong magising."
"Ayos lang 'yan."
"Ihahatid ko na po ang pagkain ni Giovanni." lumapit ako sa tray na may pagkain. Nang buhayin ko na ito at umikot para sana tunguhin na ang kwarto ni Giovanni ay natigil ako.
Natuon ang atensyon ko sa kanya na ngayon ay nakatayo na sa may pintoan nitong kusina.
"Hindi na kailangan," ani niya. "Dito ako kakain."
Nagkatinginan kami ni Ate Fe. Wala sa sariling inilagay ko ang tray sa countertop. pumwesto si Giovanni sa high stool saka sinimulang kainin ang pagkain na nasa tray.
Parang nakakapanibago na dito siya kumain gayon sa tuwing hinahatiran ko siya ng pagkain ay agad na hindi maipipinta ang kanyang mukha.
Naoataas ang kikay ko ng bigla siyang huminto sa pagkain.
"Will you stop staring at me?"
Natauhan ako sa naging tanong niya. Umiwas ako ng tingin at hinarap si Ate Fe.
"Ate Fe babalik po muna ako sa quarters." paalam ko sa ginang na tumango lang.
Umalis ako aa harap ng conter top—sa harap ni Giovanni at babalik na sana sa quarters ko. Pero agad ding nahinto ang paghakbang ko ng magsalita si Giovanni.
"How rude you are for leaving me. I'm not yet done." He muttered. Nanatili ang tingin niya sa plato.
"Maliligo lang ako."
Umangat ang tingin niya sa akin.
"You can do that after you eat." Napansin ko ang pamumula ng tenga niya bago muling itinuon anf mata sa kinakain.
"Kumain ka na muna, Eliz. Samahan mo na si Giovanni." Ani ni Ate Fe. Inabot niya sa akin ang isang plato na may isang pares ng kubyertos.
Bumuntong hininga ako saka ako naupo sa tapat ni Giovanni. Naghain ako ng sinangag, Itlog at bacon bago ako nagsimulang kumain.
"Ikaw rin Nay, kumain ka."
Tumango si Ate Fe at agad na kumuha ng sarili niyang pinggan. Sa tabi ko siya pumwesto.
Alam kong napapansin ni Ate Fe ang biglaang pagbabago ni Giovanni. Pero mas pinili na lamang niyang huwag magtanong pa. Baka kasi kapag nagtanong pa e magbago ang isip bigla ng lalaking ito.
Tahimik lang kaming kumakain. Mukhang pati si Ate Fe ay nakikiramdam din sa nangyayari kay Giovanni.
"Nay, hindi ba tumawag si Terrence?" pagbasag ni Giovanni sa katahimikan.
"Tumawag siya noong nakaraan, kinukumusta ka."
"I'll call him later." tugon ni Giovanni. Isang tango lamang ang ibinigay ni Ate Fe sa kanya bilang tugon sa kanyang sinabi.
Nang matapos kaming kumain ay ako ang nagbulontaryong magligpit at maghugas. Para kahit papa'no ay makapagpahinga si Ate Fe. Mamaya magsisimula narin siyang maglinis sa ikalawang palapag habang ako ay sa bakuran at sa hardin at sa salas nakatuka.
Kailangan kong magtrabaho. Ito ang rason kung bakit ako nandito. Hindi ako nagpakilala kay Giovanni bilang asawa niya dahil hindi niya alam na may naganap na pirmahan ng kontrata dahil sa panahon na nangyari iyon. Wala siyang malay.
Kailangan ko pang makuha ang tiwala niya bago ko aminin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ako nandito. Pero sa ginawa ko. Masasabi kong nagagampanan ko ang tungkulin ko bilang asawa niya.
Sana nga lang sa darating na mga araw at sa panahon na malaman niya ang totoo ay hindi siya magalit.
Posible at imposible. Pero kailangan kong ihanda ang sarili ko sa posibilidad na magalit siya.
NAKAKAGULAT ang desisyon ni Giovanni na kumain kasama kami. Ang makisabay siya sa aming dalawa ni Ate Fe. Pero ikanatuwa naman iyon ni Ate Fe. Para sa kanya kasi, mukhang unti unting tinatanggap ni Giovanni ang Presensya ko sa bahay na ito.
"Eliz."
Umangat ang tingin ko sa second floor nitong bahay. Nandoon si Giovannin, nakatayo at nakatunghay sa akin.
"Bakit sir?"
"Come here." utos niya.
Iniwan ko ang gamit panlinis sa salas at agad na umakyat ng hagdanan. Nauna siyang maglakad patungo sa isang silid. Nang makapasok ako ay laking mangha ko ng makita ang naglalakihang shelf ng libro.
Ngayon ko pa lang napasok ang silid na ito. Kay dami ng libro.
"I want you to clean it all." utos niya. "Kailangan wala akong makitang alikabok ni isa sa mga libro na iyan."
"Seryuso ka ba?"
"Sa tingin mo?" mariin niya akong tiningnan. At wala akong nababakas na anumang emosyon sa mga mata niya ibug sabihin. seryuso talaga siya.
"You can take your day off after this." iyon lang ang huli niyang sinabi sa akin bago siya lumabas ng library. Iniwan niya akong tulala.
"Aabutin ata ako ng isang taon sa paglilinis sa lugar na 'to." bulong ko sa sarili.
saan ba dapat ako magsimula? sa baba ba o sa taas?
Bakit pakiramdam ko pinaparusahan niya ako? Kung ganun, ano naman ang naging kasalanan ko sa kanya?
"Ang taas ng shelf! Pa'no 'pag nahulog ako? Sinong Sasalo?"
Wala akong nagawa kundi ang ipikit ang mga mata ko dahil sa labis na inis. May galit nga talaga sa'kin ang Giovanni na 'yon!
argh!