009

1157 Words
NAKATITIG AKO SA KANYA habang hinihintay kong dugtungan pa ang sasabihin niya. Kita ko ang pag aalinlangan sa mga mata niya. "She cheated on me, took some of my money, and run away. Ganoon din ang nangyari sa ibang mga babaeng naging girlfriend ko. So, ayun nawalan ako ng tiwala sa mga babae." Hindi ako umimik. Nakwento na sakin ni Sir Terrence ang dahilan kung bakit hirap siyang magtiwala. Pero hindi ako makapaniwalang may mga ganoong klase ng tao. Mga oportunista. "So iniisip mo na gagawin ko ang ginawa nila sa'yo?" "I'm a nerd. I used my brain to earn money. And I suceed they took advantage of me." He sigh. He did not answer my question. He shifts the topic. "So? Hindi mo ba alam na hindi lahat ng babae pera ang habol sa'yo?" Hindi siya nakasagot sa naging tanong ko. "You can't blame me." Bumuntong hininga ako. May pinagmumulan ang galit niya, pero bakit sa akin niya isasaboy lahat ng galit niya? "Look, hindi ako kagaya ng ibang babae na pera ang habol sa'yo. Wala din akong balak na nakawan ka kasi hindi ako pinalaking ganyan ng nanay ko." Umayos ako ng upo sa kama sa tabi niya. "Hindi ko sasabihin na pagkatiwalaan mo ako. Hayaan mong ipakita ko sa'yo na mapagkakatiwalaan mo ako." Sambit ko. I sigh heavily. "Mahihirapan tayong pareho, Sir. Nandito ako para magtrabaho hindi para akitin at nakawan. Hindi ako ganoong klase ng babae." He was speechless. Hindi niya siguro akalain na kaya ko siyang sabihan ng ganoon. nagbuntong hininga ako. "Bababa na po ako. Baka nandiyan na si Manang Fe." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama niya. Walang namutawing salita sa bibig niya kaya dere-deretso akong lumabas ng kanyang silid. Nang marating ko ang kusina ay tumambay ako saglit. Iniisip ko ang mga salitang binitawan ko sa kanya. Dinagdagan ko na naman ang kasinungalingan ko. Nandito ako bilang katulong imbes na dapat ay asawa. Kung hindi lang naman kasi komplekado ang sitwasyon hindi ko to gagawin. I just need to earn his trust first. Hindi pwedeng sabihin ko sa kanya na nagpakasal kami ng hindi niya alam. Walang naganap na seremonya, tanging pirmahan lang ng kontrata at pagsuot ng singsing. "Eliz?" Napalingon ako sa may pinto ng kusina. Nandoon si Ate Fe. Nakasilip. "P-po?" Lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang Sling bag na dala niya at inilapag ang mga iyon sa counter top. "Tulala ka? May problema ba?" nag aalalang tanong sa akin ni Manang Fe. Peke akong ngumiti sa ginang. "Wala naman po. May naalala lang ako." Tumango tango siya. "Kumain na ba si Giovanni?" "Tapos na po. Kumain at uminom na rin po siya ng gamot." "Mabuti kung ganoon. Magpapahinga na muna ako saglit, maiwan na muna kita diyan. Huwag mo ng galawin ang mga iyan at magpahinga ka na rin." Tumango na lamng ako bilang tugon. Muli akong nahulog sa malalim na pag iisip. Dapat ko na sigurong ihanda ang sarili ko sa mga posibleng mangyari dahil sa pinaggagawa ko. Tinungo ko ang silid ko. Nang mahiga ako ay walang pasubali akong pumikit. Pikit na nahulog sa tuluyang pagkatulog. ALAS DOSE ng gabi ng maalimpungatan ako. May naririnig akong ingay mula sa kung saan. Sinubukan kong pakinggan ang ingay na iyon pero hindi ko matukoy kung saan nanggaling. Nagdesisyon akong lumabas ng silid at tinungo ang kusina. Madilim ang buong bahay. Hating gabi na kasi. Wala na sa countertop ang mga grocery bag na dala ni Manang Fe kanina. Nang tuluyan kong marating ang kusina ay agad kong binuksan ang ilaw. Natigilan ako sa nakita ko. "S-sir?" HE LOOKS so pissed. Habang nakatingin sa may ref. When I called him he stilled. Agad siyang lumingon sa akin. Pansin ko ang hawak hawak niyang tupperware na may lamang ulam. Yung tinolang manok na niluto ko. "Ano'ng ginagawa mo?" He rolled his eyes. "Nandiyan ka na rin naman, initin mo nga 'to." Utos niya. Inilagay niya sa counter top ang Tupperware. Muli siyang sumilip sa loob ng ref at may hinanap pa roon. Lumapit ako countertop. Kinuha ko ang Tupperware saka isinalang sa oven upang initin. "Nagugutom ka ba?" "Isn't it obvious?" Ang sungit. Hindi na lamang ako umimik pa. "Can you make some juice?" Tumango agad ako. Kumuha ako ng baso at isang pitsel ng tubig. May stock naman ng juice kakabili lang ni manang Fe. Inilapag ko ang juice sa counter top. Sakto naman na tumunog na ang oven hudyat na natapos na ang isang minutong pag iinit ko sa tinola. I move swiftly inside the kitchen. May sobra pang kanin sa rice cooker kaya nagsandok ako ng kaunti. I prepared everything. Wala namang ibang ginawa si Giovanno kundi ang tingnan at sundan lang ang galaw ko. "You move swiftly, sanay ka ba sa kusina?" "Dati akong nagtatrabaho sa isang restaurant, part timer." Sagot ko ng hindi siya nililingon. Nakakatayo naman talaga si Sir. Kaso hindi pwedeng pwersahin ang binti niya lalo't kakagising niya lang mula sa coma. Hindi pwedeng masobrahan. Unti unti siyang tumayo. Hindi ko siya tinulungan, nagdadalawang isip ako dahil baka paaalisin na naman niya ako. "Hindi mo ba ako tutulungan?" Naiinis niyang tanong ng mapansin niyang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. "Kailangan pa ba kitang manduhan bago mo 'ko tulungan?" Dagdag niya pa. Napairap ako ng hindi siya tumingin sa akin. Tinulungan ko siyang makatayo ng maayos at inakay patungo sa highstool. Nang makaupo siya sa wakas ay saka ko lang inilapit ang mga pagkain na nakahain. Hindi naman siya nagpatumpik tumpik pa. Kumain na siya agad. Siguro dahil sa gamot kaya ginutom siya. Hindi gaanong marami ang kinain niya kanina. May kaunti pang naiwan. Hinintay kong matapos siya sa pagkain. Muli na akong dinalaw na antok kaso hindi ko siya pwedeng iwan dito sa kusina. Matapos kumain ay agad kong niligpit ang pinagkainan niya, hinugasan saka hinatid siya pabalik sa kwarto niya. Makakatulog na rin ako sa wakas. "Can you stay here for a while?" "H-ha?" He rolled his eyes. "Stay here. Wait for me until I fell asleep." Nasapo ko ang aking ulo. Akala ko makakatulog na ako. Umupo ako sa single couch na nasa gilid ng kama niya. Hinintay ko siyang makatulog. Pero tang ina. Mas nakatulog pa ako kesa sa kanya. Paggising ko kinabukasan may kumot na ako. Nang tingnan ko si Giovanni, mahimbing siyang natutulog at nakaharap sa gawi ko. Doon ako nakakuha ng pagkakataon para titigan siya. Maamo naman ang kanyang mukha, matangos ang kanyang ilong, medyo makapal ang labi, prominente ang panga. Hindi ko akalain na ang gwapong nilalang na ito ay asawa ko. Kask nga lang hindi niya alam na asawa niya ako. Wala siyang kaalam alam na ikinasal siya sa akin. Dahil mahimbing ang tulog niya ay nagdesisyon akong lumabas na ng silid niya. Wala naman na akong gagawin. Pero bago ako umalis ay itinupi ko na muna ang kumot na ginamit ko kanina. Nang matapos ay saka ako lumabas. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD