AKO PARIN ang naghahatid ng pagkain niya sa kanyang silid. Ilalapag ko lang ang pagkain sa bed table at ihaharap sa kanya tapos walang imik akong lalabas ng kwarto niya. Ganoon ang ginawa ko sa mga nakalipas na araw. Hindi na rin ako nagtangka pang magluto dahil baka masayang lang ang pagkain.
Papasok ako ng kwarto niya pagkalipas ng trenta minuto para kunin ang mga pinagkainan niya.
Hindi pa gaanong naghilom ang sugat sa paa ko kaya paika ika akong maglakad. Nililinis ko ang buong bahay, naghuhugas ng plato, naglalaba ng mga bedsheet pero hindi ko na ginalaw pa ang mga labahin niyang damit. Hinahayaan ko na lang na si Ate Fe ang maglaba ng mga 'yun.
Kapag hindi oras ng pagkain niya inaabala ko ang sarili sa ibang gawaing bahay. Nanatili lamang si Giovanni sa loob ng silid niya. Iyong pagpunta niya sa laundry area ang huli niyang paglabas. Hindi na iyon nasundan pa. Hindi na rin ako papasok doon para gisingin siya. Ang paghahhatid na lamang ng pagkain ang ginagawa ko. Maging ang pagligo ko sa kanya ay di ko na rin ginawa. Hindi naman ako Ppinupuna ni Manang Fe kaya ayus lang.
"Eliz," tawag ni Ate Fe sa akin. Nasa salas ako't pinupunasan ang mga furniture. "Pwede mo bang kunin ang mga labahin ni Giovanni sa kwarto niya?"
"Po?"
"Kukunin mo lang, ako ang maglalaba huwag kang mag alala." Nginitian niya ako.
"Sige po." Iniwan ko ang walis at dustpan sa salas. Babalikan ko nalang pagkatapos kong makuha ang labahin ni Giovanni.
AGAD NA DUMAKO sa akin ang nakakamatay na tingin ni Giovanni.
"What do you want?"
"Kukunin ko lang ang labahin mo. Utos ni Ate Fe."
"Bakit di siya ang kumuha, I told her not to let you touch my things."
Huminga ako ng malalim. Pinalagpas ko na lang ang sinabi niya. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga binitiwan niyang salita. Hindi ko nalang marahil indahin. Hindi ko sinagot ang tanong niya, bagkos ay dumeretso ako sa banyo niya at kinuha ang isang basket na puno ng mga pinaghubaran niya.
Nang lumabas ako ng banyo ay nakatuon pa rin sa akin ang paningin niya.
"Hindi ko nanakawin ang mga damit mo. Wala naman akong pakialam sa yaman mo." Saad ko bago ko siya iniwan. Deretso akong lumabas ng silid niya.
Muli akong bumalik sa paglilinis sa mga furniture matapos kong maibigay kay Manang Fe ang mga pinaghubaran ni Giovanni. Pagkatapos ng trabaho ko ay pumasok ako sa kwarto ko at saglit na nagpahinga. Hindi na ako nagluto simula ng itapon lahat ni Giovanni ang mga pagkain ng niluto ko. Nakakasakit na siya ng damdamin pero kailangan ko itong tiisin.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang caller si Sir Terrence.
"How are you, Eliz?" Bungad niyang tanong sa akin.
"Ayos lang po ako, Sir."
"Hindi ka ba niya pinapahirapan?"
Hindi ako agad na nakasagot.
"H-hindi naman masyado." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Muli kong inalala ang nangyari sa akin sa laundry area.
"Tell me if he did something terrible to you." He did sir. He just did.
"Sige po."
Hindi nagtagal ang pag uusap naming dalawa ni Sir Terrence. Lumabas ako ulit sa kwarto ko ng mapansin kong tanghali na pala. Kailangan kong ihatid ang pagkain ni Giovanni sa kwarto niya.
"Manang Fe, okay na po ba?" Tukoy ko sa pagkain ni Giovanni.
"Oo Eliz. Nasa tray na." Itinuro niya ang tray sa dining table. Nandoon na nga ang pagkain ni Giovanni.
"Ihahatid ko na po." Ngumiti lang si Manang Fe saka tumango.
Mag iisang linggo na ang lumipas mula ng mangyari sa laundry area. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng pasa pero hindi naman na gaya noong una. Yung sugat ko sa paa naman, hindi na rin masyadong masakit. Hindi na rin ako paika ika kung maglakad. Pero benebendahan ko pa rin ang sugat para hindi bumuka.
Dumeretso ako sa kwarto ni Giovanni, gaya ng nakagawian ko kumatok lang ako ng tatlong beses bago ko buksan ang pinto. His eyes immediately darted on me. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa bawat galaw ko.
Inayos ko lang ang mga pagkain sa bed table bago ko inilagay sa harap niya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Kinuha ko ang tray saka naglakad papuntang pinto para lumabas na pero bigla siyang nagsalita.
"H-hows your wound?" Paos niyang tanong sa akin.
"Ayos lang." Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya pero agad ulit napatigil.
"Can you open the window for me?" Utos niya.
Bumuntong hininga ako saka muling isinara ang pinto. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang makapal na kurtina.
"May kailangan ka pang ipagawa?"
"No that's all." umiwas siya ng tingin.
I shrugged my shoulder and walk towards the door. "Babalikan ko na lang 'yang pinagkainan mo mamaya."
Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa. Lumabas na ako ng kanyang silid. Bumalik ako pagkaraan ng ilang minuto, pagkatapos niyang kumain kinuha ko lang ang mga pinggan na nasa bed table saka ako muling lumabas ng walang imik.
DAPIT hapon ng bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan. Nanatili ako sa silid ko dahil wala pa namang hapunan. Wala na rin akong ginagawa, hindi naman ako pwedeng magluto dahil baka itapon na naman lahat ni Giovanni. Sayang sa grasya.
Kaso lang, hindi ko alam na umalis pala si Ate Fe. Kung hindi ko sinilip ang cellphone ko hindi ko malalaman na umalis pala siya para sana mamalengke. Pero dahil naabutan na siya ng ulan, kailangan niya munang patilain ang ulan bago siya mkakabalik.
Malapit na ang hapunan. Kailangan ng kumain ng mahal na hari.
Dakong alas sais wala pa rin si Manang Fe. Kaya naman nagdesisyon akong magluto na lamang ng simpleng tinolang manok. Malamig kaya masarap humigop ng sabaw. Matapos makapagluto agad akong naghain para kay Giovanni. Inayos ko ang tray, isang mangkok ng sabaw, isang platong kanin, tubig at ang gamot.
Matapos kong maihanda ang lahat ay agad kong dinala sa kwarto niya ang mga pagkain. I knock three time before entering. Pansin ko ang pag ayos ng upo niya sa kanyang higaan. At dahil umuulan mas lalong dumudilim dito sa loob ng sili niya kaya naman kinapa ko ang gilid ng dingding para hanapin ang switch ng ilaw. Agad na nagliwanang ang buing kwarto niya ng mabuksan ko ang ilaw. Pansin ko ang agad ang pagpikit niya dahil sa biglaang liwanang.
"Wala si Ate Fe, pero oras na ng hapunan mo. Kahit ngayon lang kainin mo itong niluto ko. Wala 'tong lason." wala akong balak na gawin iyon. May trust issues ata ang lalaking ito dahil sa nangyari sa kanya noon. Pero hindi ko rin naman siya magsisisi. Masakit para kanino man ang traydorin ng taong pinagkakatiwalaan natin at mahal natin.
His forehead creased.
"Subukan mo lang tikman kapag bubula ang bibig mo ipakulong mo ako agad." Inirapan ko siya bago tinalikuran.
"Wait!" Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita siya.
"Ano?"
"Can you stay, for a while." Kumunot ang noo ko.
Mas lalong lumakas ang ulan sa labas. Lumapit ako sa bintana saka isinara ito pati na ang kurtina.
"Kakain pa ako, babalikan nalang kita mamaya."
Deretso akong lumabas ng kwarto niya. Ni hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Agad akong kumain ng makabalik ako ng kusina. Binilisan ko pa bawat subo ko para agad akong makabalik sa kwarto ni Giovanni.
Nang makabalik ako sa kwarto niya naabutan ko siya na nakakunot ang noo habang nanonood. Naubos ang pagkain na hinanda ko para sa kanya. Nainom na rin niya ang gamot niya.
"Can you stay, just stay." Kita ko ang paglunok niya.
"Bakit na naman?"
"I-I'm scared." Napatitig ako sa kanya. Muling umugong ang malakas na kulog at kidlat.
"Okay." Inilapag ko ang tray pabalik sa bedside table niya. "Ano naman ang gagawin ko dito?"
"Y-you can tell me about yourself. Basta magkwento ka." Napapitlag siya ng biglang kumidlat. "O kaya'y magtanong ka."
Napaisip ako.
"B-bakit mo naisip na baka lalasunin kita o nanakawan?"
He stilled. Mukhang hindi niya inasahan ang magiging tanong ko.
"I was betrayed."
Hindi ako nagtanong. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin dahil alam kong may karugtong pa.
"My ex betrayed me. She never loved me. She only wants my money. Ilang beses niya rin akong ninakawan noon..."
-