007

1176 Words
MASYADO AKONG umasa na baka magiging okay lang ang lahat matapos niya akong kausapin kahapon. Akala ko, simula na iyon ng magandang simula naming dalawa but I was wrong. Hindi ko maiwasan ang mapayuko habang nakatingin sa tumaob na bed table, nakakalat ang pagkain sa sahig, baAsag ang mga plato at baso. "I only eat, Fe's cook. Not yours!" He exclaimed. I made extra effort to cook something for him. Pero nang sabihin ko sa kanya na ako ang nagluto matapos kong ilapag sa harapan niya ang mga pagkain ay agad niya itong tinabig. "P-pero.." hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko. "I don't know you, what if you put poison on it?" "W-walang lason 'yan!" Bulalas ko. "Bakit naman kita lalasunin?" dagdag ko pa. He rolled his eyes on me. "You can't fool me. Kilala ko ang mga gaya mo!" Napalunok ako ng ilang beses. Hindi na lamang ako sumagot. Una kong pinulot ang bed table, inilagay ko naman sa tray ang mga natapon na kanin at ulam. Isa isa kong pinulot ang mga naglalakihang bubug at hinuli ang maliliit. Kumuha ako ng dustpan at walis kaso nga lang hindi ko namalayan ang isang malaking bubug na naapakan ko dahil sa pagmamadali. Napadaing ako ng sumidhi ang kirot sa paa ko. Nang tingnan ko may sugat na at unti unting lumalabas ang dugo. Pero hindi ko iyon ininda. Paika ika akong naglinis ng mga nabasag. "S-si ate Fe na lang ang maghahatid ng pagkain. P-pasensya na." Saad ko bago ako nagmadaling lumapit sa pinto. Habang humahakbang ramdam ko ang malakas na pag agos ng dugo sa paa ko. Lumabas ako ng kwarto niya dala dala ang tray na may lamang bubug, mga natapon na pagkain. Sa tuwing aapak ko sa sahig sisidhi ang kirot kaya hindi ako makalakad ng maayos. Nakita ni Ate Fe ang sitwasyon ko. "Ano'ng nangyari, Eliz?" "Wala po 'to. Nakaapak lang po ako ng bubug." "Bakit nagkabubug? Ano'ng nangyari?" "N-nagalit si Giovanni, ng sabihin ko sa kanyang ako ang nagluto ng menudo." Pinaupo ako ni Ate Fe sa upuan. Agad siyang kumuha ng first aid kit. "Ang laki ang sugat." "Ayos lang po ako. Pwede po bang kayo na lang ang maghatid ng pagkain niya? Ako na po ang gagamot." "Sigurado ka?" Tumango ako. Kinuha ko ang bulak saka betadine. Tinungo ko ang banyo dito sa kusina para hugasan ang sugat. Matapos kong hugasan ay saka ko nilagyan ng betadine para hindi magka inpeksiyon. Pagkatapos ay saka ko nilagyan ng plaster na sasakto lang sa sugat. Lumabas ako ng banyo pagkatapos. Nakabalik na si Ate Fe ng lumabas ako. "Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala sa mga iba mo pang gagawin." "S-sorry po." Hinging paumanhin ko. "Ayos lang, magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Huwag ka munang maglalakad masyado at baka lumaki lalo ang sugat." Tumango tango ako sa kanya bago ko siya iniwan sa kusina. NANATILI AKO sa loob ng maids quarter. Dahil sa plano ko, imbes na isa sa mga kwarto sa itaas ang gagamitin ko mas pinili kong dito sa maids quarter na lang umukupa. Baka kasi magtaka si Giovanni na isa akong katulong pero kwarto sa itaas ang ginagamit ko. Nakabenda na ang paa ko, pero minsan kumikirot kirot pa rin. Hindi malaki ang sugat, pero alam kong malalim. Kinailangan ko munang magpahinga. Bukas na marahil ako makakabalik sa trabaho ko. Sa laki nitong bahay, hindi ko alam kung paano nakakayanan ni Ate Fe ang kumilos mag isa rito sa bahay. May guard sa gate pero hindi naman iyon madalas na tumatambay dito sa bahay. Nagagawi lang yata yun dito kung kakain lang ng agahan, tanghalian at hapunan. Lumabas ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng pagkaburyo. Wala si Ate Fe ng lumabas ako. Pero may nakita akong sulat sa counter top. Naubos na ang stock natin, Eliz. Pupunta muna ako ng palengke. Ikaw na muna ang bahala sa bahay pakitingnan na rin si Giovanni.- Fe Ayuko munang pumunta sa kwarto niya kaya ang labahan ang inatupag ko. Medyo marami rami na rin kasi dahil ilang araw ding hindi nakapaglaba si Ate Fe. Inayos ko ang lalabahin, hiniwalay ko ang puti sa de kolor. Inilagay ko sa isang lagayan ang mga damit ni Giovanni. Sisimulan ko na sanang labhan ang mga 'to ng bigla na lamang may umagaw nito sa akin. "Don't touch my clothes!" He shouted. Napapitlag ako sa biglaan niyang pagsigaw. Dahil sa biglaan niyang pag agaw ng basket kung saan ko isinilid ang mga damit niya—nawalan ako ng balanse. Tumama ang likod ko sa lababo kung saan nakapatong ang mga gagamiting sabon bago ako sumalampak sa sahig. Napapikit ako dahil sa sakit. Pero agad ko ring ibinuka ang mga mata ko. "Nasaan si Fe?" "N-nasa palengke." Huminga ako ng malalim. "Who give you the permission to touch this?" Inangat niya ng bahagya ang labahin na hawak. "Wala akong ginagawa, lalabhan ko sana." "No, don't. Don't you dare touch my things. Baka nakawin mo!" Napasinghap ako sa sinabi niya. "H-hindi ako magnanakaw." Huminga ako ng malalim. Parang bigla biglang nagkaroon ng kung anuman sa lalamunan ko. "Mahirap lang ako pero di ako magnanakaw." Dugtong ko pa. Pero tila bingi ang lalaki. Sakto naman na dumating si Ate Fe. Naabutan niya kaming dalawa ni Giovannie na nagsasagutan. "Giovanni? Paano ka nakababa?" Tanong ni Ate Fe. "I use the elevator of course. Here, wash it. Don't let her touch my things. Baka nakawin niya!" "Giovanni? Ano'ng sinasabi mo? Hindi magnanakaw si Eliz." Depensa ni Ate Fe sa akin. "Bakit kilala mo ba siya? Nagpabackground check ka ba?" Tiningnan niya ako ng masama. Hindi na lamang ako umimik dahil lihim kong iniinda ang likod kong tumama sa lababo. Idagdag pang masasakit na salitang binibitawan niya. "You're just like the other woman, who's into my money." Saad niya bago kami tinalikuran. Pinagulong niya ang wheelchair paalis ng laundry area. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Ate Fe sa akin. "Ayos lang po ako." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Babalik na lang po muna ako sa silid." "Mas mabuti pa, Eliz. Magpahinga ka na muna." Umalis ako ng laundry area saka bumalik sa maids quarter. Hindi ko alam na may elevator pala ang bahay na ito. Pinasadya yata ni Sir T para sa kanya. Sa loob, ng kwarto ko agad akong humarap sa salamin. Tumalikod ako saka ko itinaas ang suot kong damit. Kitang kita ko ang malaking pasa sa likod ko. Muli kong ibinalik ang damit ng bumukas ang pinto at pumasok si Ate Fe. May bitbit na siyang tray ng pagkain. "Kumain ka na muna, Iha. Oo nga pala nakasalubong ko si Giovanni pabalik ng kusina, mukhang galing siya dito sa quarter." "Ano naman po ang gagawin niya dito?" Nagkibit balikat si Ate Fe. "Hindi ko alam." Bumuntong hininga si Ate Fe. Nginitian ko lang siya para hindi siya mag alala sa akin. Alam kong iniisip niya na baka susuko na lang ako. Pero hindi ako susuko. Hindi ko pwedeng iwan si Giovanni. Kailangan ko lang siyang tiisin. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD