MARIAH: KABADO man ay pilit kong nilabanan ang kabang nadarama. Dama ko naman sa sarili kong wala akong pagtutol na magpaubaya sa kanya. Kinakabahan lang ako dahil ito ang unang beses. . . na ipagkakaloob ko sa kanya ang katawan ko. Naiintindihan ko naman ang pananabik nito sa akin at bilang asawa niya ay obligasyon kong ibigay sa kanya ang gusto niya. Lalo na ang makasiping niya akong asawa niya. Sigurado naman na akong hindi nila ako niloloko katulad ni Kuya Darwin. Damang-dama ko ang connection ko sa kanila. Kilalang-kilala sila ng puso ko. Kahit hindi nga sila maalala ng isipan ko ay sumasang-ayon ang utak ko sa sinisigaw ng puso ko. "Are you sure you're ready for this, honey?" nahihirapang anas nito. Napangiti akong nakipagtitigan sa kanya na namumula ang mukha at nagsisimula na r

