ALDEN: PAGLAPAG ng chopper sa rooftop ng condominium building namin kung saan ako tumutuloy ay maingat ko na itong kinarga at nahihimbing na siya. Hindi ko mapangalanan ang sayang nadarama ko habang yakap ko ang asawa ko at. . .iniuuwi ko na siya ng bagong tahanan namin. Bagay na akala ko sa panaginip ko na lamang mararanasan. Alam kong hindi biro ang pagdaraanan ko para mapaamo si Larah. Pero nakahanda akong harapin ang pagsubok na ito. Ang mahalaga? Kasama ko na ang mahal ko. Walang hirap ang hindi ko kakayanin na kasama ko si Larah. Handa akong masaktan, lumuha, magtiis at madurog makasama ko lang siya. Hinding-hindi ako mapapagod sa kanya na ilapit ang sarili ko at ipaalala sa kanya kung sino siya. Naluluha ako na pinakatitigan itong nahihimbing na sa kama ko. Marahan kong hinaplos

