Confirmed

1600 Words

MARIAH: MAGDAMAG akong hindi nakatulog. Kahit tahimik na sa labas ay dama kong may tao doon. Na tila hinihintay lang na buksan ko ang pinto para madakma niya ako..Natatakot ako. Sobrang takot na takot dahil bukod sa mag-isa ako ay. . . wala akong kakilalang lalake na nagngangalang Alden! Idagdag pang sinasabi nitong asawa niya ako. Paano ako maniniwala sa kanya kung. . . kung hindi naman siya maalala ng isipan ko. May parte sa puso ko ang gustong magtiwala dito pero. . . mas nananaig ang takot sa dibdib ko lalo na't gabi at mag-isa lang ako dito! Hindi naman na kumatok pang muli ang lalake. Pero hindi pa rin ako mapalagay kaya magdamag akong walang tulog. Magliliwanag na nang buksan ko ang pinto dahil parating naman na si Kuya Darwin. Nagluto na muna ako ng agahan namin bago natulog.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD