Amnesia

1505 Words

Mariah: BUMILIS ang kabog ng dibdib ko na maramdamang tila may sumusunod sa aking lalake! Halos madapa na nga ako sa pagmamadali dahil baka maabutan ako nito. Wala pa namang kabahayan sa malapit na lalong ikinababahala ko. Kung masamang tao ito ay walang makakasaklolo sa akin. Kung bakit naman kasi hindi ko na namalayan ang oras eh. Masyado akong nalingat sa pamamasyal sa pribadong isla na 'yon na tila kay lapit-lapit sa puso ko. Parang may bahagi sa puso ko na napupunan sa tuwing naroon ako kaya madalas akong dumadaan doon kahit pribado iyon. Galing ako sa bayan kaninang hapon. Nagdala ng paninda naming mga sugpo, alimasag at iba pang yamang dagat na binebenta namin sa mga tindera. Pero napadaan ako pribadong isla kaya ginabi na tuloy ako. Panay ang lingon ko sa likuran ko habang hal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD