bc

❣️I heart you Major Del Fierro❣️

book_age18+
137
FOLLOW
3.0K
READ
family
HE
drama
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Ano ang mangyayari kung magtatagpo kayo sa araw na kasing labo ng mata ng lola mo?Away dito, away doon.Walang katapusang away na parang mga aso at pusa.Pero pasimpleng sulyap na para bang may tinatagong lihim.Lihim na matutuklasan sa paglipas ng panahon.It will bring joy and happiness to the fullest.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Me, Myself and I
Hindi magkamayaw si Kashimira sa pag aayos ng sarili. May interview siya sa Makati na kailangan niyang maipasa kung hindi sa kalsada siya pupulutin dahil papalayasin na siya ng tiyahin na sobrang sungit. Pero biro lang yun, mahal naman siya ng Tiya Hashmin niya. Wala ng ibang magandang pamangkin eto kung hindi siya, kasi talagang siya lang naman ang pamangkin nito, hahaha,kaya wala etong choice kung hindi sabihin na maganda talaga siya. But anyway, kailangan talaga na tumulong siya sa mga gastusin nila dahil kawawa naman ang beauty ng tiyahin niya kung eto lang ang gagastos sa lahat. Ang mamahal nang mga bilihin, kahit gulay pa yan, karne at manok. Kahit ang pamasahe, gasul, at mga groceries nagtaasan na rin ang mga presyo. Grabe ang inflation sa Pilipinas. Pupunta na nga lang siya sa Antarctica at walang masyadong gastos dun yun nga lang frozen na siya dahil sa lamig. Pero syempre biro lang yun. Mas okay pa naman dito sa bansang ating sinilangan. Basta masipag ka lang at madiskarte malalagpasan ang lahat nang hirap sa buhay. Bago ang lahat magpapakilala muna ako. I am Kashimira S. Ovlar, 28 years old, graduated with a degree in Bachelor of Science in Office Administration. Consistent Dean's Lister ako during my college days. Ang saya maging estudyante dahil tatanggap ka lang ng baon at ayos na. Kapag nagtatrabaho ka na may sweldo ka nga problema naman kung paano pagkakasyahin sa rami ng gastusin. Marami naman na kong napasukang trabaho pero yung huling trabaho ko nagdecide ako na mag resign na lang dahil ayoko sa ugali ng boss ko na mahilig mamahiya ng mga empleyado. Napaka matapobre at maldita. Ayoko ng ganung klaseng tao sa trabaho lalo na kung boss ko. Kaya ngayon isang buwan na siyang tambay sa bahay. Palamunin lang ng tiyahin sa ngayon. Pero, of course, tumutulong naman siya sa mga gawaing bahay, at habang walang trabaho ay siya muna ang gumagawa ng lahat. Naglalaba, nagluluto, naglilinis, at sinusundo sa trabaho ang magandang tiyahin. Mas natuwa pa nga ata ang tiyahin na nasa bahay lang siya dahil pag-uwi nito galing sa trabaho lahat na nang gawaing bahay ay ayos na. Kasama ako sa mga NBSB, No Boyfriend Since Birth, wala lang. Hindi ko feel na pumasok sa isang relasyon lalo na nung nag aaral siya. Naalala pa nga niya na noong nag aaral siya ang mga kaklase niya ang mga pinoproblema ay mga boyfriends o girlfriends nila. Habang siya ay mga activities at homework ang pinoproblema. Ang saya lang ng buhay pag yun lang ang iisipin. Hindi siya mahilig mag entertain ng mga manliligaw. Maganda naman siya, maputi at syempre matalino yan ang sabi ng mahal kong tiyahin, medyo kinulang lang talaga siya sa tangkad, kasi namn 5'2 lang siya kaya naman madalas na asarin siya ng mga kaibigan dahil sa height niya. Pero kaya pa yan ng pagsusuot ng heels. Keri lang. Ang mga magulang ko ay pareho ng nasa langit. Naaksidente ang mga eto nung 10 years old pa lang siya. Sakay ng pick up truck nila ay walang pakundangan na binangga ng kasalubong na sasakyan. Nadala man sa ospital ang mga magulang niya pero dead on arrival na ang mga eto. Maaga man siyang naulila sa mga magulang, nanatili pa rin siya na positibo dahil alam niya na andyan pa ang tiyahin na aalagaan at mamahalin siya. Eto lang ay sapat na. Maswerte pa rin talaga siya dahil kahit maagang nawalan ng mga magulang meron pa rin natira sa kanya na taong handa siyang ipaglaban kahit kanino at mamahalin nang totoo. Nagtatrabaho ang tiyahin bilang teller sa isang bangko. Hindi na eto nakapag asawa pero dahil bata pa naman ang edad na 38 kaya pa yan. Alam niya na makakapag asawa pa rin ito. Ang priority raw kasi nito ay mapag-aral ako at mabigyan ako ng magandang buhay. Pero sabi nito wala pa daw ang lalaking para rito, naligaw ata. Hahaha. Maganda ang Tiya Hashmin ko, matangkad (nasa 5'5), maputi, may Coca Cola body, at matalino. Walang tulak kabigin sa personalidad nito. Ehemplo ito ng babaeng wala ka nang hahanapin pa dahil total package na ika nga.Yun nga lang medyo may pagka suplada at istrikta talaga. Lahat ng nanliligaw sa kanya sinusupladahan niya at binabasted agad. Sabi nito na mas gusto niya na mag focus sa akin. Kaya lang sabi ko sa kanya malaki na ko para problemahin niya. Kailangan na niyang maghanap ng lalaki na makakasama sa buhay. Gusto niyang maging masaya ito. At syempre gusto rin niyang mag alaga ng baby ng tita niya. Wala talaga siyang alam kung nagkaroon ba ito ng karelasyon noon at ngayon. Napaka masekreto kasi nito. Lahat ng pagmamahal naibigay ng tiyahin ko sa akin. Wala na kong mahahanap na tao na kaya akong mahalin ng todo na halos ibinigay na ang sariling buhay para lang mapalaki ako ng maayos. Kaya maswerte talaga ang magiging asawa at mga anak nito. "Hoy Kash!! Anong petsa na? Wala ka bang balak na mag madali? Ma traffic sa kalsada. Hay naku na bata ka, ang kupad mong kumilos." sigaw ng tiyahin. Konsumido na naman eto ke aga aga. "Opo, andiyan na. Tinatapos ko lang ang pag make-up para maganda ako sa interview ko, pag hindi pa ako pumasa rito magtitinda na lang talaga ko sa bangketa." ani ko. "Hahaha, hindi ka bagay maging tindera, baka ipamigay mo lang sa mga pulubi ang tinda mo. At maganda ka nga, sigurado hindi ka naman tatanggapin dahil sa interview pa nga lang late ka na, ano pa kapag hinire ka nila. Mangungunsumi sila sayo ng todo, ewan ko sayong bata ka." litanya nito. Tama eto, maawain siya at gusto niyang tumulong sa mga nangangailangan kahit pa nga kung minsan gipit din siya. Mas okay na mahirapan siya basta't nakatulong sa iba. "Hay naku tita, don't worry hindi ako malalate. Huwag magsuplada at magkaka wrinkles ka, sige ka, tapos tatanda kang tingnan." pang aasar niya rito. "Tumigil ka nga Kashimira, at umalis ka na. Pero mag agahan ka muna at baka mahilo ka sa daan." parang baby pa rin talaga kung ituring siya nito. "Wag na po, sa canteen na lang ako ng company kakain, baka lalo akong matagalan eh." "Naku, ang mamahal ng pagkain doon, magdala ka na lang ng sandwich at tubig. Pero kung kulang naman ang dala mong baon, bumili ka na lang at alam ko naman na matakaw ka sa pagkain. Buti na lang talaga at hindi ka tabain. Hinanda ko na sa may mesa yung dadalhin mo." "Ok po, salamat sa aking magandang tiyahin na walang kakupas kupas ang pagiging huwarang ina ko, pero hindi po ako matakaw, gutumin lang talaga saka pasalamat ako sa metabolism ko dahil natutunaw nito agad ang mga kinakain ko." Nilapitan ko eto at hinalikan. "Ikaw na bata ka ang sweet mo talaga kahit pasaway, mahal na mahal kita at anak kita, kahit anong mangyari ako ang mama mo, ako na nagpalaki sayo kaya wala kang choice kung hindi pagtiyagaan ako,hahaha." "Mahal naman talaga kita Tiya, pero saka na tayo maglokohan na mahal kita kasi malalate ako, charooot." biro niya rito. "Sige na, sige na. Saka na tayo mag kwentuhan. Ayusin mo ang exam at interview alam ko naman na sisiw lang yan sayo. Sa talino mong yan. Goodluck Kashi." lambing na sabi nito. "Ikaw po talaga ang number one fan ko. Pag natanggap ako sa Sterlington company at unang sahod ko, ibibili kita ng mga dresses na gusto mo. At ipagshoshopping kita. Kailangang ipamper ko ang pretty kong Tita. Bye po, Lab you!" "Ingat ka, saka huwag mo na nga akong alalahanin pa. Hindi ba sinabi ko sayo na ang sahod mo sayo yan. Ipunin mo, idagdag sa savings mo, kaya ko pa naman na magtrabaho para sa mga gastusin natin. "Tita, basta alam ko kung paano mag budget at gusto ko na tumulong sayo." "Haist, saka na nga natin pag usapan yan at malalate ka talaga. Sige na, lakad na." "Opo alis na talaga ko. Bye bye po." kumaway pa siya rito bago umalis na.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
28.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.2K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
20.3K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
146.4K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
52.8K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
45.8K
bc

The Forgotten Wife

read
42.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook