ALEX POV: Sinundan niya ng tingin ang dalaga nang walang lingon itong lumabas nang kwarto. Hindi niya akalain na ganito ang magiging epekto nang nangyari sa kanila ni Kashi. Ang layo na nang loob nito sa kanya. Kapag nasa isang lugar lang sila ay parang kabado ang lahat. Malapit na siyang makarating sa Batangas kanina nang ma contact siya ni Lotus. Sinabi nito sa kanya ang nangyari kay Hercules, na tinambangan nga raw ito sa highway habang susunduin si Hashmin. Hindi pa nila maverify kung anong grupo ang humarang rito at pinaulanan nang bala ang sasakyan nito. Inaasikaso na ito nang mga ka miyembro nila. Nang malaman ang nangyari sa kaibigan ay agad siyang bumalik at pumunta rito sa hospital. Pag pasok pa lang nila sa kwarto ay bumilis ang t***k ng puso niya. Alam niyang dahil yun sa da

