Napabalikwas sa pagkakahiga si Kashimira dahil sa malakas na pagkatok sa may pinto ng kwarto niya. Dali-dali siyang bumangon at tiningnan kung ano ang meron at parang importante ang kailangan ng kung sinumang kumakatok sa may pintuan ng kwarto niya. "Sandali-." yamot niyang sigaw sa kumakatok. Pag bukas niya ng pinto nabungaran niya ang kanyang beshy. Masayang masaya ang hitsura nito. "Kashi, naku sabi ni Tita Hash natanggap ka daw sa kompanya na inaplayan mo? Tuwang-tuwa ako beshy, ang galing mo talaga, kahit naman noong nag aaral pa tayo at magkaklase ay talagang likas na sayo ang pagiging matalino at magaling sa kahit anong bagay. Kaya alam ko na matatanggap ka sa kompanyang yun." "Akala ko naman kung ano na ang problema Drya at kung makakatok ka sa pintuan parang may emergency." n

