ALEX POV: Pagod na pagod ang pakiramdam niya ngayon. Lalo pang nakadagdag sa nararamdamang pagod ang hindi nila pagkakaunawaan nang dalaga. Kaninang umaga ay tinext siya nang kaibigang si Dimitriv Romanouv na naipit ang mga ito sa isang gulo sa daan. Agad na tinanong niya kung sino ang kasama nito. Alam niyang may posibilidad na ang nobya nito na si Kalixta ang kasama nito. Dahil kilala niya ang dalawa na hindi mapaghiwalay, kung asan ang isa asahan mong nakabuntot ang kung sino man sa dalawa. Si Kalixta ay pinsan niya. Malapit na pinsan. Ito ang pinagkakatiwalaan niya sa kaligtasan nang mahal niya. Oo, si Kashimira ay nasa ilalim pa rin nang protection niya kahit nasa trabaho ito. Nang sabihin sa kanya ni Dimitriv na nasa loob ito nang sasakyan at kasama ang girlfriend at ang secretary

