KASHI POV: Sinimulan niya ang pagkwento rito sa nakaraan nila ni Alex nang nasa isang restaurant na sila. Inaya kasi siya nito na kumain sa mamahaling restaurant para raw komportable sila na mag usap. "Uhm, pano ko ba to sisimulan. Sige, dun tayo sa araw na una kaming nagkakilala. Nang pauwi na ko mula sa interview sa SMC, ito ngang trabaho ko ngayon na boss ko si Ma'am Kalixta, na pinsan mo, nakita ko siya sa highway nung time na nasangkot sa aksidente yung mismong nasakyan kong jeep. Ang suplado talaga at sobrang istrikto nang kapatid mo, ni hindi man lang ako pinansin nung time na yun kahit pa nagpa cute ako sa kanya." natatawa kong sabi rito. "Sige, ituloy mo at talagang katauhan nga nang kapatid ko yang sinasabi mo." ani nito. "Grabe, nakakatakot siya nung oras na yun dahil ang au

