ALEX POV: Matiim niyang tinitingnan ang bawat galaw ng dalaga na kausap pa rin ang lalaking yun. "Alamin mo nga ang pangalan ng lalaking kausap niya? Yung dalawang babae na kasama niya ang makakasagot niyan." utos niya sa kaibigan. "Pangalan lang ba ang kailangan mo?" ngisi nito sa kanya. "Oo at kung saan nagtatrabaho. Ako na ang bahala sa iba. Yun lang ang alamin mo." ani niya rito. "Okay Boss, no problem." Tumayo na ito sa kinauupuan at nakangiting lumapit sa dalawang babae na manghang mangha na nilapitan sila ng kaibigan niya. Na starstruck ata ang mga ito sa hitsura ni Hercules. Napailing na lang siya rito. Binalik niya ang tingin sa dalagang si Kashimira na nakatingin rin pala sa kanya. Nang makita na nakatingin ako sa kanya, ay matalim na inirapan siya nito. Ngumisi lang siya a

