Nilingon niya ang nagsalitang babae at grabe ang kaba na naramdaman niya. Hindi niya inaasahan na makita pa ito sa tagal na ng panahon na lumipas. Mas gumanda pa ito at naging mas ismarte na tingnan. Napakasimple pa rin pero agaw atensyon sa mga lalaki ang kagandahan nito. Nakita pa niya ang mga pasimpleng sulyap ng mga lalaki sa dalaga. Kumunot ang noo niya at tiningnan ang mga ito ng matalim, kaya umiwas na rin ang mga lalaki ng tingin. Hindi siya nito napansin dahil nakayuko lang ito at walang pakialam sa paligid. Nakatutok lang ito sa karne na nasa harap. Nakipag agawan siya rito ng karne, at sinabi na nauna siya na nakapili ng karne na gusto nito. Nakita niya sa mukha nito ang pagkagulat ng mapatingin sa kanya. Umiba ang awra nito pagkakita sa kanya. Tumalim ang tingin nito at ramda

