Nagsimula na silang kumain. Mukhang epal ang mga babae at walang ibang ginawa kundi ang kunin ang atensyon ng dalawang lalaki. Bumida talaga ang mga ito sa usapan. Si Drya ay tahimik na rin na kumakain. Ang Tiyahin naman niya ay halatang aburido rin dahil halos magsalubong na ang kilay. Hindi na siya makatiis sa ingay ng mga ito at tumayo na muna. "May kukunin lang muna ako sa kusina. Excuse me." Agad siyang tumayo at mabilis na naglakad papasok ng bahay. Ni hindi siya sumulyap sa pwesto ni Alex na alam niyang kanina pa hinuhuli ang mga mata niya para tumingin rito. Pagkarating sa kusina, ay agad siyang kumuha ng tubig sa loob ng ref at pilit na pinahihinahon ang sarili. Naramdaman niyang sinundan siya sa kusina ni Alex. Bumuntong-hininga muna siya bago bumaling rito. "Anong kailangan

