Umabot ng 50k ang nabayaran nila sa grocery. Ang laking halaga na nun. Sinend niya kaagad kay Alex ang resibo sa w******p account nito. Akala niya maghuhurumentado ito, pero ang sagot lang ay kung nakumpleto ko ba daw ang mga kailangan ko at baka daw may kulang pa ay bilhin ko na habang nasa mall pa. Grabe si Major, kung kami nga ni Drya nanlaki na ang mata sa binayarang bill, eto namang si Alex gusto pa siyang pabilhin pa. Pag mayaman talaga kahit umabot pa sa 100k ang bill sa grocery ay okay lang. Parang barya lang sa kanila ang ganung amount. Pero pag poorita iiyak ka na lang talaga at syempre hindi ma aafford yun. Nilagay na lang sa mga kahon ang pinamili namin. Kasya naman yan sa Van kasi malaking sasakyan naman ang gamit nila. Pinang tulungan na nang mga empleyado nang mall ang mga

