Sabay sila ng tiyahin na naglalakad pabalik sa pinangyarihan ng sunog. Parehong tahimik at naghihintay kung sino ang mauuna na magsasalita. Hindi na ko nakatiis kaya naman... "Tita, are you okey po?" malumanay na tanong niya rito. "Yup, sorry sa nangyari kanina Kashi, pati ikaw nadamay pa." malungkot na sabi nito. "Walang kaso po yun, napaka suplado ng lalaki na yon, kung makapagsalita akala mo kung sino." nakanguso na sabi ko. "May tama naman siya, dapat hindi ako nagpadalos dalos sa mga sinasabi ko. Kaya lang grabe ang emosyon na nararamdaman ko pag nakikita ko ang lalaking yun. Tumataas ang presyon ng dugo ko. Hindi ko alam kong pano makokontrol ang galit ko." "Baka po pag maka move on ka na sa kanya magiging okey lang din po ang lahat." nakangiti kong sabi sa kanya. Napasimangot

