HERCULES POV: Nang pumasok siya sa kwarto ni Hashmin ay dumiretso siya ng higa sa hinanda nitong higaan. Ni sulyapan ang nakatalikod na dalaga ay hindi niya ginawa. Alam niyang ang dalaga ang naghanda nang mahihigaan niya, dahil ugali na nitong latagan siya noon kapag magkasama sila sa iisang kwarto. Pumikit agad siya dahil ramdam niya ang pagod at sakit ng ulo. Alam niyang gising pa ito at pinakikiramdaman lang siya. Kaya naman nagkunwari rin siyang tulog. Hindi siya pwedeng makatulog nang tuluyan at baka masalisihan siya ng stalker nito. Maya maya lang ay humarap ang dalaga sa kanya. Ramdam niya ang titig nito. Matagal siya nitong tinitigan, habang siya ay pinipigilan ang sarili na magmulat ng mata at makipag titigan rin rito. Hindi na siya makatiis kaya naman dumilat na siya pagkalipa

