Pagkatapos kumain ay pare pareho na silang pumunta sa mga pupuntahan nila. Ang Tita niya ay inalalayan na ni Tito Hercules sa kwarto nito. Si Tito naman ay sa loob lang daw nang bahay at may mga kasong pag aaralan. Mukhang kahit nasa bakasyon ay binigyan pa rin nang trabaho ni Alex. Sila naman ni Drya at bumalik na muna sa kanya kanyang kwarto at nagbihis. Nagsuot siya ng rashguard at pinatungan muna nang manipis na summer dress. Tatanggalin na lang niya kapag lalangoy na siya. Pag baba niya ay nasa sala na rin si Drya at nakapanligo na rin. Sabay silang pumunta ni Drya sa dalampasigan. Pag dating doon ay madilim na ang paligid pero nakikita pa naman nila ang paligid dahil sa mga ilaw na nakalagay. Meron rin naman mga mangilan ngilan na bakasyunista sa paligid. Ang Beach nato ay hindi gay

