ALEX POV: Nasa Jollibee sila ngayon. Yun kasi ang request nang nobya niya, bilang masunurin at mabait na nobyo kailangang sundin niya ang gusto nang mahal niya. Para masaya ito at tahimik ang buhay niya. Kumukuha siya ngayon ng kutsara at tinidor para maka pananghalian na sila. Nang pabalik na siya sa mesa nila ay nakita niyang may kinakawayan ang dalaga sa labas. Kaya agad siyang bumaling sa tinitingnan nito at naging alerto. Nakahinga siya nang maluwag ng makitang isang batang babae sa labas ang kinakawayan nito. Malapit talaga ang loob ng nobya sa mga bata. Kaya naman alam niyang kapag nagka anak sila ay siguradong mahal na mahal nito ang anak nila. Nilapag niya sa harap ng dalaga ang kutsara at tinidor nito bago umupo sa harap nito. "Gusto mo bang tawagin ko ang mag iina para sabaya

