ALEX POV: Nakabalik na sila nang bansa matapos ang isang buwan na training at seminar na dinaluhan nilang elite forces sa Chicago. Lahat sila ay dumalo, pero ang matalik na kaibigan na si Hercules ay hindi sumama at nagpaiwan lang rito. Ito muna ang pansamantalang pumalit sa kanya bilang hepe sa presinto. Hanggang ngayon hindi na sila nakapag uusap nang kaibigan. Kumusta na kaya ito? Sila pa rin kaya at si Hashmin? Alam niyang may alam si Lotus sa nangyayari sa buhay ni Hashmin at Hercules, pero hindi na nito kinikwento ang mga nangyayari sa buhay ng mga ito. Kahit ito man ay lumayo na rin ang loob sa kanya. Naging civil na lang ang approach nito sa kanya dahil mas mataas pa rin ang ranggo niya rito. Na miss niya ang opisina niya. Nang biglang tumawag sa kanya ang pinsan na si Kalixta.

