Eksaktong alas otso siya nakarating sa kompanya. Pahirapan ang pagsakay sa jeep at siksikan pa at ganun talaga pag wala kang sariling sasakyan. Buti kung yayamanin ako at hindi ko na kailangan mag commute pa at may sariling driver. Pero poorita tayo kaya tiyaga lang. Nayamot pa siya dahil kahit puno na ang jeep kanina ay nagtatawag pa talaga nang pasahero si kuya driver. Kaya naman marami na talagang mga nagreklamo na pasahero rito. Pero walang paki si kuya driver. Pinagwalang bahala na lang niya kanina ang siksikan at nag emote na lang. At dun niya pa nakilala si Ate Peach at Apple. Ang mag inang tinulungan niya kanina. Nagpakilala ang mga ito sa kanya dahil kung saan siya bumaba ay dun din ang baba nila. Saglit kaming nagkwentuhan. Problemado pala ito kanina, dahil iniwan ng asawa kaya uuwi na lang sa mga magulang niya. Hindi na rin nito naisip kanina na baka magutom ang anak dahil sa pighating nararamdaman dahil sa ginawa ng asawa nito. Nakakainis ang mga ganung klaseng lalaki na walang paninindigan sa pamilya niya. Yung iiwan na lang basta ang mag ina niya para lang sa iba. Hindi man lang iniisip ang impact nito sa bata na paglaki ay walang kikilalaning ama. Haist. Grabe talaga ang buhay, may iba't ibang kwento tayo na pinagdadaanan. Ang iba ay maswerte sa buhay, ang iba naman naman ay maraming pagsubok na hinaharap. Nagpaalam agad siya at baka malate na talaga. Kinuha niya ang numero ng cellphone nito at gusto niyang maging kaibigan ang mga to.
Pinag pawisan na siya kahit maaga pa naman kaya naman dumiretso muna siya sa comfort room at nag retouch nang make up niya. Dapat fresh siyang haharap sa mga examiner.
Habang nag aayos ng sarili ay napatingin siya sa nakasabayan niya sa cr. Abala rin eto sa pag aayos ng napakagandang buhok nito at sa paglalagay ng lipstick.
Tumingin din eto sa kanya at kiming ngumiti. Mukhang nahiya bigla ito sa kanya.
"Hi" mahinang bati nito sa kanya.
"Hi din. Aplikante ka rin?" Masayang tanong ko sa kanya.
"Yuh, ikaw rin ba?"
"Oo, ako nga pala si Kashimira, ikaw ano ang pangalan mo? pang uusisa niya rito.
"Nyxara Fausto"
"Wow, ang unique ng name mo." mangha niyang sabi.
"Ang pretty rin kaya ng name mo."
"Parehong unique ng name natin."
" Kaya nga, anong posisyon nga pala ang inaplayan mo? tanong nito sa kanya.
"Executive Secretary, ikaw?
"Administrative assistant, sana pareho tayong mapili para magkasama tayo sa trabaho." malambing na sabi nito.
"Kaya nga, at nakakatuwa dahil madadagdagan na naman ang friendship ko. Nagcocollect kasi ako." pabiro kong sabi sa kanya.
"Hahaha at talagang collection ang mga barkada mo sayo. Kalog ka talaga." tawang tawa na ani nito sa kanya.
Ang sarap kaya sa pakiramdam na marami kang friends. Lalo na kung mga tapat na kaibigan ang mga ito at maaasahan mo sa lahat ng oras.
" Let's go na at baka malate pa tayo. Hindi pa nga tayo nahihire late na agad, ano ba yan."
"Hahaha"
Sabay na pumunta sila sa examination area. Kaunti pa lang ang mga nakaupo sa designated area of each position na open sa mga aplikante.
" Kashi, pagkatapos ng written exam natin sabay na lang tayo na mag snack muna sa canteen bago ang initial interview, ok?" ani nito.
"Sure, I will wait for you Nyxara. Good luck frenny."
"Goodluck din sayo." masaya nitong sabi sa kanya.
Kabadong kabado ang pakiramdam niya. Sana naman maging maayos at masagutan niya lahat ng mga questions sa written exam. Desperada na siya na makahanap ng trabaho at ang makapasok sa ganitong ka laking kompanya ay talaga namang pangarap niya. Kahit noon pa man ay malimit na niyang makita sa diyaryo ang pamamayagpag ng kompanyang ito sa business world.
So far, nawala din naman ang kaba na naramdaman niya kanina. Nasagutan niya lahat at sigurado naman siya sa mga sagot niya. Sana lang talaga lahat tama ang mga sinagot niya. Aba magaling ata siya sa grammar test, vocabulary test at reading comprehension noong nag aaral pa siya sa college. Laging mataas ang mga exams niya at lagi siyang nakakasama sa honor. Kaya naman proud na proud sa kanya ang tiyahin dahil nagmana daw siya dito na magaling at matalino sa klase.
Hinintay niya ang bago niyang frenny na si Nyxara. Mas nauna kasi siya na nakatapos sa written exam kaya naman umupo na muna siya sa waiting area at tatawagin na lang niya ito pag lumabas na eto sa examination room. Naglaro na muna siya ng Plants versus zombies habang naghihintay na makatapos ang bagong kaibigan. Tutok na tutok siya sa nilalaro at nawala na ang boredom na naramdaman kani kanina lang.
Pag angat niya ng tingin nakita niya si Nyxara na palingon lingon at tila may hinahanap sa paligid. Alam niyang hinahanap siya nito. Kaya agad niyang tinawag eto.
" Hey frenny andito ako." kaway pa niya rito.
Agad na lumapit eto sa kanya at masayang kumapit sa braso niya.
" Let's go beshy, grabe ang kaba ko kanina. Na mental block ako at hindi ako sure kong tama ba mga sagot ko dun, inisip ko na lang na pano na ang pusa ko pag hindi ako matanggap dito, wala na kong ipapakain sa kanya dahil poorita na talaga ako, kaya naman nung naiisip ko yun nakasagot na ko ng maayos, huhuhu." emote nito.
"Ok lang yan, sigurado ako makakapasa tayo, fighting!!
" Sana nga, ang hirap maging mahirap, kung hindi kakayod pano ang buhay, lalo na ko na kailangan tumulong sa mga magulang ko dahil kawawa naman ang mga to, may edad na pero todo pa rin sa kakatrabaho." malungkot na ani nito.
"Ilan ba kayong magkapatid Nyx? Marami?
""Lima kaming magkapatid, yung panganay namin nasa Cebu at may pamilya na rin, kaya hindi naman na maasahan nina mama at papa, yung pangalawa naman namin ay yun yung kuya ko na wala namang trabaho ngayon at tambay lang sa bahay. Sumunod ako sa kanya, at ang dalawang nakababatang mga kapatid ko naman ay nag aaral pa sa kolehiyo. Driver ng taxi si papa at si mama naman ay nasa public school nagtatrabaho."
"Buti ka pa nga at may magulang pang gagabay sa inyong magkapatid."
"Bakit ikaw Kashi? Asan mga magulang mo at kapatid?"
"Wala na kong mga magulang, matagal na silang nawala, wala naman akong naging kapatid kasi only child lang ako nina mama at papa." malungkot kong kwento rito.
"Ay sorry, eh pano ka nung time na nawala ang parents mo?"
"Mabuti na lang at may Tita pa ko na nag alaga at nagmahal sakin. Siya na ang tumayong magulang ko at siya na ang gumabay sakin hanggang ngayon."
"Buti na lang at andyan ang Tita mo. Sana makilala ko siya parang the best siyang Tita."
"Oo the best talaga yun, hindi na siya nag asawa dahil mas priority niya ko."
"Kung kelan Kashi, punta ko sa bahay niyo, pwede?"
"Oo naman, at excited din kitang ipakilala sa beshy ko na si Amadrya."
"Hala gusto ko yan. Tapos makiki sleep over ako niyan sa inyo para mas masaya. Wala kasi akong naging kaibigan kasi nga lagi akong nasa gilid lang at nahihiya akong makipag usap sa iba. Ang totoo sayo nga lang ako naging madaldal."
"Oo walang problema, sobrang gaan ng loob ko sayo at alam kong magiging best friend kita forever, sigurado yan." masayang sabi ko rito.
"Tama ka diyan and Thank you Kashi."humagikhik ito.
"Basta kung anumang hirap mo sa buhay ang isipin mo na lang kaya yan, may mas mahirap pa nga ang buhay kesa sa atin."
"Oo nga, buti kong nepo baby tayo, yung hindi tayo mamomroblema sa pera kasi sobra sobra ang pera. Haist!!
"hayy, grabeng buhay to, halika na nga at gutom lang to.hahaha."
Sabay na silang pumunta at kumain sa canteen ng kompanya. Mabuti na lang at hindi marami ang kumakain kaya naman nakaupo pa silang dalawa. Pagkatapos kumain ay bumalik na sila sa waiting area at naghintay na lang para sa interview.