Pagkatapos mamili sa department stores ng mga damit na gagamitin niya sa araw-araw na pagpasok sa opisina, dumiretso na sila sa grocery para mamili ng mga kailangan nila sa bahay. Nahilig na sila ng tita niya na mag stock ng mga pagkain nila para sa isang buwan. Ginagawa nila yun para hindi na sila kailangang lumabas pa para lang bumili ng kailangan. "Doon na muna ako Kashi sa meat section para isahan lang, dito na tayo mamili ng mga manok at karne." "Okey po tita, may bibilhin lang ako sa cosmetics area. Puntahan na lang po kita doon kapag nakabili na ko ng kailangan ko." "Sige." Dali-dali na bumili siya ng napkin at tissue. At sumunod na siya sa tiyahin sa meat section. Natigilan siya ng makita ang tita Hashmin niya na nagsusuplada at galit na galit sa isang lalaki. Namumula eto sa g

