Maayos na sana ang lahat kung di ko lang nalaman na ang Luciferian Academy ay kabilang sa ilang eskwelahan na pinamumugaran ng mga kasali sa angkan ng Mafia at binubuo ng mga Gangster. Hindi ako pabor sa ganoon dahil alam kong marami ang pwedeng mangyari at delikado mamuhay kasama ng mga ito. Hindi ko akalain na ngayon rin magsisimula ang pagbabago ng aking pang araw araw na buhay. Naging magulo ang noo'y normal at tahimik. This is the darkside of the Academy.
Sampung gang ang meron sa loob ng Luciferian Academy. Halos lahat ay walang pakundangan sa pagpatay at pangbubully ng mga estudyante. Pero tanging apat na gang lamang ang pinaka sikat at mas kilala sa loob at labas.
Una ay ang Dark Grimoire Cards, sila ay binubuo ng pitong katao. Bali-balita din na kasapi sila sa tinatawag na Underground Society at di lang sila basta kasapi noon. Sila din ang tumatayong junior council nito bukod sa matatanda. Kaya sobrang kinatatakutan ang kanilang samahan lalo pa't malaki ang kapit nila.
Pangalawa ay ang Dark Ethereal na hindi rin basta basta. Malakas naman ang kapit nila sa ikatlong pinakamataas na Mafia sa Underground Society. Isa sakanila ay anak ng pinuno ng mafia na 'yon.
Ikatlo ay ang Black Death hindi sila basta basta dahil ang maawa ay hindi nila obligasyon. At malayo sakanilang layunin. Kinikilabutan nga ako habang kinukwento sakin ni Zia ang tungkol dito.
Last but not the least ay ang White Soldier of Death. Sila yung mabait depende sa mood nila pero marahas din sila kapag natripan nila. Ibig sabihin bihira lang silang maging mabait at maawa madalas nangbubully pa rin sila.
Hindi ko maintindihan kung bakit dito sa Luciferian Academy ay hindi pa binabanned ang mga Gang na ganyan kung nakakapatay lang din sila. Mas nalabas pang under nila ang Management ng school kesa sa School ang nasusunod. Kasama ko ngayon si Zia at binabahagi niya sakin ang tungkol sa Academy. Sakanya ko nalaman ang lahat.
"In this Academy..killing isn't illegal."ani Zia na nakapagpataas ng balahibo ko. Damn! Maling eskwelahan pa yata ang napasukan ko! Natatakot ako para sa sarili kong kaligtasan.
Iwinaksi ko muna iyon sa'king isipan at inintindi ang pagdating ng may ari ng school.
Naging abala ang lahat ng estudyante mapa anumang divisions. Nahahati kasi sa anim na kategorya ang bawat building at section. As in per year level din.
Una ay Khazarian Division kung saan nandoon lahat ng kabilang sa pinaka mayaman sa buong mundo. Nasa Khazarian Division ang section namin, walang iba kundi ang Lucifer. Dito ako napasama dahil ako lang ang katangi tanging special student na nakapasa sa scholarship exam.
Sunod ay ang Noble Division, Winchester Division, Midori Division, Murasaki Division at Ao Division. May halong japanese ang bawat pangalan ng Division sa di malamang dahilan.
"Sino nga ulit ang panauhin? Ang may ari ng school?"taka kong tanong. Hindi ko naman matandaan kung sino ito kaya naisipan kong itanong kay Zia ang pangalan ng panauhin.
"no other than, Killua Rogue Rocketfellers, the most youngest bachelor inside and outside the Business Industry. Simula sa murang edad na onse ay nagsimula itong tumulong sa kompanya ng KR Corporation hanggang ngayon na nasa 20's na ito."natigalgal ako sa sinabing iyon ni Zia. Doon nagtatrabaho ang aking mga magulang. Hindi ko akalain na sumabak ito agad sa pagmamanage ng ganoon kalaking kompanya sa edad na onse. Bihira lamang ang ganoon.
"For real? As in 11 years old? How genius!"mangha kong sambit. Tumango tango siya bilang pag sang ayon sa sinabi ko.
"at di lang yun! He look like a GREEK GOD for God's sake!"tumitiling sambit nito na may kasama pang pag hampas. Napangiwi ako sa lakas ng paghampas nito sakin. Ang sakit kaya ang bigat pa ng kamay niya.
"C'mon!"suway ko sakanya. Nagsorry naman siya sa sudden kilig kuno niya.
"Kelan siya dadalaw?"tanong kong ulit. Lumilipad kasi ang isip ko nung sinabi yun.
"Mamaya na girl! Kaya nga diba todo ayos ang school! Wait?! You didn't think something? Like ring a bell?"napangiwi ako sa taas ng boses ng aking kaibigan.
"Huh?"naguguluhan kong sagot na kinangiwi niya.
"what?! C'mon! Rogue is River and Rome's older brother!"nagulantang ako lalo sa sinabing yun ni Zia. Hindi ko iyon naisip. Kapatid pala nila ang may ari ng school. Grabe!
"weh di nga?"tanong ko dito. Nakatanggap ako ng batok dahil doon.
"Ouch! Sakit nun ah."maktol ko. Niyakap niya naman ako. Baliw!
"Oo nga. Tatlo silang magkakapatid. Alam mo bang sobrang gwapo rin ng mga tiyuhin niya? At mas lalo na ang Daddy nila! At yung lolo nila! Walanjo! Ubod parin ng gwapo!"halos marindi ako sa pagtili ni Zia. Hindi niya talaga mapigilang humanga rito lalo na at nakita niya na iyon. Samantalang ako ay hindi pa.
Napaatras ako dahil baka mapagdiskitahan nanaman niya ang braso kong hampasin. Gulat na gulat ako sa impormasyong nasagap ko pero hindi ko na ipinakita yun. Ayokong magmukang OA. Saka makikita ko rin naman kung nagsasabi nga siya ng totoo mamaya. Parang baliw na ngayon si Zia kaya napapalingon sakanya ang ibang mga estudyante. Nasapo ko nalang ang aking noo sa pagkapahiya sa inaasal nito.
Natigilan kami nang marinig namin ang announcement.
"Good morning, LA Students. Proceed to the entrance of this school to show respect for the owner of this school."saad ng Principal mula sa mga speaker na nagkalat sa bawat sulok ng school. Sinunod naman namin ito at nagtungo kami agad doon.
Panay pa rin ang daldal nito kaya nagulantang ako lalo at hindi na napigilang itanong ang gumugulo sa aking isipan.
"Bakit ganoon? Kay Rogue pinamana ang buong school? Hindi ba't ampon ito?"naguguluhan kong tanong. Oo, ampon si Killua Rogue Rocketfellers ng mag asawang Hari at Reyn-a?! Wtf?!
"Hari at Reyn-a?!"nabigkas ko bigla.
"Hindi mo alam?! OMG! River and Rome is a real Prince of this country! Kaya tinitingala din sila."walang habas na dinukdok sakin ni Zia ang katotohanan. Alam ko na iyon dahil nabanggit na iyon ng mga taga Luciferian at maging mga guro.
May karapatan pala talaga si River na gawin akong alipin. Tangina lang!
Yung master ko isang Prinsipe! Bakit ba ngayon lang nag sink in sakin ulit ang lahat ng 'yon? Ang tanga ko din minsan. Kaya nga pala kilalang kilala sila bukod sa nag eexcel sila sa klase.
"Ibig sabihin, OMG!"hindi ko na rin napigilang mamangha at maging OA. Pag minamalas ka nga naman.
"Back to your question, long time ago tinalaga by legal papers na gagawin nilang anak si Rogue. Kaya karapatan din nitong magmana ng ganito. Isa pa, sobrang bait daw ni Rogue nung bata ito hanggang sa lumaki, siya ang nagtatrato ng maayos sa empleyado ng KR Corporation. Masungit at mainitin kasi ang ulo ng hari."paliwanag ni Zia. Tumango ako.
Kaya pala mababakasan ng paghanga maging ang ibang mga estudyante dahil likas rito ang pagiging mabait at matulungin.
Naalala ko naman ang tungkol kay nila Keiron Vladimir Rotchilds-Rocketfellers kakambal naman nito si Vin Zeus Rotchilds-Rocketfellers. Nagkaanak sila ni Demonise Satander at iyon ay si Kemuel Rassel Satander Rocketfellers at Leiron Vladimir Satander Rocketfellers. Kambal na lalaki rin ang mga iyon. Nasa lahi na nila ang kambal. At lahat sila guwapo at hindi ordinaryo ang itsura at talino. Namamahala sila ng napakaraming kompanya at business. Maging ang Khazarian Mafia ay sila rin ang nakaupo na namumuno.
"pero nagbago yun nang mapaibig siya ng Prinsesa Carma."dugtong pa niya. I know that story. Nagkatuluyan silang dalawa nagkaroon pa nga ng libro ang pagmamahalan nila e. Kaya lang namatay ang Prinsesa.
"Nabasa mo na pala yung The Heirs Obsession na base on real life e. Loka to! Ang slow mo! Elyse. Nakakaloka ka!"anito sa natatawang tono. Napakamot lang ako sa aking kilay dahil doon. Nakalimutan kong tunay na nangyari pala lahat ng nakasaad sa
The Heirs Obsession showed how Kemuel Rassel Satander Rocketfellers fell in love with the Princess of London. Hindi yun story lang, naging inspirasyon yun sa lahat ng couple at married couple para mas tumatag sila. Kaya lang tragic ang istoryang iyon dahil namatay ang Prinsesa dahil binaril ni Mr. Winchester. At ibinigay sa iba ang puso at utak nito. Maraming nalungkot dahil sa pagkawala ng napakabait na Prinsesa. Gaya nila Mama at Papa. Naging inspirasyon nila ang pagmamahalan ng Royal Family at kung paano nila ipinaglaban ang isa't isa. Wala rin pagsidlan ang pagiging loyal ng Hari. Sobrang mahal na mahal niya ang Prinsesa at pinapatunayan niya palagi na wala siyang ibang mamahalin kundi ito. Kaya lang nagsisi siya nang hindi niya nailigtas ang asawa sa kamay kababata niyang si Queenie. Nagalaw kasi ng bodyguard nito ang Prinsesa na naging Reyna na nga pala. Ipinagalaw iyon ng bruhilda at sinend ang video kay King Rassel. Labis siyang naguguilty at nagsisisi sa nangyari. Pero wala siyang magawa. Bago mamatay ang Reyna ay matinding trauma ang naranasan nito.
Saka totoong magulang nila River at Rome ang hari at reyna. Bakit kasi outdated ako e? Nakakainis. Nakalimutan ko kasi ang tungkol sa story. Ngayon ko lang ulit naalala.
Nakarating kami sa b****a ng eskwelahan at sinalubong ang blue veneno car na pumarada sa mismong entrance pero nasa loob na ito.
Nauna ang mga faculty bago ang Student Council kung saan kabilang si Zia. Kaya naiwan akong mag isa. Nahalal din si Zia na Student Council Committee as well as River na naging President pa. Samantalang Vice President naman si Cross Sanford, naging escort si Rome dahil feel na feel ng monggoloid ang posisyon. Bwisit! Kung sinasalita ko lang yung pagtawag sakanya ng monggoloid nako yari ako.
Nagtitilian ang karamihan partida hindi pa nababa ang bisita ah.
Ang iba ay kanya kanyang tsismisan.
Hanggang sa bumukas ang pintuan ng driver seat at iniluwa ang napakakisig na Prinsipe sa modern world.
Those dazzling gray eyes, pointed nose, kissable lips and jawlines. Wth? Ampon ba talaga yan? Parang hindi naman siya mukang ampon dahil nagsusumigaw ng karangyaan at kakisigan ang kanyang awra. I bit my lowerlips. Sobra akong namamangha sa physical nitong itsura.
Pero mas gwapo pa rin si River. Like the F? Sinabi ko yun? Kaloka!
Sinalubong siya ng faculty at inabutan ng boquet of flowers na tinanggap nito at pinalagay sa loob ng sasakyan niya sa Butler na kasama niya. Sinalubong naman siya ng mga estudyante at bumati sakanya.
Napag alaman kong kaya siya napabisita ay para personal na iwelcome ang lahat ng estudyante ng LA sa panibagong yugto ng pag aaral bilang Luciferians. Late na ito dahil ilang buwan na kaming napasok. Nabusy daw kasi ang Prinsipe sa dami ng inaasikaso kaya ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataong bumisita.
Napansin ko ang temperament ng Prinsipe. Palangiti ang Prinsipe at kung minsan ay seryoso ito lalo na kapag importante ang pinag uusapan.
"Where's my brother?"tanong nito sa Principal. Saktong dating naman ni River at Rome. Kaya nagkaroon ng bonding ang magkakapatid. Parehong binubwisit ni Rogue at Rome si River dahil bugnutin ang Prinsipe ng Ilog. Hay nako! Ang sweet nilang magkakapatid. Nakakatuwa naman silang tatlo. Hindi talaga nila nakakaligtaang utasin ang kanilang kapatid. Nakakatikim naman sila ng malutong na mura rito.
Nag audit lamang si Prinsipe Rogue sa Academy at chineck lahat ng facilities. Tinanong niya rin ang mga guro at Principal kung may aberya o may kailangan sila. Feel free to ask him daw. Wala namang problema kundi kailangan lamang ng Academy ng pera pang pagawa ng ilan pang Activity Center at mas malaking gym dahil nagsasabay ang practice ng Varsity ng Basketball at Volleyball. Nagkakainitan tuloy palagi ang dalawang grupo. Kulang nalang kasi tumira na sa court ang mga Basketball player. At ayaw magpaubaya sa mga babae. Nag iwan lamang si Prinsipe Rogue ng cheque sa Principal. Nag uusap sila ngayon sa Office ng Prinsipe. Andito ako dahil sinama ako ni River at Rome. Nakakahiya tuloy. Pinakilala ako nito bilang slave niya. Tumawa naman si Prinsipe Rogue sa sinabi ng kapatid. Pagpasensyahan ko na daw ang ugali nito. Kaya tumango ako.
Nang lunch break ay nagpadala nalang ito ng pagkain nilang tatlo sa Office dahil ayaw nilang pagtinginan ng mga tao kung sa cafeteria pa sila dadayo ng kain. Kaya pati ako ay nakalibre ng kain dahil inalok ako nitong sabayan sila. Nahihiya man ay wala akong nagawa kahit nakailang tanggi na ko sa alok nito. Ayoko namang magalit sakin ang Prinsipe. Inulukan din ako ni Rome na wag ng mahiya. Kaya sobrang nabusog ako sa dami ng nakain.
After namin kumain ay nag usap sila tungkol sa paghahandle ng business at mafia. Kaya lumabas muna ako para hindi ko iyon marinig. Masyado kasing pribado ang kanilang topic.