Nagsimula na rin ang election at si Zia ang natalagang Class President habang si Rome the monggoloid ang nataguriang Vice President. Si River sana ang magiging Class President o kaya Vice kaso tumanggi ito. Hanggang sa di na siya nakaangal ng italaga siyang Escort ng buong klase. Sobrang gwapo naman talaga ni River at Rome. Hindi ko iyon ikakaila. Kaya lang pareho silang may deperensya sa ugali. Parehong nakakainis. Tsk. After ng elections ay nagsimula nanaman ang magulong section namin. I sighed.
"you're such a douchebag trying to be my match.."narinig kong sabi ni River kay Cross.
"who told you that? Of course I am not. I'm better than you, man."defensive na sagot ni Cross sa sinabi ni River. Napailing nalang ako sa dalawa.
"really? That's why you're always be the number two. Tsk."anito sa kausap na binata.
Pumagitna naman si Zia sa mga ito.
"C'mon! You two, can you stop blabbering some nonsense words? Can you?"inis na sambit ni Zia.
"Tell him, to shut his mouth. I'm going.."malamig na sambit nito. Tumango naman si Zia sa sinabi ni River.
Naglakad na ito palayo habang nakapamulsa. He has a set of green eyes while the other side of his eyes have a mix of blue. He hide it from every one using a half mask.
Like his father.
I know dahil lagi akong nakabuntot sakanya. Pero pinagbantaan niya akong huwag itong ipagsasabi. Hindi ko alam kung bakit big deal yun. Or maybe nahihiya lamang siya dahil magkaiba ang kanyang mata. Pero para sakin his eyes are unique and extraordinary. Nakakahalina ang ganda ng mga mata niya.
Palagi nalang silang nag aaway ni Cross ang kaklase namin sa Lucifer.
Para silang ewan kapag nag aaway mga baliw. Parang mga bata lang na nagyayabangan at nagpapagalingan.
Habang naglalakad. Lumapit sakanya
ang kamukang kamuka niya. Maliban lang sa mata nito, dahil kulay gray ang dalawang pares ng mata ng lalaki. Walang iba kundi si Kaurus Rome Rocketfellers.
Hinayaan niya na lamang umakbay sakanya ang kakambal niyang walang ginawa kundi ang buwisitin siya.
"C'mon! Mukang nagtalo nanaman kayo ni Cross ah? Chill lang kambal. Mas gwapo tayo doon ng isang daang paligo."natatawang biro nito. Hindi nalang niya kinibo ito at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit kailan talaga ay saksakan ito ng hangin. At puro nonsense ang sinasabi. I pity him.
Maraming babae ang napapalingon at napapatili sa tuwing dadaan at makakasalubong nila ang kambal.
Maraming naghahyperventitale kahit matitigan lang o matingnan ng isa sa dalawa.
Subalit ang ilan ay nakakaramdam ng takot sa tuwing si River ang titingin dahil sa seryoso nitong titig.
They're famous for being the top student base on the previous records of the Academy. Nakita ko iyon nung nakaraan. Kahanga hanga ang talinong taglay ng dalawa. Napakatalented rin ng mga ito. Napakasuwerte naman ng magulang nila dahil nagkaroon ng ganito kagenius na anak. Kaya lang ekis pagdating sa ugali.
"Saan ka nanaman ba tutungo? Bal? Magsalita ka naman. Para namang naglalakad na anino ang kausap ko e."reklamo nito kasabay ng isang buntong hininga.
"Hell..do you still want to go?"malamig nitong tanong kay Rome. Kung ibang tao siguro ay mangingilabot kapag narinig ang boses ni River pero dahil sanay na sakanya ang kanyang kakambal at mas kilala niya na ito. Tinawanan lang siya ni Rome. The cuteness of this too never failed to amused me. Ang cute siguro nila lalo noong mga bata pa sila.
"Of course, till hell do us apart."natatawang biro nito. Napailing nalang sakanyang kakornihan si River.
Ako naman, heto at nakabuntot nanaman sa dalawa. Lagi nalang talaga kong nakabuntot nakakainis na rin minsan pero wala akong magawa. Kundi sundin ang aking among ubod ng sungit.
Maya maya pa dumating sila Zeus, Hunk at Yohann mga kasamahan nila sa banda. Tinangay ng mga ito si Rome kaya nakahinga na ng maluwag si River sa pangbubuwisit ng kakambal. Wala kasing katulad ang kakulitan at kadaldalan nito.
Sinundan ko lang si River hanggang sa dumiretso ito sa garden. Napaka ganda ng sikat ng araw ngayon at malamig rin ang simoy ng hangin. Hindi ganoon kainit at presko sa pakiramdam kaya magandang tumambay rito. Napakaganda pa ng tanawin. Maraming puno, halaman at mga bulaklak ang maayos na nakatanim sa paligid. Meron ding fishpond at ilang nakatayong laruan ng chess na gawa sa bato. Labis akong napapahanga ng lugar sa angkin ganda at ayos noon.
Napalingon naman ako kay River nang nilabas nito ang ipod niya at muling sinuot ang headphones para makinig ng music. Saka marahang pumikit. Those half face is still pretty, he has a perfect pointed nose while having a kissable lips. Damn him! Why do God made a perfect sculpture like him? I'm sure kahit may maskara siya at kakaiba ang isa niyang mata ay gwapo pa rin siya. Mas nagmumuka pa nga siyang astig dahil doon. Bumibilis ang t***k ng aking puso sa tuwing pinagmamasdan ko ito. Ganito ba talaga ang epekto ng isang Kyohei River Rocketfellers?
Nagulat ako nang magmulat itong bigla. Kasabay ng pagkurba ng ngisi sa labi. Napahiya ako sa biglaan nitong pagmulat at nahuli niya kong pinakatitigan ang guwapo niyang muka.
"Hmm? Done checking me?"tudyo nito sakin na kinairap ko.
"The hell with your face!"wala sa sarili kong sambit. Sinamaan ako nito ng tingin na may kasama pang pag irap. Nagmuka siyang bakla dahil dun. Pero bagay sakanya hindi naman nakakarimarim kapag umiirap siya.
Nag iwas siya agad ng tingin at sumandal sa puno. Pinikit niya ulit ang mata niya na tila walang nangyari. Napabuntong hininga nalang ako dahil nakakaramdam na ako ng pagkaboring.
Para naman akong ewan dahil wala akong makausap. Nakakainis pa naman yung wala kang makausap kahit may kasama ka naman. Napakatahimik ng paligid.
Kinuha ko nalang ang mga libro ko at ang notebook para gumawa ng homework. Mas maigi ng gawin kesa matambakan. Minsan pa naman kahit matalino nakakaramdam din ng katamaran. Kaya yun nalang ang inasikaso ko kesa nganga ako. Nag update rin ako sa ginagawa kong libro sa Dreame. Marami na iyong reads at comments kaya mas ginaganahan akong magsulat. Bukod doon ay malaki rin ang kikitain ko dahil kasali ito sa super nova ranking at kabilang sa top 10. Bihira lamang ang mga nakakapasok na libro roon dahil pataasan iyon ng word count at paramihan ng update. Mabuti na lamang at masipag ako. Kaya hindi ako nagagahol sa pagsusulat at nangangarag. Nakaka apat na chapter na ako na may tag 2500 na words. Naging abala lamang ako roon.
Hanggang sa natapos ko ang isa pang chapter na ipapublish ko ngayong araw at nakatulugan ko na.
"Elyse, till we met again.."saad ng isang batang lalaki sa akin. Nandito kami sa park nila Mama at Papa. Iniwan muna nila ko saglit dito sa playground.
"Till we met again, Spade.."nakangiti kong sambit. Hindi ko maaninaw ang itsura niya dahil biglang dumilim ang palagid.
"wake up, sleepyhead.."may tumapik sa balikat ko na nakapag pagising sakin. Napakunot ang aking noo dahil sa panaginip na iyon. Sino yun? Spade? Why does my childhood memory comeback out of the blue?
"Tara na?"patanong na saad ko kay River. Tumayo na siya at tumitig sa kawalan bago ako tinalikuran. Kita mo hindi talaga siya gentleman! Iwan ba naman daw ako dito. Dali dali kong pinulot ang aking mga libro at notebook saka nilagay sa loob ng bag at naglakad takbo papunta sakanya. Kung bakit ba kasi sobrang laki ng hakbang ng mahaba nitong paa?
Ang unfair sa katulad kong may maikling binti.
Halos hingalin ako maabutan lang siya. Hindi naman ito nag aadjust sakin. I sighed.
"You're more human when your sleeping. In short, you look beautiful."aniya na kinatigil ko at kinabilis ng t***k ng puso ko. Parang may mga paru-paro namang nagliparan sa loob ng tiyan ko dahil sa sinabi niya. Bigla bigla nalang itong nagbibitaw ng mga salita na nakakapagpagulo sa sistema ko.
"How I'd wish that you're always sleeping..to look beautiful."tamad nitong sambit na nakapagpatigil sa kilig na naramdaman ko. Hudyo talaga ang isang ito! Nakakagigil! Bigla ba namang bawiin ang sinabi.
Inirapan ko nalang siya. At nagtuloy tuloy sa paglalakad. Nakakaasar talaga ang pagiging antipatiko nito. Sarap niyang ibaon sa lupa. Kaimbyerna!
Nakarating naman kami sa Science laboratory para gawin ang synthenziation ngayong hapon.
Kinamusta naman ako ng kaibigan kong si Zia.
"Kamusta, Elyse? Hindi ka naman pinahirapan ng Master mo? Hays. Nung nangyari ang aksidenteng matapunan mo siya ng pagkain ay nagviral talaga yun. Sikat ang pangalan mo sa buong Academy. Ikaw ba naman ang makatapon ng juice at sauce sa kinikilalang Prinsipe ng Luciferian Academy talagang mapapahamak ka. Buti nalang aksidente yun kung hindi baka nadetention ka."aniya na kinasimangot ko. Mabuti nalang talaga hindi ko sinasadya kung nagkataon yari ako sa management ng Academy. Hindi lang ito basta Prinsipe ng Academy kundi isang tunay na Prinsipe.
"Alam mo namang may namatid sakin e. Di ko talaga yun sadya. Nakakainis nga. Bakit ako pa?"katwiran ko sakanya na may kasamang reklamo. Tumango lang sakin si Zia at tinapik ako nito na parang nakikisimpatya sakin.
"Hays. Tara na nga marami pa tayong aasikasuhin hahanapin pa natin yung mga sangkap sa experiment."aniya na kinatango ko. Ngayon lang ako makakaiwas kay River dahil sa experiment at luckily hindi kami magkagrupo kasi siguradong iuutos niya lang yun sakin. Hindi ko pa rin makalimutan yung kanina kaya nababadtrip ako pag na-aalala ko. Ang sarap niyang ipatapon sa London Bridge.
"saan tayo unang pupunta?"tanong ko. Tapos sinabi niya naman na sa garden namin hahanapin ang petals ng red rose. Kaya doon kami nagtungo. Yun lang kasi ang pinaka malapit at pinaka madali. Kumuha lang kami ng ilang piraso saka bumalik na.
Nag enjoy akong kasama si Elyse at ang isa pa naming kagrupo.
"mamayang uwian nalang natin gawin para mas maaga tayong makapag pasa."saad ni Dana na tinanguan namin bilang pag sang ayon. Nagpaalam na ito samin dahil may gagawin pa daw ito sa Club nila. Hinayaan nalang namin ni Zia itong umalis dahil wala na naman kaming gagawin. Mamaya pa namin balak gawin ang aming takdang aralin bilang isang grupo. Kung tutuusin ayos lang dito parang ordinaryo lang din ang araw araw ko dito sa Academy. Maliban lamang sa pagiging alila ko.
Nang maghapon ay nagkita kami sa may Laboratory at napagpasyahan naming gawin ang group project bago umuwi sa Dorm. Si Dana na daw ang bahalang magpasa noon na sinang ayunan namin. Nang sumunod na araw ay nagkaroon ng Announcement sa Academy.
Hanggang sa italaga ng school ang biglaang pagsasara ng Academy at panatilihin kaming mga estudyante dito sa loob. Para daw magamit ang bagong gawang dormitory.
Mabuti nalang at nakalipat na ko noong umpisa palang ng pasukan. Kung hindi isa ako sa maabala at makakaabala sa kababiyahe balikan pauwi at papasok. Napakalayo pa naman sa tuwing uuwi at papasok ako. Nahingi na rin naman ng Administration ng school ang permiso ng aming mga magulang na binigyan naman nila ng pahintulot. Oo nga pala matagal na kong nakalipat sa Dormitory ng Academy pero sa luma ako nakapuwesto maglilipat nalang ako ngayon sa bagong gawa. Yung iba lang pala ang hassle dahil ayos na ko.
"Good morning, Elyse."bati ni Zia sakin. Humihikab akong bumati pabalik. Kami nga pala ni Zia ang magkasama sa dorm. Nag asikaso na kami ng umagahan pagkatapos ay nag gayak na para pumasok matapos naming gawin ang aming morning routine.
Nakapag ayos na rin ako ng gamit at nakapaglipat na. Kaya wala nakong problema. Nagpatuloy lamang kami ni Elyse sa paglalakad papasok sa Building kung saan kami magkaklase ngayong umaga. Tinuro lang samin ng Teacher namin ang tungkol sa Probability sa subject naming Statistics. Advance study kasi dito sa Luciferian kaya hindi na nakakapagtaka na pinag aaralan namin ito ngayon.
Probability sampling involves random selection, allowing you to make strong statistical inferences about the whole group. Non-probability sampling involves non-random selection based on convenience or other criteria, allowing you to easily collect data. There are five common types of non-probability sampling:
Convenience sampling.
Quota sampling.
Self-selection (volunteer) sampling.
Snowball sampling.
Purposive (judgmental) sampling.
The main difference between probability and non-probability sampling quizlet?
Probability sampling: Each member of the population has an equal probability of being sampled. This is required when you want to make precise statements about a specific population on the basis of your survey. Non-probability sampling: Unequal probability of being sampled. Quite common and can be very useful.
Nakinig lamang kami rito habang nagpapaliwanag at nagsusulat sa board.
Madami pa siyang sinabi at hinalimbawa. Naintindihan ko naman ang pinaliwanag nito at nakatama sa pinasagutan samin. Napaka bilis lamang magturo ni Sir Greg kaya magkakaroon na kami agad ng Quiz bukas tapos ibang topic na ulit ang ituturo niya.
Ayos lang naman iyon sakin dahil may notes ako at natatandaan ko ang tinuro niya. Sana lang ay hindi mahirap ang ibigay nitong Test bukas.