Malamig ang simoy ng hangin ngayong araw na humahaplos sa aking makinis na balat. I smiled at myself. At masayang pinagmamasdan ang napakagandang syudad ng London. Kitang kita rito ang nagtataasang gusali at maraming sasakyan. Marami rin ang mga nagkalat na tao sa paligid. The city looks lively. Pati ang mga taong nakatira ay may ngiti sa labi at hindi mababakasan pagkabahala dahil sa kanilang mga problema. I felt blessed and delighted. Even if we travel that long from one country to another. It was a very long and tiring day dahil kararating lang namin nila Mama at Papa dito sa London mula sa Greece. Dito ako lumaki at nagkaisip pero nalipat kami sa Greece dahil sa trabaho ni Mama at Papa. Samantalang dito naman sila pinanganak at nagkakilala. Kaya kahit anong gawin namin ay hinihila kami ng aming mga paa pabalik dito sa magandang lugar ng London.
Ako ay sa Hongkong pinanganak dahil nagbakasyon sila mama roon at doon na inabot ng panganganak nang ako'y ipinagbubuntis. Ako nga pala si Charm Elyse Montefiore, 18 years old transferee ngayong grade 10 sa Luciferian Academy. Napakaganda kasi ng school na ito at kilala maging sa ibang bansa. Kaya dito ko ninais pumasok. I want to experience the privelege of studying in a high class Academy. Madami kasing matutunan rito at mas mabilis akong matatanggap sa College once na dito ako nag aral. Nasa top list kasi ang school. Kaya labis ang saya na aking nararamdaman maisip pa lamang na doon na ko papasok kinabukasan. Sino ba namang hindi maeexcite kung sa eskwelahan ng mga kilala sa lipunan, mayaman at sikat na tao ka papasok para mag aral. Bihira lamang ang mga nakakapasa roon kaya napakasuwerte ko na dahil isa ako sa mapalad na nakapasa sa Entrance Exam nila last month. Kaya after ko mag exam ay bumalik ako sa Greece. Para sabay na kami ng aking mga magulang umuwi. Nagstay lang ako noon sa isang Hotel malapit sa Academy. Dahil sobrang strict ng Academy pagdating sa oras ng examinations schedule. Hindi pwedeng malate dahil hindi kana papasukin sa loob ng Examination room. Medyo malayo ang bahay namin sa Academy kaya hindi ako nagstay rito.
Dumiretso na ko sa aking magiging silid. Madami pa kasi akong aayusin.
Inaayos ko ang aking mga gamit pagkarating na pagkarating namin. Pero hindi pa ako tapos may iba pa akong dapat i-arrange. Habang pagod na nakasandal ang aking likod sa gilid ng kama. Nanakit na ang aking likod at balakang sa pangangalay. I prayed.
Sana maging maayos ang lahat. Kinakabahan ako dahil noong June 5 pa nagsimula ang enrollment pero bukas ang umpisa ng first day of school. Mabuti na lamang at kumpleto na ko sa requirements na ipapasa sa school. Hindi kami mayaman, may kaya lang. Isang architect si Papa at isang College professor si Mama. Kahit na busy sila hindi naman sila nagkukulang ng pag aalaga sakin at pagmamahal. Naglalaan pa rin sila ng oras para hindi ako magtampo o mag isip ng kung ano ano. I have a very strong family relationship. Solid ang pagmamahalan nila Papa at Mama tipong kahit anong pagsubok pa ang dumating ay hindi iyon natitibag. Kahit gaano pa karaming nagkakagusto sakanila ay hindi nila pinapansin para lang wag masira ang tiwala ng bawat isa. Kahit napakaraming tukso at hindi pagkakaunawaan. Nanatili silang matatag at naninindigan. Bagay na labis kong hinahangaan sa mga ito.
Nangangalahati na ko sa pag aayos ng gamit sa cabinet nang may kumatok. Saglit akong natigilan roon.
"Elyse, nakahanda na ang inyong hapunan. Naghihintay na ang iyong ama at ina sa hapag. Bumaba kana para kumain."narinig ko ang boses ni Manang ang tagapangalaga ng bahay namin.
"Sandali lang ho. Tatapusin ko lang ito. Saka maliligo para maibsan ang panlalagkit ng aking katawan. Susunod na ho ako."sambit ko. Hindi na naman siya nagsalita. Kaya mabilis kong tinapos ang pag aayos saka nagtungo sa CR bitbit ang aking susuotin. Inayos ko ang jacuzzi at nilagyan ng green tea liquid bath soap. Nagbabad ako ng ilang minuto at nagkuskos. Napakasarap talagang maligo lalo na at nanlalagkit na talaga ako kanina pa. Hindi ako sanay ng ganito ang aking katawan. Nagtagal pa ako roon ng labinglimang minuto bago nagpasyang magbanlaw na.
Matapos maligo ay agad nagbihis ng pangtulog. Saka ako bumaba papunta sa dining hall kung saan nandoon sila Mama at Papa na masayang nagkukuwentuhan. Parang may humaplos sa aking puso habang pinagmamasdan ko ang aking mga magulang. Napakasuwerte ko dahil meron akong kumpletong pamilya at buhay pa ang aking mga magulang. Samantalang ang iba ay wala na.
Seryosong tao si Papa pero may oras na palangiti ito at nakakabiruan talaga. Si Mama naman ay palabiro din pero may oras na masungit ito.
Naabutan ko silang nagkukuwentuhan ng mga bagay na kinamiss nila dito sa London ganoon din ang trabaho nila sa dating lugar. At ang papasukan nilang kompanya na magkasama. Ang KR Corporation na may malaking sakop na business all over the world. Kung sino man ang may kanya ng kompanyang iyon sigurado akong sobrang yaman nila. Dahil nakikita ko iyon madalas sa mga trending news at social media. Napakaraming article na nagtatalakay ng net worth at projects na ginagawa ng KR Corporation. Napakasuwerte ng tagapagmana noon.
Humalik ako sa pisngi ng aking mama at papa. "Tila natagalan ka yata? Anak."sambit ni mama saka pinaglagay ako ng ulam at kanin sa plato. I smiled at her. Saka naupo sa bakanteng silya. Kahit na laki ako sa ibang bansa ay marunong ako ng wikang tagalog. Dahil minsan na kong sumama sa business trip nila mama sa Cavite, Philippines noon. Isang buwan rin ang itinagal namin sa lugar at hindi ko akalain na matututo ako ng malalalim na tagalog. At nakagawian na naming mag usap sa wikang tagalog.
"naghalf bath pa po ako. Naalibadbaran kasi ako, ma. Ang lagkit ng katawan ko."turan ko saka nagsimula ng kumain. Sobrang sarap talaga ng luto ni Mama at Manang. Pakiramdam ko ay marami akong makakain ngayong gabi. Nagkuwentuhan lang ulit sila about works and some stuffs na di ko na inintindi hanggang sa magsalita si Papa.
"Bukas kana papasok. Mag aral kang mabuti, anak. Huwag kang magpapasaway sa eskwelahan."bilin nito na tinanguan ko lang. Malinamnam ang pagkakaluto sa ulam at sakto lamang ang pagkakaluto ng kanin. Bagay na mas lalong nakakagana sa tuwing ako ay nakain.
"Sumabay kana sa Papa mo bukas, Elyse. Mauuna siya sakin. Magpahatid kana sa school. Marunong ka na namang mag enroll kaya mo na yan. At kung may problema tumawag ka lang samin anak."bilin din ni Mama na kinatango kong muli. Nagmumuka na kong patango kakatango e. Hays! Gusto ko talaga manahimik sa tuwing nakain ako. Mas naeenjoy ko kasi ang pagkain kapag ganoon. Mas mabilis akong nabubusog.
Matapos kumain ay nagpaalam nakong pananaog na sa aking silid. Ngumiti naman sila at humalik sakin. Nagpahinga lang muna ako saglit dahil kakain ko lang ayoko namang sikmurain kapag natulog ako agad. Nagswipe lang ako sa social media at nagbasa ng mga random posts roon. Lagi ko iyong pinagmamasdan para hindi ako mahuli sa trend. Nakinig rin ako ng music video. At halos pumungay na ang aking mata sa sobrang antok. Mabilis akong nakatulog dala ng matinding pagod.
Kinabukasan...
Maaga akong nagising para mag asikaso. Tinulungan din ako ni Manang kaya hindi hassle. Nakahanda na lahat ng aking dadalhin at baon na pera. Nagbreakfast na rin ako ng bacon and egg with fried rice bago ko humalik kay Mama at sumabay kay Papa paalis. Para hindi na ko gumastos sa pamasahe at mahuli sa unang araw ng pasukan. Alam ko namang hindi pa agad magkaklase dahil puro intro ang magaganap.
Nung biyahe hindi ako natulog. Pinagmasdan ko ang magandang kapaligiran sa London. Sobrang ganda pa rin talaga nito. Dumaan kami sa London Bridge papunta sa school. Ihahatid daw muna ako ni Papa bago siya pumasok sa trabaho. I nodded my head in response. Sobrang laki ng London kaya naman maraming nawiwiling turista ang nagpupunta dito. Marami ring magagandang lugar na puwedeng pasyalan at kainan.
"Mag iingat ka doon, Elyse. Wala kami ng Mama mo para bantayan ka pero tandaan mo nandito lang kami lagi para sumuporta sayo."paalala ni Papa na kinangiti ko. I am so lucky to have them. Dahil sila ang walang sawang sumusuporta sakin. I am grateful to God because He gave me a supportive parents like them.
Sobrang high standard ng Luciferian Academy. Sobrang mahal din ng tuition. Ang alam ko Armani ang uniform namin, skirt at blouse na may coat pang kasama. Ganoon din sa lalaki ang pants at style ng uniform ay talaga namang branded. Kaya puspusan sa pagtatrabaho sila Mama at Papa ngayon para lang doon sa uniform ko. Nahihiya nga ako sakanila dahil doon. Pero sinabi nilang wag ko masyadong problemahin basta para sa magandang kinabukasan ko gagawin nila ang lahat para maibigay ang aking pangangailangan.
Kaya nga laking pasasalamat ko dahil ngayong taong ito ay nag offer ang school ng Scholarship. Mababawas bawasan ang intindihin nila at hindi sobrang bigat sa bulsa ng gastusin. Gagawin ko nalang ang lahat para hindi bumaba ang aking grado.
Naalala ko ang sinabi ni Papa noong isang buwan. Bago ako umalis mag isa para umattend ng Examination sa Luciferian Academy.
"Galingan mo, sa Scholarship Exam. Pinagsabay na nila ang magiging Exam mo sa Entrance at Scholarship Exam kaya siguradong magiging mahirap din ang pasulit saiyo."saad ni Papa.
"Don't worry, Pa. I'll do my best to pass."nakangiti kong saad. Tumango siya at ginulo ang aking buhok na kinasimangot ko.
Dumating kami sa Luciferian Academy ng saktong 7 am. Sinalubong kami ng guard at inassist ako sa loob. Hindi ko na kasama si Papa dahil nagmamadali din siya. Hanggang sa ako nalang ang pumasok sa loob.
Nalula ako sa taas ng mga building ng Luciferian Academy. Halos lahat high end, gawa sa fiber ang mga salamin. Maging ang mga bench at ang rotonda na may malaking solar system. Hindi rin nawala ang logo ng school na nakabandera sa mismong harapan. Ang anghel na si Lucifer ang naroon. Labis akong namangha sa magandang dekorasyon ng Academy. Agaw pansin iyon sa pagpasok palang.
Pinagtitinginan ako ng mga estudyante dahil ako lamang ang natatangi. Lahat sila ay nakasuot na ng uniform samantalang ako ay nakacivillian pa lamang. Nakaramdam ako ng matinding kaba.
Maglalakad na sana ko ng nakayuko. Dahil nakaramdam ako ng panliliit at hiya nang may pares ng sapatos na huminto saking harapan. Dahan dahan akong nag angat ng tingin at nakita ko ang babaeng may mahabang itim na buhok. Tuwid na tuwid ito, may bangs din siya. Maganda siya dahil maamo ang kanyang muka. She smiled at me.
"Hi! You're the transferee right? I am Zia Montenegro kabilang sa School Committee pinadala ako dito ng Principal para sunduin ka at iassist sa kanyang opisina. Welcome to Luciferian Academy!"masigla niyang saad habang nakangiti. Tumango ako at nagpakilala.
"Charm Elyse Montefiore.."nakangiti kong nilahad ang aking kamay na agad niyang tinanggap. Saka kami nagsimulang maglakad papasok. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil siguro bago ako at kilala si Zia.
"nag election na?"taka kong tanong.
"nope. Pero pansamantala kami munang nasa high ranking na Elite ang inassign as a School Committee."aniya na kinatango ko. Halata naman sa kutis at tindig ni Zia na anak mayaman siya. Muka siyang anghel sa itsura niya.
Pagkarating sa tapat ng opisina kumatok si Zia sa pinto.
"Come in!"sigaw ng nasa loob. Pumasok kami doon at sinalubong ako ng malamig na atmosphere dahil naka aircon ang office. Nakaupo sa table ang matandang babaeng Principal na nasa 50's na ang edad. Nakangiti ito ng ilahad sa amin na maupo na kami. I nodded at naupo sa nakalaang upuan.
"Goodmorning, Miss Montefiore. Mabuti na lamang at pumasok kana ngayon. Dahil kung bukas pa baka hindi kana makaabot sa unang araw ng klase. "aniya saka sinipat ako. Tumango lang ako sakanyang sinabi.
"Sana mag enjoy ka sa eskwelahan once na magsimula kanang pumasok rito. Here's the form pakifill up nalang then puwede kanang magpunta sa next destination mo."aniya saka inabot sakin ang tatlong long paper. Result iyon ng exam namin last month saka ang biodata na kailangan kong sagutan. Napakabait ng Principal na ito hindi kagaya ng iba na ubod ng sungit. Napakagaan tuloy sa pakiramdam. Sana lang ay tuloy-tuloy na.
Kinausap niya naman si Zia na pumasok na sa klase after ako maitour sa buong eskwelahan. I smiled at them nang makatapos magfill up. Inabot ko iyon sa Principal at hinintay si Zia para samahan na ko sa tour. Sikat talaga ito kaya marami ang bumabati at ngumingiti sa tuwing makakasalubong kami. Zia is really friendly. Kaya marami ang natutuwa pag nakikita siya.