Flashback...
Natapos ang Exam ko na agad ding chineckan ng Assistant ng Principal.
English 39/40
Math 38/40
Science 38/40
At ganoon din sa iba pang subject. Halos di bumababa ng 37 ang score ko. Kaya naman pasado ako sa scholarship at Entrance Exam. I am so happy!
End of Flashback...
Kinongrats naman ako ng Principal after niya kausapin si Zia.
"Congratulations, Miss Montefiore saksi kami saiyong katalinuhan. Batid namin na isa ka sa mga estudyanteng mag eexcel sa klase at lubos na maipagmamalaki ng LA. Nawa'y pagbutihan mo pa lalo. Eto ang schedule mo at ang section mo ay nakalagay na rin dyan. Bahala na si Zia saiyo, since siya ang naatasan ko."aniya saka binigay sakin ang schedule ko. Tinanggap ko naman iyon ng may ngiti sa labi.
"Eto nga pala ang School Book kung saan nakalagay ang Rules and Regulations ng eskwelahan. Naipaliwanag ko na rin naman ito saiyo pero mas maganda kung meron kang kopya. Sigurado naman akong ipapaliwanag din saiyo ni Zia ang mga bagay bagay tungkol dito."saka siya bumaling sa kadarating lang na si Zia galing kasi ito sa labas dahil naiwanan daw ang kanyang mobile phone sa classroom. Lumabas siya para kunin iyon.
"Zia, bago mo siya itour sa buong eskwelahan nais kong samahan mo muna siya sa Dining Hall para kumain."turan nito na kinatango lang ni Zia. Nakahinga na ko ng maluwag. Nakakain na naman ako kanina bago umalis ng bahay pero recess na kasi kaya nakaramdam ako ng gutom.
Nagpaalam na kami sa Principal bago tumulak palabas. Ang daming kinukwento ni Zia about sa achievement ng school maging ang ilang karagdagang impormasyon ukol sa patakaran. Kaya mas naliwanagan ako sa mga iyon. Dahil magaling magpaliwanag ang babae.
Madaldal na babae si Zia kaya naman nakakatuwa siyang kasama. Friendly siya at mabait. Kaya nga umpisa palang naging close na kami. Komportable akong kasama at kausap ito.
"I can be your friends, Elyse!"aniya sa masiglang tono na kinangiti ko.
"Syempre naman!"sagot ko sakanya na kinatuwa niya. Maraming tao ang napapatingin samin dahil kasama ko si Zia. Napag alaman kong sikat siya sa buong Campus dahil maraming bumabati at pumupuri sakanya.
Maraming estudyante ang Luciferian Academy at karamihan anak mayaman base sa kilos at pananalita. Bagay na bagay sakanila ang Armani na uniform. Sakin kaya bagay din yun?
Bukas na nga pala ko makakapagsuot ng uniform dahil mamaya pa dadalhin sa bahay. Excited nakong magsuot ng uniform. Ang cool kasi tingnan kapag suot mo na. Gaya ng mga nakikita ko sa mga estudyante ngayon.
Nagpunta na kami sa Cafeteria ng eskwelahan para kumain. Napakalaki at napaka ganda ng Cafeteria. Kumpleto iyon sa gamit at tila isang Royalty Dining Hall. Sa sobrang kaelegantehan ng itsura. Umorder lamang ako ng Italian Spaghetti at Spanish Bread. Si Zia naman ay umorder ng Carbonara. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lamang kami ngayon dahil kumakain.
Natitigilan ako kapag may bumabati kay Zia.
"Goodmorning, Lady Zia!"bati ng mga ito sakanya.
"Maganda ka pa sa umaga, Lady Zia."
"Ang ganda mo talaga, Zia."
Tanging ngiti at pasasalamat lamang ang sagot ni Zia sa mga papuring iyon.
"Hayaan mo sila. Wag mo silang pansinin. Halika na.."yaya niya matapos namin kumain. Sinundan ko lang siya. Hanggang sa sabay na kaming naglalakad.
Nilibot namin ang buong Academy. Kulang ang apat na oras para malibot ang Academy mabuti nalang excuse ako at si Zia kaya walang problema. Saka more on introduce yourself lang naman ngayon. Hays. Sigurado akong kapag pumasok na ko mismo sa klase ay solo na. Nakakainis talaga.
Ayoko pa naman nun. I sighed.
Hindi kasi ako nakapunta nung nag intro sa buong school kaya late akong natour. Pero ayos lang. Its better to be late than never.
"This is the gym.. At doon naman ang locker room."turo ni Zia sa malaking gymnasium at sa bandang dulo ay may malawak na locker room.
Marami pa siyang sinabi na tinandaan ko naman para hindi ko na paulit ulitin si Zia. Isa pa, may photographic memory ako kaya malabo kong makalimutan.
Siguro kung nasa rooftop ako at titingin ako sa baba sobrang nakakalula. Jusko! Baka ang tingin sa mga tao sa baba ay para lang langgam.
Nagpunta din kami sa pool area kung saan ginaganap ang swimming tuwing PE. May subject din kasi kaming swimming at volleyball. Meron ding folk dance at kung ano ano pa. As in more than 10 lahat ng tinetake kapag dito ka sa Luciferian pumasok. As in advance sila magturo kaya nga high standard ang paaran ng academics nila. Kahit mahirap kakayanin para sa magandang kinabukasan. Dahil di lahat biniyayaan ng pagkakataong makapag aral sa ganitong klaseng eskwelahan.
"Yun naman ang garden. Pwede ka dun pumunta kapag vaccant. May mga do's at don't ka lang na dapat gawin at iwasan nasa school book naman yun. You should read that para aware ka sa environment."aniya na tinanguan ko lang. Tinuro niya din ang Science Laboratory kung saan ginagawa ang mga synthenziation at kung ano ano pang experiment about Science.
Pinakita niya din ang Conference room, Music Room, Theatro Club room at marami pang ekek. Tipong mapapanganga ka nalang talaga sa dami ng clubs at pakulo ng school. Kumpleto pa sila sa Utility. May National Bookstore pa nga sa loob ng Academy saka Mini Mall na sobrang gagara ng nakadisplay sa mga store. Parang SM lang din yun nga lang mini pa sakanila yun kahit sobrang laki na at napakalawak. May Game Zone ka din na halos lahat ng laro nandoon na. Siguradong marami ang nawiwili pumasok rito dahil sa itsura ng Academy. Kumpleto na kasi lahat.
In this Academy, allowed ang bar at bilyaran. Pero may oras na nakaassign kung kelan lang pwede pumunta doon.
Sabi ni Zia may twin lakes daw sa loob ng Garden at sa dulong bahagi nito ay may water falls. As in river, na nakakarelax talaga. May mga kubo doon na pwedeng mag aral ang estudyante o matulog. Bukod doon nakabukod ang pinaka malaking library sa buong mundo. Its look like some library in the movies na may nagtataasang bookshelves partida may second floor pa yun.
Nakabukod din ang Computer Laboratory, like what I've said advance sila magturo kaya may subject kaming Computer na parang sa IT student na curriculum na daw binase. May Psychology din kaming subject like duh, pati ba naman yun sinama pa nila. Maganda naman iyon kaya lang hindi ako mahilig sa Psychology.
"Tara na, Elyse pasok na tayo sa last subject ngayong umaga. Sayang din yun."aya niya sakin kaya tumango ako at sumunod kay Zia. Since same lang pala kami ng schedule.
Sa susunod na araw daw gaganapin ang Election for Class officer kaya naman wala pang nag oorganize ng klase kundi mga guro.
Ang subject namin ngayon ay MAPEH, more on music muna daw kami bago ang Arts at PE hay nako.
Napalingon ako nang magsalita ang guro namin ngayon.
"Good morning, Class! Welcome back to school! Anyway, balita ko nandito sa Section niyo napunta ang isa sa matalinong estudyante. Where are you? Can you introduce yourself? Miss?"saad ni Sir Villamor. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Halos marinig ko na ang t***k ng aking puso sa sobrang lakas noon.
"Goodmorning Sir, Charm Elyse Montefiore is the name."magalang kong sambit.
"Goodmorning, classmate. You can call me, Elyse for short. I am 18 years old from Greece. I hope we become friends."nakangiti kong saad. Ang iba sakanila ay tumango ang ilan naman ay ngumisi. Yung ngising nakakakilabot, ang creepy. May ilang walang pakielam. Mas ayos pa yata kung wala nalang silang pake.
"Nice to meet you, Elyse. Sana ay marami kang matutunan sa klase ko. Gayundin ang mga mag aaral na noon pa ay dito ng nag aaral sa LA. Now, get one fourth sheet of pad paper and answer these questions on the board."aniya saka nagsulat na si Sir about sa Bio Data. At pinapasa niya yun samin matapos namin sagutan.
Since, first day of school walang ginawa kundi magpakilala sa harapan. At nakakaumay na ang getting to know each other sa pamamagitan ng paglalaro. May ilan pa daw na di nakakaattend ng first class. Ang dami na kaya namin. How come?
Nilingon ko si Zia na abala sa pag aayos ng kanyang gamit.
"Zia, sabay tayo maglunch later. Kung okay lang?"nahihiya kong sambit. Saktong nagbell na for lunch break. Tinapik niya ko sa balikat saka ngumiti ng matamis.
"why not? Wala naman akong kasama. Simula ngayon sabay na tayo lagi."aniya na kinatuwa ko. Niyakap ko siya at ganoon din siya sakin.
Pagdating namin sa dining hall sobrang dami ng estudyante. Mabuti nalang meron ditong card na ginagamit at luckily, meron ako bilang scholar. Tipong libre lahat ng kakainin ko sagot na ng School. Samantalang ang mga elite gaya ni Zia ay mula sa dineposit ng kanilang magulang. Black card ang akin samantalang ang kanila ay golden means kasama sila sa elite. Ang astig nga noon e. Makikita mo talaga ang pagkakaiba ng level at status ng bawat estudyante.
Nagkasundo kami ni Zia sa lahat ng bagay. Niyaya niya rin akong sumali sa club nila. Kaya pumayag ako. Panghatak rin iyon sa grades. Basta hindi nakakaabala sa pag aaral ko Go ako.
Nagpunta kami sa Club nila. Novel Club iyon kung saan maraming estudyante ang nagsusulat ng magagandang istorya at pinapublish sa school. Kasali iyon sa platform ng Dreame at g********l kaya kumikita ang lahat ng miyembro nila. Sobrang interesting ng club dahil marami na ang estudyante kumikita sakanila. Depende iyon sa buy out, ranking, exclusive or non exclusive. Si Miss Khala ang Assistant Editor ng Club. Nurse ito sa Academy. Siya ang nagpapa-approved ng mga libro sa management ng Dreame at si Miss Analia naman ang sa g********l. Napakabait nila pareho at hands on sa bawat miyembro ng Club. Kitang kita ko ang effort nila sa pag assist sa mga writer na estudyante ng Luciferian Academy.
Lumapit kami ni Zia sa mga ito. Nginitian naman ako ng dalawang Assistant Editor kaya nginitian ko rin sila pabalik. Saka kami nagpakilala sa isa't isa.
"Miss Khala at Miss Analia, transferee po. At gustong maging miyembro ng Club." magalang na sabi ni Zia. They both nodded.
Saka nagpakilala. "Hello, I'm Khala Castro by the way. Assistant Editor sa Stary Writing na pinapublish sa Dreame Novel." pakilala niya ng nakangiti. Nilahad nito ang kanan niyang kamay kaya tinanggap ko iyon ng may ngiti sa labi.
"Nice to meet you po, miss Khala. I am Charm Elyse Montefiore." nakangiti kong sabi rito at nakipagkamay. "Hi, Elyse. I am Analia Faith, Assistant Editor of Good Novel." aniya kaya napalingon ako rito. Saka ngumiti at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. Tinanong lang nila ko if meron akong sinusulatang platform. I said yes at sinabing sa w*****d. Kaya hiningi nila ang link ng aking profile doon at chineck ang mga publish story ko. Si Miss Khala ang nag nag orient sakin about sa Dreame. At kung magkano ang ibibigay per book. Kapag exclusive at non exclusive. Naintindihan ko naman iyon at sinabing ayos lang sakin. Sinabi niya rin ang katumbas na pera ng bawat ranking na mapapasukan ng libro na maipapasa ko. Ganoon rin kay Miss Analia. Magkaiba lamang sila pagdating sa Bonus.
"Gusto mo ba?" aniya na kinatango ko naman. Magandang opportunity kasi ito para sakin. Dahil makakaipon ako at hindi na ko masyado aasa sa pera ng aking mga magulang. Ayoko kasing iasa sakanila lahat. Naawa rin ako sa mga ito.
Naging ayos naman ang aming pag uusap at mamayang gabi ko sisimulan ang pagdadrafts at pag gawa ng contract requirements. Isesend ko muna iyon kay Miss Khala bago ko ipublish sa Dreame na Apps. Ichecheck niya pa kasi iyon at aayusin kung kinakailangan para makapasok sa kontrata. Mabuti nalang at may editor hindi na ko masyado mamomoblema sa mga story na ipapasok ko. Kumpara ng wala. Wala rin akong sasahurin as book payment for sure. Mas maeenjoy ko talaga ang pagsusulat dahil may mga kasama ako. Nakakainspired rin makita ang mga sinasahod nila at achievement.
After namin mag usap ay sinabi nilang pumunta na lamang ako doon kapag gusto ko magsulat sa free time ko. Open ang Club everyday. I nodded my head bilang sagot at nagpasalamat ako sa oras na iginugol nila saka nagpaalam na sakanila.
"Sige, ask mo lang kami sa social media if you need anything o may katanungan ka. Feel free to ask." dugtong pa ni Miss Khala. Tumango ako at ngumiti.
Umalis na kami ni Zia para pumasok sa sunod na subject.
Nang mag gabi ay nagfocus lang ako sa pagsusulat at ipinasa iyon kay nila Miss Khala at Miss Analia. Nagsimula na kong maging writer sa Dreame at g********l. Hinintay ko nalang ang approval noon.