FIRST PART

3278 Words
HEESEUNG POV Mula sa pwesto ko ay kita ko ang lolo ko na nagaararo sa gitna ng palayan namin. Napabuga ako ng hangin at kinuwa muna ang salakot ko para pang protekta sa init. "Pay ako na ho dyan! Mag pahinga na ho kayo doon sa kubo" Saad ko ng tuluyang makalapit sakanya Nginitian lamang nya ako at tinapik ang balikat ko "Tapos na ba Ikaw mag meryenda?" "Opo kaya sige na ho mag pahinga na ho kayo doon" "Ang mamay mo?" "Nasa may baryo ho at namimili ng pagkain para sa hapunan mamaya" Napatango sya at muling tinapik ang balikat ko bago ako iwan sa gitna ng sakahan. Matanda na sila at ako nalang ang meron sila, lumaki ako na sila na lamang ang kasama. Si mama at papa ay parehong nasa ibang bansa, hindi naman sila nagkulang sa sustento sa akin pero sa pagmamahal? wala naman na din sa akin iyon dahil napunan iyon ni mamay at papay. "Pay nakarating na ba sayo ang balita??" Nawala ang atensyon ko sa pagaararo ng marinig ko si mang berting na kasalukuyan na ngayon nakaupo sa tabi ni tatay sa may kubo. "Ano nanaman ba yon?" "Ipapadala daw yung apo ni don lucio dito" Saad nito kaya mas lalo akong tumigil sa ginagawa at nakinig sakanila "Parang naka disgrasya ata sa maynila at kailangan munang pahupain kaya pansamantala na dito muna daw" "Kasama ba ang mga magulang?" "Ayon ang hindi ko sigurado" Kumunot nalang ang noo ko at hindi na nakinig pa sakanila. Hindi ko din naman sigurado kung sino sa apo ni don lucio ang mananatili dito. Wala din naman akong pakialam. Nang matapos sa ginagawa ay dali dali akong tumakbo patungo sa kubo para mag pahinga at ipaypay ang saro sa sarili. Tirik na tirik ang araw pero sanay naman na ako. "Ke kasig naman ng batang ire oh" Saad ni mang berting na ikinatawa ko lang "Naiintindihan ko ang mga kadalagahan kung bakit mga baliw sa iyo ang mga yon. Kailan mo ba kasi balak magkaroon ng kasintahan ha?" "Mang berting naman tapusin ko muna kolehiyo ko" Sagot ko at ngumiti sakanya "Sabagay isang taon nalang naman ano?" Tumango ako sa kanya. Habang nag sisyeta ay naramdaman ko ng marahan tapikin ni tatay ang balikat ko dahilan para lingunin ko sya. "Ayang tiyo berting mo wag mong pansinin ang pinagsasabi nyan. Tapusin mo Ang pagaaral mo" "Opo tay, magtatapos ako" "Ayy talaga to si pay! Kaya siguro di nagkaka nobya to" "Wala padin kasi sa isip ko mang berting" Natatawang anya ko "Aral muna" "Tama yan bata ay nga pala. Naalala mo yung apo ni don lucio noon? Yung batang lalaki na englishero?" Nawala ang ngiti ko pero hindi ko pinahalata at tumango na lamang "Ano hong meron sakanya?" "Naka disgrasya daw sa maynila at balak ipatapon dito" "Ano daw ho bang ginawa?" Kunwari walang pake kong sabi at kumuwa ng tinapay na nasa pagitan namin ni tatay "Ang balita ko ay nakabangga ata basta ayon yung narinig ko." Napatango nalang ako. Gasgasero talaga ang isang yon. "Oh nga pala sa manila ka nag aaral diba? Hindi ba kayo nagkikita non?" Nalunok ko ng buo ang tinapay dahil sa bigla nyang tanong nayon. "H-Huh?" "Umuuwi ka lang naman dito sa probinsya kapag bakasyon. Hindi ba kayo nagkikita ng batang yon?" "Lagi ho lang akong nasa dorm ko eh" Sagot ko uminom sa kape ni tatay "Tyaka hindi naman na ho kami close non" "Ay ganon" Tumango na lamang ako at muling nagpaalam na itutuloy na ang ginawa ko kanina. Ano nanaman ba ang ginawa mo ngayon Jake? —- Nagising ako dahil sa walang tigil na sigawan sa labas. Ang sakit pa ng katawan ko dahil sa kahapon pero mas sumasakit ata ulo ko dahil naririnig ko ang matinis ng boses ng tao nayon sa labas. "Lo c'mon! Don't fuckin leave me behind! I don't want to be here!" "It's for your sake, Jake. You need to lay low for now then when summer is already done you will be back in manila with heeseung" Napabuga ako ng hangin ng marinig ko ang pangalan ko. Sabi na damay ako dito eh. "And who tf is that? Gosh lo! Listen to me naman oh! That guy is the first one who hit my car and i just make revenge" Ayaw patalo talaga at talaga ba? Hindi na nya ako matandaan? "Jake apo just please behave here! You'll enjoy your summer here." "No! All my friends is in manila so how can i fuckin enjoy my summer here?! Please take me—' Sa irita ko dahil sa tinis ng boses nya ay padabog akong tumayo at binuksan ang pinto dahilan para tumahimik sya at lingunin ako. "Maganda umaga ho, don lucio" Bati ko sa matandang prenteng nakaupo sa kahoy na upuan namin Si Don Lucio at si tatay ay matalik na magkaibigan. Kilala si tatay dito sa probinsya at lalo na si don lucio. "Magandang umaga din hijo" Bahagya akong ngumiti bago pinagtuunan ng pansin ang binata na to ngayon na kitang kita ang pagiging mataray sa mukha "Meron ho bang problema? Ke aga aga sumisigaw ka? Hindi mo ba kayang magsalita sa mahinahon na tono?" Nakita ko ng kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko pero hindi sya nagsalita at inirapan lamang ako. "Lo please! Just take me hom–" "Bakit hindi ka muna maupo at makipagusap sa lolo mo ng maayos?" Singit ko ulit dahilan para muli nyang akong tignan ng masama. Si tatay naman na nakikinig lamang ay tumayo na at lumapit sakin "Kumalma ka apo." Ngumiti ako sakanya at hinaplos ang kamay nya na nakahawak sa braso ko "Kalmado ho ako lo" "Who the f**k are you ba? Stop being pakielamero nga" Maarteng saad nanaman nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Senorito Jake maari bang umupo ka muna at makipagusap ng maayos sa lolo mo?" "I said stop being pakielamero" "UPO." May diin sa tono na saad ko at naglakad palapit sakanya "And who do you think you are to command me?" Saad nya at hinarap din ako "You're just one of my lolo's slaves here so why would i listen to you?" Nag igting ang panga ko dahil sa sinabi nya. Nilingon ko ang lolo ni Jake bago sya muling tignan. "Baka hindi nasabi sayo ni don lucio na sa pamamahay ka namin mag stay buong summer? Alam mo ibig sabihin non? Wala kang karapatan na mag reklamo at pakitaan ng ugali mong yan, Senorito Jake. Hindi uubra sa akin yang pagiging spoiled brat mo" Oo. Bago pa siya makarating dito ay kinausap na ako ni tatay at ni don lucio. Sa cellphone palang ay sinabi na ni Don Lucio na akong bahala sa apo nya. Gusto ko sana maging mabait pa sakanya at pagaanin ang pananatili nya dito pero kung ganitong ugali ipapakita nya sa akin ay pwes pasensyahan kami. "Heeseung apo…" Nakipagtitigan lamang sya sa akin ng matagal at ganon din ginawa ko. Ang lakas ng loob ng nya hindi ako matandaan? Pwes papaalalal ko sakanya lahat. "I will leave now, Jake. Please behave" "So you will really dump me here? Lo!" "It's for your sake" "Sake my ass! I hate you all" Sigaw nya at biglang lumabas ng bahay. Sinundan ko lamang sya ng tingin hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Ang isang yon. Hindi na talaga sya nag bago. "Heeseung" "Don lucio" Agad kong nilingon ang matanda at bahagyang yumukod "Pasensya na ho sa asal ko kani–" "Tama lang yon hijo. Dapat ay minamanduhan talaga ang bata nayon. Pay pasensya kana at mukhang kailangan nyong tiisin ang ugali ng apo kong yon" Ilang beses na umiling si tatay at tinapik sa balikat si don lucio "Ay wala namang problema sa akin yon kasi nakasama ko nadin ang batang yon noon pa" "Maraming salamat" "Kami nang bahala kay Jake" _______ JAKE POV [GOSH I HATE MY LOLO SO MUCH! HE REALLY LEFT ME NOW HERE SA PROVINCE!!] Sunoo: Well it's your fault why are you here though haha next time be careful kasi. Jake: In my defense, I just make bawi lang naman ha??! Sunoo: But your bawi is too much, Jakey. Did you know that won is now looking for you? I swear hindi nya palalampasin ang ginawa mo. Jake: Lol kaya ko syang tapatan ano. Sunoo: C'mon just enjoy your vacation and not sure pa ha pero baka i will visit you dyan. Jake: OMG FR?? AWW LABYU. Sunoo: For u haha Jake: Okie! Btw, remember the guy I told you before? Sunoo: Which one?? Jake: Uh nevermind haha see you nalang here and you'll find who I am talking about. Sunoo: Gosh pabitin!!! I smirked and put my phone away. I feel so sticky na so i get up from my hard bed gosh yah it's so hard!! Like wala ba silang kama here? It's so uncomfortable! Palabas sa sala ay ang sumalubong sa akin ay ang apo nila na si heeseung. This guy is really getting on my nerves. Seriously? Ang init init pero here he is in their living room and drinking coffee? "Hey" He just give me a glance and didn't mind me at all. He continues on watching their TV's as if i didn't call him. "Yah i call you! Didn't I?" "Tawagin mo ko sa pangalan ko" Tanging saad nya Napairap ako "I don't even know y–" "Talaga? Okay" I sigh irritatedly and tump my feet "Hey! Ready my bath for me! I need to take a shower" "Shower sinasabi mo? Doon mag igib ka sa poso at kung ayaw mo mag igib pwes doon sa batis" Napamaang ako sa sinabi nya "What?" "Anong what? Kumuwa ka ng sarili mong tubig" "I don't even know how to igib?! C'mon i need to take a shower now cause i feel really sticky" Muli nya akong nilingon "Sa batis ka maligo kung ganon" "Ayaw ko!" "De wag ka maligo" "Hey! Please.." Nakita ko ng bahagya syang matigilan "I really feel sticky na" "Sabihin mo muna pangalan ko" Napalunok ako at tinignan sya sa mata. We just both glaring at each other and yah i give up. "H-Heeseung help me to take a shower please?" Eh? Why does it sound weird? "Ako pa magpapaligo sayo ngayon?" I gulp and shook my head "I don't want to shower in batis so can you please igib for me?" Nakita ko ng mangisi sya at tumayo na sa pagkakaupo "Madali ka naman pala kausap eh" Naglakad sya palapit sa akin at bahagyang yumuko para mag pantay ang mukha naming dalawa "Jake nakakasama ka ng loob. Alam mo ba yon?" "W-What did i do again?" Gosh! What's wrong with me! I can't look at his face right now. Hindi sya nag salita at basta nalang ako tinalikuran. "Umupo ka muna dyaan at magsasalok lang ako ng pangpaligo mo" Saad nya at tuluyang lumabas Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Gosh!! Why he is so handsome and super bango din nya. Yes. I have known him since we were kids. A lot of people here pa nga said na we are twins lol without them knowing while we are in manila a lot of things happened between me and heeseung. Yes. The moment he started studying in Manila, I'm the first one he called and just a year after something happened pero ewan nang mag second year kami he started to ignore me and said na mali yung ginagawa namin. After that i ignored him and didn't talk to him anymore kahit lagi kami nagkikita sa ubelt. I just hate him for saying na mali yung ginagawa namin when in fact he is enjoying it. I tried to forget him by hooking up with a different guy. Yes! I did that. So what? Ang kapal din ng mukha nya na sabihin na nakakasama ako ng loob? Ako nga tong dapat sumama ang loob sakanya for just dumping me. While waiting for him, I noticed all the medals and his graduation pic on their wall. Simula elementary hanggang high school. Gosh he's really an achiever. Just fuckin look at those medal. Napatingin ako sa labas ng bintana nila ng makarinig ako ng hagikgikan. And there he is!! Talking to a girl and letting that b***h to touch his arms. Napanguso ako habang tinitigan ang kamay ng babae nayon na humahaplos sa braso nya. Mas lalong lumaki ang katawan nya at lalong syang naging moreno. His tan skin really makes him more attractive Fuck that biceps! Gosh! "Malapit na ang piestang bayan hayaan mo naman akong isayaw ka" Saad ng babae na ikinangiwi ko Sya talaga nagaaya? "Tyaka na natin pagusapan yan. May bisita pa ako sa loob" "Ah si Jake ba? Yung apo ni don lucio?" He nodded "Hmm kailan na nya maligo kasi naglalagkit na daw sya" "Bakit Ikaw ang nag iigib para sa kanya? Wala ba siyang kama–" "Of Course I have!" Sigaw ko mula sa bintana dahilan para lingunin nila ako "Why do you care anyway if heeseung want to serve me?" Mataray na saad ko I saw how she rolled her eyes and bid her goodbye to heeseung. Good! Nakita ko ng nailing si Hee at binuhat na papasok ang mga timba na dala nya. "Pumasok kana sa cr para makaligo kana" "I can shower on my own" "Hindi ko naman sinabi na papaliguan din kita pero…" Parehas kaming napatingin sa isa't isa dahil sa pambibitin nya pero agad din syang umiwas at nag tungo sa cr nila to put the water. I smirked. Lol! I still have an effect on him. I feel it. I just take all my shower essentials and my towel before heading to their bathroom. He is still there tho~ "Medyo malamig yung tubig, okay lang ba sayo? Oh gusto mo pag init pa kita?" "Nah! It's all fine." "Hmm okay" Hindi padin sya umaalis kaya tinaasan ko na sya ng kilay. Don't tell me? Gusto nya talangang paliguan ako? I don't mind haha wag lang syang magsisi pag nag ingay ako dahil hindi naman soundproof tong bathroom nila. "Are you just going to stay there?" "H-Huh?" "Don't tell me gusto mo talaga ako paliguan?" Napalunok sya at dali daling lumabas ng cr. Napangisi ako at sinarado na ang pinto. i***t. ______ JAKE POV "Jake hijo halina at kumain kana dito at namaya samahan mo si heeseung sa palayan para naman di ka maburyo dito sa bahay" I made a face when heeseung lola said that. As if i want to be with heeseung duh! As much as possible gusto ko nga iwasan yan. "Is it okay lang po ba kung mag stay nalang me here? Super init po kasi ang baka masunog skin ko" Sagot ko at umupo sa tabi ni lola "Here nalang po ako sa bahay at tutulungan ko po ka–" "Anong maitutulong mo dito? Humilata?" "Heeseung" Tawag sa kanya ng Lolo nya, Heeseung just rolled his eyes and continue to eat na. Napairap din ako at padabog na kinuha ang spoon and fork. I really hate him, gosh! If he just acts like this around me every time, then f**k him! How dare he treat me like that had never been part of his life! I mean not just, about having s*x with him but also I'm his childhood friend. We were very close back then! He is the one who dumped me then acting like I'm the one who is at fault here? "Jake apo baka sa akin gusto mo sumama?" Biglang singit ni pay kaya sakanya nabaling paningin ko "Saan po?" "Sa may bayan lang hijo. Mamimili lang ng mga rekados para sa paparating na pyesta" Napangiti ako at tumango "Sure p–" "Ako na lo sasama sayo. Baka ni isang plastic bag lang nang pinamili mo ay di nya madala" Humigpit na ang hawak ko sa tinidor ko at napa buga ng hangin. He is really getting on my nerves now. "Mind you! I used to live here" His smirk makes me more irritated. "Oh talaga? ni simpleng pag igib nga ng tubig ay inaasa mo sa aki–" "Fine!! i won't ask for your help anymore." "Talaga! Kasi hindi na ulit kita tutulungan" "Jusko marimar!! Nasa harap kayo ng hapag kainan na dalawa pero hayan at nagbabangayan kayo?! Masama yang ginagawa nyo" Singit ni may dahilan para matahimik kami parehas at napayuko. "Pasensya na may" Heeseung said. "Sorry po. It's your apo's fault, po kasi", I said and glared at heeseung who can't believe "Sorry po ulit" I feel like he wants you to know sumagot pa pero mamay seems not in the mood anymore. He's so bad for him hahaha I raised my eyebrows and stuck my tongue out just to annoy him. He didn't fight back and just glared at me too. Ang sama ng tingin nya sa akin ngayon haha "Apo sumama ka sa papay mo at Ikaw heeseung sa may palayan ka." "Opo may" Sagot nito at kumain na. Ngising tagumpay ako at kumain nalang din. Well, I will annoy him nalang until we come back to Manila. This summer vacation is not bad at all. — "WE MAKE MERIENDA FOR YOU ALL PO!!!" Sigaw ko when me and papay were finally in Palayan na. Nilapag na namin yung bread and uhm coffee sa may kubo. Weird kasi, it's so init here, but they drink coffee huhu pero nvm. Lahat sila naglakad na palapit sa amin and pumunta sa kubo and when heeseung was about to come too, I stop him. "We just make exact food" "Ano ngayon?" Serysong saad nya at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri. fuck! ang hot… uhm kidding hehe "Feel ko kasi kulang sya ng isa so uwi ka nalang sa house and go and make your own merienda" I saw how his jaw clenched, that made me droo– whatever. "Wag mo kong sinasagad, Jake" Saad nya sa serysong tono dahilan para matuptop ko ang labi ko at medyo mapaatras "Salamat parin sa pag sabi na hindi mo talaga ako dinalhan dahil wala din naman ako balak kumain. Magpapa hinga lang ako" Napatingin nalang ako sa palayan ng lagpasan na nya ako. hmp! k magutom ka dyan! may dala naman talaga ako pero gusto ko lang sya bwisetin. Super init talaga around here pero super peaceful din. Maiinit yung sikat ng araw pero yung hangin? Sobrang fresh just like me lol haha I remember when I was young, me and Heeseung played a lot here. Super tan ko non kasi lagi kaming nasa initan or sa batis tas lagi kami naka paa both noon. I sighed and just looked around, not until I heard a voice of a girl calling heeseung's name. I look at her and suddenly remember who she is. "Heeseung!!" Kumuyom ang kamao ko at hindi inalis ang tingin sakanila ng tuluyan syang makalapit kay heeseung at inakbayan ito. "Kakauwi mo lang galing manila?" Tanong ni heeseung dito, Sobrang soft ng voice nya. Karina nodded and smiled at him. Until now she is still the girl na super simple lang. She still lives here pa rin pala? "Yup! Pero by next week balik agad ako doon pagkatapos ng pyesta. Daming gawain" Heeseung smiled and nodded. Oh… I remember nung bata kami. He always said that Karina is her type. Soft-spoken, simple and smart, when he finally found someone he'll spend his life with, he definitely chose a girl like Karina. I agreed tho. Karina is so pretty naman talaga and super kind pa. Hindi ako nagseselos oak? Hmp!! To be continued.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD