EVAN POV
Sa irita ko dahil sa tinis ng boses nayon ay padabog akong tumayo at binuksan ang pinto dahilan para tumahimik sya at lingunin ako.
"Maganda umaga ho, don lucio" Bati ko sa matandang prenteng nakaupo sa kahoy na upuan namin
Si Don Lucio at si tatay ay matalik na magkaibigan. Kilala si tatay dito sa probinsya at lalo na si don lucio.
"Magandang umaga din hijo" Bahagya akong ngumiti bago pinagtuunan ng pansin ang binata na to ngayon na kitang kita ang pagiging mataray sa mukha
"Meron ho bang problema? Ke aga aga sumisigaw ka? Hindi mo ba kayang magsalita sa mahinahon na tono?"
Nakita ko ng kumunot ang noo nya dahil sa sinabi ko pero hindi sya nagsalita at inirapan lamang ako.
"Lo please! Just take me hom–"
"Bakit hindi ka muna maupo at makipagusap sa lolo mo ng maayos?" Singit ko ulit dahilan para muli nyang akong tignan ng masama.
Si tatay naman na nakikinig lamang ay tumayo na at lumapit sakin "Kumalma ka apo."
Ngumiti ako sakanya at hinaplos ang kamay nya na nakahawak sa braso ko "Kalmado ho ako lo"
"Who the f**k are you ba? Stop being pakielamero nga" Maarteng saad nanaman nya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Senorita maari bang umupo ka muna at makipagusap ng maayos sa lolo mo?"
"I said stop being pakielamero."
"UPO." May diin sa tono na saad ko at naglakad palapit sakanya
"And who do you think you are to command me?" Saad niya at hinarap din ako "You're just one of my lolo's slaves here, so why would I listen to you?"
Nag igting ang panga ko dahil sa sinabi nya. Nilingon ko ang lolo ni Jake bago sya muling tignan.
"Baka hindi nasabi sayo ni don lucio na sa pamamahay ka namin mag stay buong summer? Alam mo ibig sabihin non? Wala kang karapatan na mag reklamo at pakitaan ng ugali mong yan, Yumi. Hindi uubra sa akin yang pagiging spoiled brat mo"
I and Yumi are childhood best friends--nah scratch that! I will never see her as an friend anymore.
Never.