14 "Meu rei." (My King) tawag ng Duke sa may katandaan nang lalaki na nakahiga sa isang malaking kama. Nakaluhod ang magkakapatid na De Blanc sa isang kwarto na hindi nasisinagan ng araw at tanging dim na ilaw lang ang bumubuhay. Nasa pinakaunahan nila ang Duke at sila Sandford ang nasa likuran nito. Sa harap nila ang isang matandang lalaki na kahit pinahina na ng katandaan ay nasa mukha pa rin nito ang tapang na kahit sino ang tumitig sa mga mata nito ay tutubuan pa rin ng takot. Umupo ang matandang hari mula sa pagkakahiga sa King size nitong kama at naging maagap naman ang Beta nito at ilang personal nurse sa pag-alalay dito. "Narinig ko ang nangyari kamakailan lamang." malalim ang boses nito kahit bakas na ang katandaan. "Pinagmamalaki ko kayo. Hindi kayo naging pabaya sa inyong tu

