15 "Any news?" bumuga ng usok mula sa sigarilyo ang matandang si Fargo Monterro habang sinasagot ang tawag na nagmumula sa kaniyang inutusan na mga espiya. "Good news, Alpha. Natunton na namin ang kinaruruonan ng inyong Omega na apo at ikagugulat niyo kung nasaang puder siya ngayon." mapangutya ang boses ng scientist na Rouge ng sabihin nito iyon at ayaw niya mang marinig ang salitang "apo" ay natakpan na ng magandang balita nito ang inis niya. "Where is that good for nothing Omega?" "He is at the palace, nasa kamay siya ng isa sa mga prinsipe na De Blanc. Nasa puder siya ng noble pack, Alpha." Napasandal ang matandang Monterro sa narinig at napabuga ng tawa. He can't believe what he just heard. Gaya ng napangasawa ng kaniyang anak ay naging parausan din ang anak nito. Hindi niya alam

