4
Nasa disyerto na ng Espaniya sila Farazzi kasama si Samarah maging ang mga Epsilon nila at hindi niya mawari kung gaano pa ba katagal ang magiging paglalakbay nila. Hindi naman siya makakagamit ng cellphone sa lugar na ito sapagkat wala iyong koneksiyon sa klase ng lugar na kinaroroonan nila.
Hinawi niya ang tila kurtina na nakapalibot sa Hokusai na sinasakyan niya, kung saan hila hila din ng isang kamelyo at tinanaw ang paligid na dinadaanan nila. Malalim na ang gabi, sa tantiya niya ay maghahatinggabi na sapagkat naalala niya na saktong alas otso sila umalis sa Hotel nila kanina at iniwan doon ang Papa at Dada niya. Napabuntong hininga siya at nadama muli ang lungkot ng maalala ang labis din na lungkot sa mga mata ng mga magulang niya habang tinatanaw silang papaalis. Sa tingin niya ay ganoon din ang nakikita ng mga ito na nakarepleka sa kaniyang mga mata.
"Alpha " pinutol niya ang sasabihin ni Samarah sa pamamagitan ng seryosong tingin dahil pinayuhan na niya ito na simula ngayon ay huwag na siyang tatawagin na ganoon. Tumikhim ang kaniyang Beta bago muling nagsalita. "Yangumasutā, mga ilang oras na lang po ay makakarating na tayo sa kagubatan ng Britaniya, sa tantiya ko ay mga alas kuwatro ng umaga ay nandoon na tayo." (Younger Master)
Nagpapasalamat siya dahil ang kaniyang Beta ay maalam sa pasikot sikot at mga sikretong daan na nagpapadali sa paglalakbay nila. He knows her cousin won't forget her own homeland. Alam niya rin kung gaano na rin ito nananabik na makabalik ulit doon at makita muli ang mga magulang nito. Masaya siya para dito.
Inayos niya ang kaniyang kasoutan at ang belo na nakatakip sa mukha niya bago unti unti nang pumikit at nagpalamon sa antok. Hindi man kumportable sa suot, wala siyang magagawa kung ayaw niyang mapunta sa wala ang paghihirap ng Papa at Dada niya maligtas lamang siya.
He can fight. He knows how to use katana at maalam din siya sa judo. Isa pa, ang lahi ng Papa niya na mga Shinuzuke ay pamilya naman talaga ng mga Samurai. Kaya nga si Samarah na pinsan niya ang kinuha nila na maging Beta niya dahil bata palang ito ay hinasa na ng Tito niya, na nakakatandang kapatid ng Papa Rafa niya, para maging maalam sa pakikipagbakbakan. Si Samarah na din pagkatapos ang humasa sa kaniya ng mga dapat niyang matutunan pamprotekta niya sa kaniyang sarili. His Beta is really one of the best when it comes to combat fightings, he must say.
Kung hindi lang talaga naghirap ang mga Shinuzuke noon ay hindi sila magpapa-under sa mga De Blanc na mga nobility daw sa Britaniya. Naging royal slave pa ng mga ito ang Omega niyang Papa dahil sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang natatanging Omega. Shinuzuke's are way better than those nobilities. They are strong, formidable, and untamable. Dumating lang talaga sa punto na labis silang nalugmok at wala ng makakapitan kundi ang kayamanan ng mga De Blanc.
Fara's nose wrinkled with the thought.
I wonder how those nobilities look like? Ani niya sa kaniyang isipan dahil hindi niya maisip kung ganoon ba talaga katindi ang mga nobility na ito para mapa-under ang angkan ng Papa niya.
"Halt!"
Nasa malalim na siya na pagtulog ng bigla na lang tumigil ang sinasakyan nila at narinig niya ang malakas na sigaw na iyon. Agaran niyang inayos ang pagkakatakip sa mukha niya at tinignan ang nangyayari sa labas.
"Sam " natigilan siya dahil wala na sa tabi niya ang kaniyang Beta.
Kinuha niya ang dalawang maliit na patalim na nakatago sa magkabila niyang hita kung saan may maliit na nakataling mga lalagyan nito doon at agarang bumaba sa carriage niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang pinapalibutan na sila ng mga tila sundalo, pero mga nakasuot ng armor. Tila sila mga kawal ng isang hari.
"Yangumasutā!" agad na lumapit si Samarah sa kaniya at ang kaniyang mga Epsilon na noo'y bumaba sa isa pang Hokusai kung saan lulan ang mga ito at pinalibutan siya, pinoprotektahan.
"Samarah, what the hell is happening? Who are this armored people?" ani niya sa kaniyang Beta na nasa tabi na niya, pero hindi niya inaalis ang paningin sa hukbo ng mga kawal na nakahilera sa harapan nila, tila may hinaharangan na kung ano.
"Younger master, nasa teritoryo na po tayo ng Rio de Janeiro, Brazil. Sila ay mga kawal ng kataas taasang mga De Blanc."
Agad nagpantig ang tenga niya sa narinig at hindi maiwasang mapalingon kay Samarah na noo'y nakakapit na sa espada na nasa gilid lang ng bewang nito, tila naghahanda na ito sa anumang kilos na gagawin ng mga nasa harapan nila. Kahit ang mga Epsilon niya ay ganoon din.
"Ano?!" gulat na bulong niya dito. Dumiin ang hawak niya sa kaniyang patalim dahil doon.
Naiinis din siya dahil ramdam niya ang lamig na nanunuot sa hita niya kung saan may slit at bahagyang nakikita ang maputi niyang balat. Naaalibadbaran din siya sa suot niyang sandalyas na may tali na abot hanggang baba ng tuhod niya.
Inilibot niya ang paningin at nakita ang mga nagtatayugang Pine Trees at ang kalangitan ay tila unti-unti ng tinatakasan ng dilim. Tila nasa bandang alas kwatro y media na ng umaga. Pero ang mas pumukaw ng pansin niya ay ang isang matayog na baricada at ang isang malaking kulay ginto na gate sa likod ng mga kawal na noon niya lang napansin. Tanaw din sa likod ng gate na iyon ang tuktok na kung hindi siya nagkakamali ay isang palasyo.
"Ibaba niyo ang inyong mga sandata at sumama kayo sa amin ng maayos, intruders!" Ani ng tila pinuno ng mga kawal.
Tumaas ang isa niyang kilay sa tinuran nito. Inis niyang hinawi si Samarah para makadaan siya at harapin ang mga ito. Tila ayaw pa siyang padaanin ng kaniyang mga Epsilon, pero hinawi niya rin ang mga ito.
"Yangumasutā!" hindi niya pinansin ang pagtatawag ni Samarah sa kaniya at patuloy lang na lumapit sa mga ito. Ni hindi manlang siya umatras ng tinutukan siya ng mga espada ng mga kawal.
Tinaas niya ang isang kamay hudyat na pinapaawat niya ang mga Epsilon niya na labanan ang mga ito. He will face them, he is not afraid for he is Farazzi Shinuzuke Monterro.
Sumusunod sa bawat galaw niya ang mga dyamante na nakapalibot sa pulang kasuotan niya at hindi na rin niya inda ang hiya dahil lumalabas ang kanan niyang hita kung nasaan ang slit ng kaniyang suot.
"You dare call us intruders? I am a Shinuzuke and I am from here! My bloodline is from here, you dufus!" matapang niyang ani at nakita niya kung paano magkatinginan ang mga kawal at pagkatapos ay nagsitawa.
"Kung gayun, isa ka rin palang concubine. Ikaw ba ang kapamilya ng napalayas na Shinuzuke dito sa emperyo? ‘Yung minahal ng Hari pero pinagpalit lang ito sa isang Rouge?" palatak nito na kinanuot ng noo niya.
Is this s**t pertaining to my Dada and Papa?
Hindi niya alam pero nainis siya sa kawal na ito. Wala sa sarili na hinagis niya ang isang patalim na hawak at tumama iyon sa dibdib ng isang kawal na malapit sa lider nila. Narinig niya ang mura ni Samarah sa likuran niya at susugod na sana ang lider ng mga kawal sa kaniya kung hindi lang pumalinlang ang isang maginoong boses. Napakaganda noon sa pandinig.
"Stop right there, Commander Braken."
Tumambad sa kaniya ang isang gwapong lalaki na may kulay abo na buhok, abot iyon hanggang leeg. Mataas, matipuno at ang mga mata nito...
"Merda!" (s**t!) napabaling siya kay Samarah na hawak na ang espada nito at bumulong sa isang lenggwahe na hindi niya maintindihan.
"Meu Senhor." (My Lord) ani ng leader ng mga kawal at mas nangunot ang noo ni Farazzi ng magsiluhod ang mga kawal na ito sa harap ng gwapong lalaki na nakasuot ng isang kulay royal blue na roba at base sa gara noon, doon niya lang napagtanto na baka isa itong nobility!
Binalik niya ang titig sa mga mata ng lalaki at muli siyang namangha. Buong buhay niya ay noon lang siya nakakita ng kakaiba at ganoon kaganda na uri ng mga mata. Pula sa kabila at bughaw sa kabila.
Pula at bughaw... ang paslit! Nanlaki ang mga mata niya sa likod ng kaniyang belo ng maalala ang mga natuklasan nila noong isang araw. Kung ganoon isa ito sa mga miyembro ng Noble Pack!
Napaatras siya ng isang hakbang ng maglakad na ito papalapit sa kinaroroonan niya. Bigla siyang nabato. Tila mawawalan siya ng hininga sa tindi ng entinsidad na dinadala nito sa buong sistema niya. Noon niya lang iyon naramdaman, sa lalaki lang na ito na ngayon niya lang nakita.
It is too damn early for his heat, pero tila ba agad na lumabas iyon ng maamoy niya ang nakaka-akit at matinding pheromones ng lalaki sa harapan niya. Nanghihina siya. Kahit nagtake siya ng suppressants kagabi ay walang panama iyon. Isa lang ang ibig sabihin nito, ang lalaking ito ay ang kaniyang mate.
No! This can't be! Turan niya sa kaniyang isipan.
"You'll come with me quietly or I'll drag you myself on our dungeon, intruder? " matalim ang mata at baritono ang boses nitong ani na mas lalong nagpahina sa kaniya. He can't take his strong pheromones anymore, bumibilis na rin ang paghinga niya.
Naramdaman niya ang pagkilos ni Samarah at handa na rin sana itong harangin ng tila Beta din ng lalaking kaharap niya, pero dahil sa panghihina ay unti-unting umikot ang paningin niya.
"Young master!" dinig niyang sigaw ni Samarah, pero hindi niya alam kung kaninong mga bisig ang sumalo at yumakap sa katawan niya.