3
"Papa! Dada!" nagkukumahog na tumakbo si Farazzi sa mga magulang niya pagkarating na pagkarating sa Hotel na pagmamay-ari ng pamilya nila.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Karrim at pagkatapos ng naganap na tawag ng Papa niya sa kaniya ay kaagad siyang tumalima at nagtungo dito sa kanilang Hotel. Dito na rin kasi siya nagtago at nanirahan sa Exclusive Executive Room na para sa kaniya sa higit anim na taon. Ang mga magulang niya naman ay hiwalay sa kaniya at nagkukubli sa ligtas na parte ng gubat ng Madrid at napapalibutan ang mga ito nang kabahayan ng mga Epsilon ng kaniyang Dada sa paligid.
His Dada is the son of a leader ng mga Rouge sa clan nila at isa ang mga Monterro sa mga malalakas na angkan ng mga Rouge. Ang Papa naman niya ay isang Hapon, pero lumaki sa Britaniya o Brazil dahil ang mga Shinuzuke ay matagal na raw naninilbihan sa isang palasyo doon, ilang henerasyon na ang lumilipas. Isa nga ang Papa niya sa mga naging 'concubine' daw doon na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin o anong posisyon iyon.
"Oh, Fara anak!" yumakap din ang Papa niya sa kaniya habang ang Dada niya ay masuyo siyang ginawaran ng halik sa buhok.
"Pa, Da, ano pong nangyari? B-bakit po…" nanginginig ang boses niyang sabi dahil na rin sa kabang nadarama.
Bumuntong hininga ang Dada niya at giniya sila ng Papa niya paupo sa kama niya sa kaniyang kwarto. Tumabi ang Papa niya sa kaniya habang ang Dada niya ay lumuhod sa harapan niya. Pinagsiklop ng Dada niya ang mga kamay nila at ang Papa niya ay yumakap naman sa gilid niya.
"Farazzi anak, makinig ka kay Dada." seryoso at malaki ang boses na ani ng Dada niya. Napalunok siya at bahagyang tumango. "May nagtraidor na Epsilon sa atin kapalit ng yaman na inalok ng lolo (tatay ng Dada niya) mo sa dito at linabas nito lahat ng nalalaman niya sa atin, lalo na sayo anak." ginapangan siya ng kaba sa sinabi nito.
"H-hindi naman po siguro ako sasaktan ni Lolo Da, Lolo k-ko siya eh, tsaka "
"Hindi mo siya kilala Farazzi. Ayaw ng lolo mo sa isang omega, lalo kung sa magiging tagapagmana nito." putol nito sa kaniya na kinatiklop ng bibig niya.
Napatingin siya sa Papa niya na noo'y tahimik nang nananangis. Nahawa siya bigla dito at napaiyak din dahilan para yakapin siya ng Papa niya.
"Patawarin mo kami ng Dada mo Fara anak. Alam namin na nahihirapan ka at ayaw mo na magtago, pero wala manlang kaming magawa para sa ikalalaya mo. Patawad anak. Alam ko na hindi ka rin namin masyadong nasubaybayan simula ng inilayo ka namin sa amin. pero para din naman ito sa ikaliligtas mo. Sana maintindihan mo kami, Farazzi." naramdaman niya ang paghagod ng Papa niya sa likod niya at mas lalo siyang naiyak doon.
Umiling siya at tinignan ang Papa at Dada niya.
"Pa, Da, alam ko ang lahat ng sakripisyo niyo para lang maprotektahan ako, ako lang itong mahina. Nagtatago sa kaanyuan ng isang Alpha dahil hindi kayang protektahan "
"Farazzi!" suway ng Dada niya sa kaniya. "Malakas ka anak. Anak kita at malakas ka. Nakalimutan mo na ba ang pag-eensayo ko sa iyo noon? Huwag kang panghinaan ng loob Farazzi, lakasan mo ang loob mo. Hindi porke't isa kang Omega ay itatatak mo na diyan sa isipan mo na mahina ka. Parang tinatapakan mo na rin ang ego ng Papa mo at ng iba pang Omega." ani nito.
"Fairo" ang Papa niya. "Intindihin mo rin ang bata."
Napabuntong hininga ang Dada niya at tumayo. Pagkuway tinawag nito si Samarah ang Beta niya at may mga sinabi ito sa dito na tila mga instruction.
Nag-aalala na bumaling siya sa Papa niya.
"P-pa? Ano pong nangyayari?"
Hinaplos ng Papa niya ang mukha niya at sinubukan nitong ngumiti sa kaniya. Pinakatitigan nito ang buong mukha niya na tila ba hindi na sila magkikita pang muli. Nagpanik siya bigla at halos dumagundong ang dibdib niya sa kaba.
"Anak patawad, pero kailangan mong lisanin ang Tierra De Lobo ngayon din. Kami na ang bahala na humarap sa mga rouge, sa Lolo mo. Hindi niya naman kami sasaktan ng Dada mo anak, ikaw lang ang iniisip namin dahil alam namin na magiging mainit ka sa mga mata niya at" napalunok ito "hindi malabo na i-ipapatay ka n-niya anak." napakagat sa labi ang Papa niya para pigilan ang muling pagluha nito.
Tila binuhusan naman siya ng mainit na tubig sa narinig dahil hindi niya akalain na ang sarili niyang Lolo ay kayang ipapatay ang sariling apo.
Alpha lang ba talaga ang may karapatan sa mga mata mo Lo? Alpha lang ba talaga ang hinihintay mong apo at tagapagmana? Paano naman ako? Kahit karapatang mabuhay ay hindi mo na maaring ibigay sa akin? Napaluha siya sa naisip.
"Farazzi." napabaling siya sa Dada niya at nakita din niya ang tila kasuotan na pambabae na hawak na ngayon ng Beta niya. Napatayo siya bigla. "Gamit ang mga kamelyo ng ating mga Epsilon ay tatahakin niyo ang lugar papuntang Britaniya. Doon sa lugar na pinagmulan ng iyong Papa. Hihintayin ka doon ng Ate niya ang Tita Sammy mo, ang ina ni Samarah."
Oo ang kaniyang Beta ay kaniya ding pinsan at isang beses noong bata pa siya ay nakapunta na siya doon noong hiningi nila si Samarah sa Tita niya bilang maging Beta niya. Masaya siya kahit papaano ay makakabalik na si Sam doon, pero malungkot din dahil mas malayo na siya sa sariling mga magulang.
"Delikado sa’yo ang umalis pahimpapawid dahil baka ma trace nila ang flight mo. Sa lupa ay maari kayong maging ligtas kung susuoting mo rin ito at magpapanggap na babae. Dahil may mahaba kang buhok at tila mukhang babae, hindi ka mahahalata anak." ani ng Papa niya at bahagya siyang nahiya sa sinabi nito.
Inabot sa kaniya ni Samarah ang isang pulang roba na abot hanggang talampakan. May disenyo iyong mga dyamante sa gilid at may pula ding belo pantakip sa mukha. Nilagyan siya ng Papa niya ng palamuti sa mukha at pulang laso sa buhok na ikina-angal pa niya noong una, pero nagalit ang Dada niya sa tigas ng ulo niya kaya wala din siyang nagawa.
Ang Beta naman niya na si Sam, dahil female Beta ito ay naging lalaki ito at pinagsuot ng kasuotang tila pang Samurai. Dahil magaling sa espada ang Beta niya ay nababagay ito sa dito. May takip din ito sa mukha, parang tulad sa Ninja.
Nang natapos sila ay malungkot siyang bumaling sa kaniyang mga magulang.
"Pa, Da, susunod kayo diba? M-makikita ko pa kayo diba?" ani niya, yinakap naman siya ng mga ito.
"Susunod kami anak huwag kang mag-alala." paninigurado ng Papa niya.
"Mahal na mahal ka namin Farazzi tandaan mo iyan." ani naman ng Dada niya.
"Mahal na mahal ko rin po kayo. Hihintayin ko po kayo sa Brazil."