Chapter 6

1636 Words
6 Naihilamos ni Sandford ang sariling kamay sa mukha ng maalala ang nangyari sa kaniya kagabi. Hindi niya akalaing sa tanang buhay niya ay maapektuhan siya ng ganoon sa isang babae. The pheromone of that girl is so sweet, intoxicating, nakakabaliw. Hindi niya akalain na halos mapaluhod siya nito at mapaamo ang inner wolf niyang si Zeus. Kung hindi pa pumasok ang mga kapatid niya doon at pilit silang hiniwalay ng kanilang mga royal servants ay sa malamang, naangkin na niya ang dilag na iyon. Ni hindi nga niya nakita ang pagmumukha nito, pero halos ganoon na lang kung baliwin siya nito! Natigil ang paningin niya sa litratong nakapatong sa bedside table niya. Naibaba niya ang tuwalyang hawak para patuyuin ang kaniyang buhok at dinampot ang litrato. Masuyo niya iyong binigyan ng halik at pikit matang nilapat iyon sa kaniyang mukha. "Meu Amore." (My love) bulong niyang ani sa litrato ng batang hanggang sa ngayon ay iniibig niya, kahit sa katotohanang ni hindi niya pa ito nasisilayan kahit kailanman. "Desculpa, (sorry) naging mahina ako sa tukso. Pakiramdam ko ay nagtaksil ako sa iyo, mahal ko." paghingi niya ng paumanhin sa litrato na kung makikita ng iba, sa tingin niya ay matatawa ang mga ito sa kaniya. Uminit ang magkabila niyang tenga, nahiya din siya bigla. Isang katok ang nagpatigil sa kaniya sa ginagawa. Inilapag niya ang litrato ng batang si Farazzi sa side table niya at dagling nagbihis ng makapal na itim na roba. Nadedesenyuhan iyon ng mga bulaklak na kulay pilak. Nagsuot siya ng pares ng kulay itim din na bota at pormal na humarap sa kaniyang royal servant na si Yuriel na agarang nagbigay galang. "Bom dia, meu senhor." (Good morning, my lord) magalang nitong bati, may hawak itong tray ng mainit na earl grey tea na paborito niya. "Bom dia, Yuriel." kinuha niya ang tsaa at hinayaan ang sarili na malunod sa halimuyak noon bago niya iyon masuyong sinimsim. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "What happened to the girl? Where is she?" Mabilis namang dinaluhan ng servant niya ang tsaa nitong naubos na bago ulit magalang na tumugon dito. "Reply to my lord. Ipinakulong po ng Duke ang dilag sa dungeon ng palasyo samantalang ang Beta nito ay sa hiwalay namang dungeon." Natigilan siya sa narinig at naalalang siya rin pala ang magbibigay ng kaparusahan sa mga nangahas na manghimasok sa teritoryo nila dahil iyon ang kaniyang tungkulin. Ilang minuto pa siyang nag-isip bago napatingin muli sa litrato na nasa side table niya. Malungkot siyang napatitig doon. Naikuyom niya ang kaniyang kamao na nakatago sa likod ng mahaba niyang roba, naalala na ang isang linggo na ibinigay ng kaniyang nakatatandang kapatid na Duke ay matatapos na rin bukas. Farazzi mahal ko, patawarin mo sana ako. Wala akong nagawa para hanapin ka. Ni hindi manlang tayo nabigyan ng tadhana na magkakilala. Pero sana, kung nasaan ka man ngayon, hiling ko lang ay ang kasiyahan mo. Napakasuwerte ng taong iibigin at makakaisang dibdib mo. Eu te amo, meu amore. (I love you, my love.) "Nais kong makita ang Duke. Nakapagdesisyon na ako." Napamulat ng mata si Farazzi dahil sa bagay na biglang nagvibrate sa may dibdib niya. Specifically, sa may n****e niya. Hina siyang napabangon at halos hintakutan ng makita kung saan siya nasasadlak ngayon. Madilim, mabaho at maliit ang espasyo ng tila kulungan kung nasaan siya ngayon. At sa mabilis na iglap ay naalala niya ang mga nangyari kagabi. Bigla ay nagngitngit siya sa galit. Nagtagis ang mga ngipin niya sa galit. Galit sa lalaking muntik na siyang lapain at angkinin kagabi. Bastardo! Inis niyang dinukot ang kaniyang cellphone na isiniksik niya sa fake bra na suot sa kaniyang kasuotan at ng makita ang caller ay mas nadagdag ang inis niya. "Hello?!" inis niyang bungad dito. "Wow, what a great way to greet me, Fara." sarkastikong tugon ng nasa kabilang linya. "What do you want Mask or should I call you Lancelot?" madiin ang pagbanggit niya sa pangalan ng dating second lord ng Iron Wolf, dahilan para mapahilot siya sa kaniyang sentido. Dahan dahan siyang tumayo at ineksamina ang nakikita sa labas ng kulungan. Naghahanap ang kaniyang mga mata kung may paraan ba para makaalis siya doon, o meron nga ba? Isa pa, iniisip niya rin kung ano na ang nangyari sa kasamahan niya lalo na sa beta niyang si Sam. "I just want to invite you on my wedding." seryoso nitong ani, pero may bahid nang galak. Natigilan siya sa narinig. "You're getting married?" "I am getting married." pinal nitong ani at naiisip pa niya ang panalong ngiti sa mga labi nito. "Oh would you look at that, our Mask is getting married yes!" sarkastiko niyang ani pero narinig niya lang na tumawa ang nasa kabilang linya. "So? Sino ang malas?" "Napakatabil talaga ng dila mo Farazzi, kahit lalaki ka ay sobrang suplada mo." umingos lang siya sa sinabi nito at hindi niya mapigilang paikutin ang mga mata. "I'm getting married to Tori " Natigilan siya dahil bigla ay naputol ang linya. Ilang ulit pa siyang nag hello ng magsink in sa kaniya na low batt na siya. "Great!" ani niya at basta na lang tinapon ang cellphone niya sa isiping wala na iyong kwenta. Paano na ako makakatawag kela Dada nito? Paano na rin nila ako makocontact? Kuso! (s**t) Inip siyang nagpapabalik balik ng lakad at hindi maka isip ng maayos ng bigla ay makarinig siya ng mga yabag. Tila tunog iyon ng mga bota ng mga kawal. Kinabahan siya ulit, pero patuloy pa rin ang utak niya sa pag-iisip ng mga paraan. "Ikaw, sumama ka sa amin." malaki ang boses na ani ng isang kawal at binuksan ang lagusan. Marahas nila siyang hinila palabas doon at muntik na niya itong sabunutan sa hapdi ng pagkakahawak ng kamay nito sa braso niya. Lintek na ‘to! Taas baba ang dibdib niya sa galit dahil ni minsan ay hindi siya nakaranas ng ganito sa tanang buhay niya. Ni isang beses ay never napagbuhatan ng kamay ang isang Farazzi Monterro kaya gayun na lang ang inis niya. Kapag nabawi ko lakas ko, iiyak sa akin ang pangit na to eh. He secretly roll his eyes sa naisip habang hila hila pa rin ng mga ito. At mas nadagdag ang galit niya ng basta na lang siya nito tinulak paluhod sa carpeted na sahig ng malapad na hamba ng palasyo kung saan nasa harap ang magkakapatid na De Blanc. Tinalian siya ng mga ito kanina sa mga kamay na parehong nakapwesto sa likuran niya, kung kaya't hindi siya makapalag. Tumaas ang ulo niya at agad nagtama ang mga mata nila ng lalaking halos napadaanan ng palad ang buong katawan niya kagabi. Uminit ang pisngi niya sa naisip. Tumikhim ang nasa pinakagitna na lalaki na nakasuot ng kulay dilaw na roba at kahit pareho ang mga mata nito sa lalaking katitigan niya kanina ay wala siyang nararamdaman na kakaiba dito. Tanging sa mga mata lang ng lalaking nakaitim na roba siya nanghihina at nalulunod. "Dalhin ang kasamahan ng babaeng iyan dito." malalim ang boses na ani ng nasa pinakagitna at lumabas sa sulok ang ibang mga kawal bitbit ang taong kanina pa niya iniisip. "Samarah!" tawag niya dito. "Y-yangumasutā!" inilibot niya ang paningin sa kaniyang Beta at halos magbanggaan ang mga kilay niya sa nakitang mga galos dito at ang nakatakip sa mukha nito na Ninja mask ay wala na. Mabilis ang pagbalik ng tingin niya sa harapan. "What the hell did you do to her!" halos lumabas ang litid niya sa leeg sa lakas ng pagkakasigaw niya. Sinubukan niyang tumakbo sa mga ito pero agaran siyang pinaluhod ulit ng mga kawal. Nakita niya ang talim ng titig ng lalaking naka-itim na roba sa mga kawal kung kaya nabitawan siya ng mga ito. "So, the Samurai is really a girl." ani ng naka puti na roba na katabi ng naka-itim. Sa mukha nito ay halata ang kapilyuhang taglay. "Sebastian!" suway naman ng isa na naka-upo sa pinakaunang trono. Naka pula itong roba at may pinakapormal na mukha sa kanilang lima. "Desculpa, Marquess irmaō." (Sorry, Marquess brother.) ani nito pero pilyo pa ring nakangiti. "Sandford." tawag ng nasa pinakagitna sa naka-itim na nagngangalan palang Sandford. Ford. Wala sa sariling ani niya sa isip. "Sim, tua grace." (Yes, your grace.) pormal ang boses at naging pagtawag ni Sandford sa kaniyang kapatid na Duke, ang tumatayong hari ngayon sa kanila. "Ano ang hatol mo sa dilag na ito? Naparusahan na ang kasamahan niya, siya na ang susunod." napalunok siya sa narinig. Sumulyap ulit siya sa Beta niya at kinain siya ng awa para sa pinsan, hinang hina na ito. Hindi niya maisip ang ginawang paghihirap ng mga ito sa dito. Oo maalam sa pakikipagbuno ang pinsan niya, pero may sarili din itong kahinaan. "Sim. (yes)" ani ni Sandford at tumingin sa kaniya. Nanindig ang balahibo niya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kaniya. "I want her to be my concubine. Tinatanggap ko na ang pagpapalahi at sa kaniya iyon, your grace." Katahimikan. Binalot sila ng katahimikan. Nagugulat na nagsalita ang Duke nitong kapatid, si Jinko. Concubine? ‘Yung kapareho kay Papa Rafa? Gulo niyang ani sa isipan. "Ikaw ba ay sigurado na diyan, Ford?" kwestiyon ng Duke na magalang na tinanguan ni Ford. "I am sure. And also" tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa trono at bumaba sa ilang hakbang na baitang bago lumapit sa kaniya. Nanghihina siya sa presensiya nito, tanging sa lalaki lang na ito. Hinawakan nito ang baba niya at ini-angat para magtama ang paningin nila. Nakita niya kung paano tumapang ang mga mata nito. Tumingkad ang kulay pula at bughaw sa magkabilang nitong mga mata. "I want to see your face behind this belo, querida." (darling) Sa narinig niya ay huminto ang mundo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD