7
"I want to see your face behind this belo, querida." (darling).
Hinantakutan si Fara ng marinig niya ang mga katagang binanggit ni Sandford. He can see in his eyes na determinado na talaga ang binata na makita ang kaniyang mukha.
No! He can't find out! Alarma niyang ani sa kaniyang isipan.
Kapag nagkataon, may tsansa na malaman nila kung saang lahi siya nabibilang. Na isa siyang Shinuzuke, tiyak ay mauungkat ang nakaraan ng kaniyang Papa at ng Hari ng Britaniya, ang ama ng magkakapatid na De Blanc.
Umangat ang kamay ni Sandford para hawiin ang belo na noo'y tumakip sa kaniyang mukha kung kaya't pinilit niyang pumalag. Ngunit, sadyang malakas ang binata at bigla ay yinakap siya, inipit nito ang magkabilaan niyang kamay sa gilid ng kaniyang katawan para hindi niya iyon magamit. Dinig na dinig na niya ang t***k ng kaniyang puso ng makarinig sila ng ingay mula sa b****a ng palasyo.
"Anong nangyayari?" ani ng cute at maliit na boses ng lakaki na naka-upo sa pinakadulong trono, sa hula niya ay ang bunso nila, ang Baron.
"Your highness!" pumasok ang isang kawal na Royal Servant at agaran na lumuhod sa harapan ng mga De Blanc. "Nasa labas po ang mag-asawang Shinuzuke, anila ay kilala daw nila itong mga dayo."
Fara gasped ng mapagtanto niya kung sino ang mga nasa labas. Malamang ang Tita Sammy at ang Tito Kento niya ito ang ina at ama ng beta niyang si Samarah.
"Papasukin sila." ma awtoridad na ani ng Duke, kung kaya mabilis na binuksan ng mga servant ang malaking pinto sa hamba ng palasyo.
"I-nang, amang!" agaran na sigaw ng pinsan niyang si Sam at kumirot ang puso niya ng makita ang agarang pag-agos ng luha nito ng makita ang mga magulang. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay.
"Jusko! Sam, anak!" naitakip ng Tita Sammy niya ang mga kamay nito sa sariling bibig ng makita ang estado ng sariling anak. Agaran ding naglabas ng espada ang kaniyang Tito at itinutok sa harapan ng magkakapatid, pero mas maraming espada ang tumutok sa mag-asawa pabalik mula sa mga nakapalibot na mga kawal sa kanila.
Tumayo ang Duke mula sa trono nito at nakipagtagisan ng titig sa Tito Kento niya.
"It looks like nakakalimutan mo yata kung kanino mo itinututok ang patalim mo, Kento Shinuzuke." baritono ang boses na ani ng Duke at nakita niya kung paano natigilan ang kaniyang Tito. Ibinaba nito ang hawak na patalim, sighing in defeat. Hindi niya mapigilang mainis dahil tila talong talo ang pamilya nila na kung tutuusin ay pamilya ng mga Samurai.
Hindi niya maiwasang mapatingin ng matalim sa pwesto ng magkakapatid na De Blanc, sa likod ng kaniyang belo.
"Pakawalan niyo ang anak ko at ang…" natigilan ang Tito niya at napatingin sa kaniya. Patago siyang umiling dito, signaling him na huwag nitong banggitin na siya ay kaniyang pamangkin. "…ang kaniyang Alpha."
"Alpha?" isang tila bata at masiyahing tinig muli ang nangibabaw mula sa pinakabatang De Blanc. "Whoah, ain't that like, the knight and his lord?"
Napataas ng bahagya ang kilay niya at may lumabas na kaunting ngiti sa kaniyang labi dahil sa kabibohan ng batang De Blanc na ito. Malayo sa mga kapatid nito na may pilyo at may seryoso, ito naman ay tila inosente at wala pang muwang sa mundo kahit sa tantiya niya ay nasa dise-otso anyos na ito.
Knight and his Lord? Does he mean Beta and Alpha relationship? How cute.
"Rade, this is not the right time to be amused." ani ng tinatawag nila na Marquess kanina, pangalawa sa magkakapatid. Sa kanila, tila itong isang ina na laging nakasuway o naka-agapay sa mga anak.
"Grande irmaõ Leo is so kj." (big brother) ngumungusong ani ng bunso sa nakakatanda nitong kapatid.
Tumikhim ang Duke at nabalik sa seryosong atmospera ang paligid.
"Sige, ibabalik namin ang anak mo kung iyan ang nais mo…" tila nabuhayan ng loob si Fara ng marinig ang sinabi nito."But, our Earl here had chosen this Alpha female to be his concubine."
Sa sinabi nito ay umalma ang Tito niya at galit na galit itong gustong lumapit sa Duke, kaso nahawakan ito ng mga kawal sa magkabilang braso.
"Mga walanghiya! Ano ito? Ginagaya niyo siya sa ginawa noon ng ama niyo sa kapatid kong si Rafa? Hindi ako papayag!"
"You're so active the fact that this girl here is just the Alpha of your child, Kento. Or is it something else?" ani ng nasa tabi niya noong si Ford na muntik na niyang makalimutan na nandiyan pala.
Napaangat ang tingin niya dito at nagulat siya na nakatingin na rin pala ito sa kaniya. Tila ba ineeksamina siya nito, tila sa titig palang nito ay tinatanggal na nito ang nakaharang sa mukha niya. Ayun na naman at rumereact ang katawan niya sa titig na ginagawad ng mga mata nito sa kabuuan niya. It is like eating his soul. Umiinit ang kasuloksulukan ng buo niyang katawan kapag ito ang tumititig sa kaniya.
"Something else?! Ano ang ibig sabihin mo ha?" galit pa ring ani ng Tito niya, pero initsapwera lang iyon ni Ford.
On one bended knees ay lumuhod ito sa harapan niya at biglang umamo ang mukha nito. His eyes sparkled making it beyond more beautiful. Nalulunod siya. Nanginginig maging ang kaibuturan niya.
Natameme siya ng hawakan nito ang dulo ng mahaba niyang buhok at dinala iyon sa labi nito, without breaking their stares.
"Is that you, my Farazzi?" may lambing ang boses nito ng binanggit nito ang kaniyang pangalan.
Kilala niya ako? Wait, how did he know my name?! Gulat niyang ani sa kaniyang isipan at hindi siya nakapagsalita dahil doon.
"Anong pinagsasabi mo?!" sigaw ng Tito niya. "Nasa Madrid ang anak ni Rafa, Alpha iyan ng anak ko, Sandford."
Sandford hissed as he glared on his Uncle. He can clearly hear his low growl, indicating that even his wolf is disagreeing on what his Uncle said.
"Leave. Take your child, but I want this Alpha you are talking about." pinal na ani nito.
"No! I will not leave if my Alpha is not with me!" sigaw ni Sam at dahil mas lalo siyang na guilty at naawa sa lagay nito ay bumuntong hininga siya.
"Samarah." seryoso niyang ani. Nakita niyang natigilan ang Beta niya sa boses na ibinigay niya at napailing ito ng mapagtanto ang ipinapahiwatig niya.
"No, no, no. Watashi no Alufa " (My Alpha )
"Leave and save your life, Sam." ngumiti siya sa likod ng kaniyang belo at sa pagliit ng mata niya ay alam niyang nakita ng Beta niya na nakangiti siya.
"Go with your parents."
"Nahihibang ka na ba?! Hindi kami aalis "
"Sammy!" putol niya sa kaniyang Tita at natigilan ito ng hindi niya ito tinawag na Tita. "I'll be fine. Save your kid and go. Ipaabot mo na lang sa kanila na ayos ako. I don't want to worry them, please." ani niya tinutukoy ang kaniyang mga magulang.
Poprotesta pa sana ang Tita niya kaso pinigilan ito ng Tito Kento niya. Seryoso siyang tinitigan ng kaniyang Tito at alam niya na naintindihan siya nito. Bahagya siyang tumango dito.
"Magtiwala tayo sa kaniya." mahinahon nitong ani at bahagya din siyang tinanguan.
Salamat Tito Ken.
Huminga siya ng malalim at humarap kay Ford na noo'y nasa kaniya pa rin ang paningin. With all his might, with all determination, Fara unleashed his shield in front of this man. Matapang niyang hinila ang pulang belo na nakatabing sa kaniyang mukha and when he saw wonders of amusement on the man's eye when he saw his face, millions of wonders also made his heart leap out of flattery.
I don't know how you knew about me, but my stupid mind is saying I want to know about you too, Sandford De Blanc. Ani niya sa kaniyang isipan.