bc

Silab Series Book II (Lihim ng Gabi)

book_age18+
39
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
bxg
superpower
seductive
like
intro-logo
Blurb

Felicity arrives at a secluded, centuries-old mansion expecting refuge-but instead finds herself trapped in a world of hidden rules, shifting loyalties, and two powerful men who seem to know more about her than they should. As she is drawn deeper into their silent war of control and desire, she begins to uncover a disturbing truth about the mansion’s past -and her connection to it. But in a place where time bends and secrets breathe, the biggest danger isn’t what she learns…it’s what they are willing to do to keep her there.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 (The Mansion)
Madilim pa lang, gising na ako. Naririnig ko na ang mahihinang tunog mula sa kusina—kalansing ng sandok, kahoy na hinihila, at ang mahinang pag-ubo ni Mama habang nagsasaing ng natitirang isang takal ng bigas namin. Nakahiga lang ako sa banig, nakatitig sa bubong na may maliliit na butas. Doon pumapasok ang malamig na hangin ng madaling-araw. Katabi ko sina Maymay at Lino. Magkadikit silang natutulog para hindi lamigin. Tahimik ko silang pinagmasdan. Payat na payat na si Maymay kahit pitong taon pa lang siya. Kita agad ang buto sa braso niya kapag nagbubuhat ng timba. Kagabi, asin at sabaw lang ulit ang hapunan namin. Hindi na nga kumain si Papa. “Sige na, busog pa ’ko,” sabi niya kagabi kahit halos buong araw siyang nasa bukid. Sanay na ako sa gano’ng sagot niya. Kunwaring okay lang. Kunwaring hindi gutom. Dahan-dahan akong bumangon bago pa magising ang mga kapatid ko. Kinuha ko ang maliit kong bag na pinaglagyan ko ng dalawang damit at lumang tuwalya. Tatlong araw akong mawawala. Tatlong araw ako sa bahay ni Uncle Noah. Humigpit agad ang hawak ko sa bag. Hindi ko alam kung bakit parang may bumabara sa lalamunan ko tuwing naiisip ko ’yon. “Anak.” Napalingon ako kay Mama. Nakatayo siya malapit sa kalan habang hinihinaan ang apoy. Pagod na pagod na ang mukha niya kahit umaga pa lang. Parang ilang taon siyang tumanda simula nang hindi na maganda ang ani sa bukid. “Sigurado ka ba?” Hindi ako agad nakasagot. Hindi dahil ayoko. Kundi dahil natatakot ako. Lahat naman dito sa baryo alam kung gaano kalayo ang mansion ni Uncle Noah. Ilang village pa bago makarating doon. Malapit sa bundok. Nasa loob ng kakahuyan. Malayo sa ibang tao. At kahit walang nagsasabi nang diretsahan, alam kong may iniisip ang mga tao kapag may batang babae na magtatrabahong stay-in sa bahay ng lalaking mag-isa. Narinig ko na rin ang mga bulungan noon. Pero para sa mga katulad kong walang karapatang mamili, wala na akong pakialam. “Minsan,” bulong ni Mama habang nakatingin sa kumukulong kaldero, “hindi lang paglilinis ang hinihingi ng mayayaman.” Napahawak ako nang mas mahigpit sa strap ng bag ko. Nag-aalangan ako. Kinakabahan. Sino bang hindi? Pero tuwing naiisip ko ang mukha ng mga kapatid ko kapag walang pagkain, parang wala akong karapatang matakot. “Kaya ko po,” mahina kong sagot. Ayokong marinig nina Papa at ng mga kapatid ko ang pinag-uusapan namin. Matagal akong tiningnan ni Mama bago siya nag-iwas ng tingin. Napansin ko ang tubig sa mga mata niya. Parang gusto niya pang magsalita. Pero wala na siyang magawa. Kasi kailangan namin ng pera. At ako ang kailangang umalis. ⸻ Paglabas ko ng bahay, malamig pa ang hangin. Basa ang lupa dahil umulan kagabi. Habang naglalakad ako sa makitid na daan ng baryo, unti-unting sumisilip ang araw sa likod ng bundok. Tahimik. Walang ibang ingay kundi ang kuliglig, hangin, at yabag ko sa putik. Paminsan-minsan, may makakasalubong akong mangingisda o magsasakang may pasan na gamit. Saglit nila akong tinitingnan bago magpatuloy sa paglalakad. Lalong humigpit ang hawak ko sa bag habang umaakyat sa maliit na burol palabas ng baryo namin. Mahamog. The entire road looked pale under the morning fog, almost unreal in the quiet. Piliting kong inaliw ang sarili ko sa mga puno, sa mga ibong dumadapo sa kable, at sa tunog ng dahong hinihila ng hangin. At doon ko ulit nakita mula sa malayo ang mansion ni Uncle Noah. Nasa gitna iyon ng bundok, napapalibutan ng makakapal na puno. Kahit malayo pa, kitang-kita na agad kung gaano ito kalaki kumpara sa kahit anong bahay sa village namin. It looked isolated. Untouched. Like the entire mountain had been built around it. Parang nakahiwalay sa lahat. Napahinto ako saglit. Ang layo. Bigla kong naisip—paano kung may mangyari sa akin doon? Paano kung mali pala ang desisyon ko? Paano kung hindi pala ako dapat pumayag? “Basta makakatulong ako,” mahina kong bulong sa sarili. Paulit-ulit kong sinabi iyon habang naglalakad. Parang kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko para hindi ako umatras. Basa ang damo. Nanunuot ang tubig sa luma kong sapatos pero wala na akong pakialam. Desperado. Iyon siguro ang tawag sa akin. At kung ang pagiging desperado ang makakapagpakain sa pamilya ko, tatanggapin ko. Hindi ko na hahayaang matulog ulit sina Maymay at Lino na gutom. Halos tanghali na nang makarating ako. Mas tahimik dito kaysa sa baryo namin. Walang batang naglalaro. Walang tahol ng aso. Hangin lang at tunog ng mga dahon. Habang papalapit ako sa mansion, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung dahil ba mag-isa lang ako o dahil pakiramdam ko sobrang layo ko na sa bahay. Huminto ako sa harap ng nagtataasang bakal na gate. Black iron covered in old vines. Matangkad. Mabigat tingnan. Parang hindi ginawa para magpapasok ng tao kundi para pigilan silang makaalis. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang mansion mula sa rehas. Luma ito pero well-maintained. May kakaibang elegance kahit halatang matagal na itong nakatayo rito. Iyong tipong bahay na maganda sa malayo pero nakaka-intimidate kapag nasa harapan ka na. Hindi ko alam kung ilang silid ang nasa loob o kung nalilibot ba iyon lahat ng may-ari. Huminga ako nang malalim bago kumatok. Isang beses. Dalawa. Ilang segundo muna ang lumipas bago bumukas ang gate. At doon ko siya unang nakita nang malapitan. Ang magiging amo ko. Napatigil ako. Hindi siya mukhang “uncle.” Mas bata siya kaysa sa iniisip ko. Matangkad siya, may malapad na balikat at tahimik na tindig na parang natural nang nakaka-intimidate. Nakasuot siya ng simpleng dark shirt na nakatiklop hanggang braso, pero kahit simple ang suot niya, may kakaibang ayos pa rin sa kilos niya. Parang sanay siyang sundin ng mundo kahit hindi siya nagsasalita. Maputla ang balat niya pero hindi mukhang may sakit. Mas lalo lang nitong pinatingkad ang matalas niyang features—matangos na ilong, malinaw na jawline, at mga matang halos imposibleng titigan nang diretso. Tahimik. Diretso. Mabigat. Light brown ang kulay ng mata niya pero kapag tinamaan ng araw, nagiging halos gold. May kakaibang hatak. Iyong tipong hindi mo gustong salubungin ang tingin niya pero hindi mo rin kayang umiwas agad. Parang kayang makita lahat kahit wala kang sabihin. “Felicity?” Mababa ang boses niya. Malalim. Kontrolado. “O-opo.” Saglit na bumaba ang tingin niya sa bag ko bago siya tumabi sa gate. “Come in.” Iginiya niya ako papasok. Naglakad kami sa mahabang daan papunta sa mismong entrance ng bahay. Mas lalo kong na-realize kung gaano kalaki ang mansion habang papalapit kami. Tall windows. Dark curtains. Stone walls touched by old vines. Everything looked expensive… but strangely lifeless. Binuksan niya ang malaking pinto at agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Pagpasok ko, agad akong nilamon ng katahimikan ng bahay. Ang laki. At sobrang linis. Amoy kahoy at kape ang loob. Nakita ko agad ang mamahaling muwebles, marmol na sahig, at malalaking chandelier na mahina lang ang ilaw. Even with sunlight outside, the mansion still looked dim. Parang ayaw nitong papasukin nang buo ang liwanag. Bigla akong naging conscious sa sarili ko. Sa sapatos kong may putik. Sa damit kong kupas. Sa buhok kong magulo dahil sa mahabang lakad. Narinig kong sumara ang malaking pinto sa likod ko. Napakapit agad ako sa bag ko. Ewan ko ba. Biglang pakiramdam ko… wala na akong matatakbuhan kapag may nangyari. “Relax.” Nagulat ako nang marinig ko ulit ang boses niya. Tumingin siya sa akin habang nakatayo ilang hakbang ang layo. “You look nervous.” Napahiya ako agad. “Hindi po…” Bahagyang umangat ang isang kilay niya na parang alam niyang nagsisinungaling ako, pero hindi na siya nagsalita pa. Inilibot niya ako sa mansion at inisa-isa ang bawat parte nito. Tumango lang ako nang tumango habang nagsasalita siya. Doon ko rin nakumpirma na siya lang ang nakatira roon. Mag-isa. Sa gano’ng kalaking bahay. “Your room is upstairs.” Room. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko nang marinig kong may sarili akong kwarto rito. Tahimik siyang naglakad paakyat ng hagdan at sumunod naman ako. Ang lakas ng tunog ng bawat yabag namin sa marmol na sahig. At habang sinusundan ko siya, hindi ko maiwasang mapatingin sa likod niya. Matangkad siya. Iyong tipong kailangan kong magtaas ng tingin para lang makita nang maayos ang mukha niya. Napayuko ako agad nang mapansing nakatitig na pala ako. Pagdating sa second floor, binuksan niya ang isang maliit na kwarto. Simple lang. May kama. Maliit na cabinet. Isang bintana na tanaw ang bundok. “Stay here,” sabi niya. Tumango ako. Tahimik ulit. Parang lagi na lang may hanging mabigat sa pagitan naming dalawa. “Dinner at seven,” dagdag niya. “Lock your door at night.” Napatingin ako agad sa kanya. “B-bakit po?” Saglit siyang natahimik. Then his eyes settled on me again. Nag-iwas ako agad ng tingin. His gaze felt too intense. Parang may parte sa akin na gustong umatras kapag tinitingnan niya ako nang gano’n. “Because you’re young,” sabi niya. “And this place is isolated.” Hindi ko alam kung bakit may malamig na gumapang sa balat ko habang nakatingin siya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin. Pero hindi niya tinuloy. Tumango na lang ako. Pagkaalis niya, saka lang ako nakahinga nang maayos. ⸻ Pagsapit ng gabi, lalo pang lumamig. Tahimik kaming kumakain sa mahabang mesa. Ako lang ang maingay dahil sa tunog ng kutsara ko. Paminsan-minsan, nararamdaman kong tumitingin siya sa akin. Hindi diretsahan. Pero sapat para uminit ang mukha ko. “Eat more,” bigla niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. “Nakakahiya po—” “You’re too thin.” Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Tahimik lang ulit siya pagkatapos, parang normal lang ang sinabi niya. Pero ako, biglang naging aware sa sarili kong katawan. Sa manipis kong braso. Sa paraan ng tingin niya. Hindi ko maintindihan kung bakit may kaba sa tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Noong gabing iyon, hindi ako agad nakatulog. Nakatingin lang ako sa kisame habang nakikinig sa mahinang hangin sa labas. Then—may narinig akong yabag. Mabagal. Mabigat. Sa labas ng kwarto ko. Napaupo ako agad habang mabilis ang t***k ng puso ko. Huminto ang yabag malapit sa pinto. Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Hindi ako makahinga. Ilang segundo. Tahimik. Then slowly… narinig kong naglakad ulit ito palayo. Hindi na ako nakatulog nang maayos pagkatapos no’n. At habang nakatitig ako sa dilim ng kwarto, parang gusto kong pagsisihan ang lahat at umuwi na lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
704.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
944.5K
bc

A Warrior's Second Chance

read
338.8K
bc

Not just, the Beta

read
337.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook